Press Release
August 12, 2014

TRANSCRIPT OF SEN. ANGARA'S AMBUSH INTERVIEW
AFTER THE WAYS AND MEANS HEARING

Q: Sir, yung hinihingi niyo sa BIR?

SJEA: Alam mo, yun nga ang frustration natin. Di ba nasabi nga ng isang senador na kapag pataas ang buwis, ang bilis magbigay ng datos ng ating BIR officials. Kapag gusto nating tulungan ang pangkaraniwang tao at gusto nating bawasan ang buwis, walong buwan na tayo humihingi ng datos. Huwag naman sana ganun. Kung hindi talaga binigay sa susunod na hearing, mapipilitan tayo i-subpoena duces tecum. Meaning, sapilitan yung pagbigay ng dokumento at datos.

Q: Ano mismo yung hinihingi?

SJEA: Yung hinihingi natin yung projected revenue loss sa mga panukalang batas na lumalayon na babaan yung buwis ng ating kababayan.

Q: Makakadelay ba yun sa pagpasa sa committee level?

SJEA: Nakaka-delay talaga dahil mahirap magdesisyon. Gusto namin, kaming mga senador, na kapag nagdesisyon kami, alam namin yung totoong mararamdaman ng ating pamahalaan at ano yung benepisyong mapupunta sa ating mga kababayan.

Q: Sinasadya ba na i-delay?

SJEA: Sa ngayon, we're still giving them the benefit of the doubt. Pero yun nga, medyo nawawalan na kami ng pasensiya dito.

Q: Nagbigay na ba ng deadline?

SJEA: Kung hindi binigay in two weeks, we'll have to issue the subpoena.

Q: Baka kaya hindi mabigay yung data kasi wala naman talagang ganun ka-significant na revenue loss?

SJEA: Maaari. Maaaring exaggerated. Hindi natin alam. Kaya kailangan pag kumilos tayo dito, maganda yung pundasyon natin pagdating sa datos at impormasyon.

Q: Wala po ba kayong sariling estimate?

SJEA: Hindi pa pinal. Meron din tayong tinatrabaho, may kinakausap rin tayo pero syempre, wala tayong technical know-how ng BIR, wala tayong network nila nationwide.

Q: Ano ang chances na mapasa ang bill to lower income taxes?

SJEA: Depende na rin sa ating mga kasamahan sa Kamara de Representante. Kung sinuportahan nila, malaki ang tyansa. Kung sinuportahan din ng liderato ng Senado, palagay ko malaki rin ang tyansa.

Q: Kung hindi pa rin makakapag-submit ang BIR, you would still push through with the passage of the bill?

SJEA: No. We intend to subpoena first the documents and the information we require.

Q: If they fail?

SJEA: Well, may penalty yun.

Q: 8 months nang hinihingi, pwede ba yun? Tigas lang talaga ng ulo?

SJEA: I think with the final deadline siguro palagay ko magcocomply naman sila.

Q: Intentional po ba ang pagdelay?

SJEA: Hindi naman talaga sila pabor dito sa panukala. Narinig niyo yung sinabi ni Usec. Paul na gusto ng gobyerno na gumastos ng 5% of GDP para sa imprastraktura. Importante ho yun, pero meron din tayong pagkukunan ng ibang pondo na sinabi ni Senator Recto na hindi pa nakikita tulad ng Malampaya Fund na napakalaki, bilyon-bilyones eh sana nga mapakinabangan nga ng ating mga kababayan.

Q: Pero sa House, the same din yung experience nila? Di din sila nagsusubmit?

SJEA: Ah ganun ba? Are you telling me? Or are you asking me?

Q: Asking.

SJEA: Ah hindi ko pa alam, hindi ko pa nakakausap si Congressman Quimbo diyan.

Q: Intentional ba yung pagdederail?

SJEA: Well kayo na lang siguro ang humusga sa intention dahil sabi nila "good faith is presumed" pero pag 8 months na yung hinihingi mo eh parang mahirap na, parang yung presumption narereverse di ba?

Q: Sir, kamusta yung discussion sa pagtatax ng bonuses ng government employees?

SJEA: Well hindi masyadong nadiskusyunan yun dahil pending nga sa korte pero klarong klaro nga yung puntos ng representante ng mga ibang government employees association na hirap na hirap na talaga sila at sana huwag naman buwisan at yan din naman ang intensyon ng ating mga panukala. Sabi nga nung isang eksperto, every three years dapat binabago, inaadjust ang tax system. Eh tayo, 17 years na hindi pa natin inaadjust so isipin na lang natin kung gaano kahindi makatarungan yan para sa taumbayan.

Q: Sino yung mapepenalize pag hindi pa din nabigay yung documents? Yung agency?

SJEA: Well, we'll look at it. We'll study what the rules provide.

Q: Wala pong invite si Henares?

SJEA: She's always invited but alam mo namang busy siya dahil they have to collect the taxes so naiintindihan naman natin yun.

Q: Sir may time table po ba kayo na ipasa? Ano po yung chance na maapprove ito kung hindi cooperative ang government agency?

SJEA: Well patuloy naman ang pagtulak natin. Kita mo naman pag maraming senador dito palagay ko medyo mayayanig naman nang konti.

Q: Sir, yung Makati Business Club meron silang survey and worst daw po yung Senate. Why is that and how can you reverse?

SJEA: Palagay ko nakaapekto dito yung PDAF scam pero tingin ko naman babalik din yun over time. In the next few years, lalong lalo na kung pinasa natin itong lowering of taxes di ba?

Q: Di kayo disappointed sir? Sa ganung klaseng impression?

SJEA: Wala tayong magagawa eh. Yun talaga ang impression nila.

News Latest News Feed