Press Release
August 11, 2014

Transcript of Ambush Interview
Session Hall

Question (Q): Pinaiimbestigahan po 'yung kontrobersyal na parking building sa Makati? Senator Nancy Binay (SNB): Meron?

Q: Meron.

SNB: Anong nakasulat sa reso?

Q: Reso pinaiimbestihahan niya (Trillanes)... for Senate to conduct...

SNB: Kami naman 'di ba, we welcome that hearing para talagang makita na, magkaroon rin kami ng venue para sabihin 'yung side naming dun sa... actually, hindi siya parking building. Hindi siya isang parking building, isa siyang office building so, kasi nagkaroon ng misinformation na when they say it's a parking building. Kasi kapag sinabi mong parking building tapos ilang bilyon iisipin mo mahal but hindi nga siya parking building. Office building siya na may parking space.

Q: So ma'am, welcome sa inyo 'yung resolution? May nakikita kayong kulay pulitika dito?

SNB: Hindi. Kami, on our part, we welcome 'yung ganyan para, I mean, my brother can answer questions 'pag dating doon sa building. Ang nakakagulat lang is, anong national relevance nung building 'di ba? Parang ang dami-daming trabaho dito sa Senado tapos, nakakalungkot lang na parang may dating 2016 'yung resolution.

Q: Do you intend to participate, ma'am, in the investigation?

SNB: Parang hindi ata proper.

Q: Mag-inhibit ka, ma'am?

SNB: I think, siguro hindi ata proper na nandun ako kasi 'yung kine-kwestyon. At saka I think my brother can, ano, defend it. Walang ano, madali niyang ma-defend 'yung issue na 'yun.

Q: Pero considering na ang nagfile ng reso ay nag-aaspire din for higher position. So, may nakikita ba kayong...

SNB: 'Di ba we've always said na lahat na lang ibabato nila. So parang nakakagulat lang na at nakakalungkot na gamitin 'yung Senado to hit on their potential na kalaban for 2016. 'Di ba, parang, bagsak na nga 'yung rating namin dito sa Senado tapos hahaluan pa ng ganung pulitika. Ewan ko kung papaano kami makaka-angat.

Q: Ma'am, how about dun sa rating ni PNoy na positive 29 pero bumagsak siya ng 16 percent.

SNB: Siguro it's a reminder for all of us. Not just kay Presidente na we need to work harder. Kasi may survey din 'di ba nga 'yung sinasabi ko sa 'yung Senado bumagsak sa... So it's a wakeup call for all of us from the Executive, the Judiciary, pati na rin sa Legislative 'di ba, na we all need to work kasi 'yung mga kababayan natin, sila 'yung natatamaan.

Q: At hindi ganitong klaseng trabaho na imbestigasyon dun sa tatay ninyo?

SNB: 'Yun na nga. Kasi nga 'di ba unang-una I think may kaso na sa Ombudsman so... And the mere fact that COA already said na walang, 'yung presyo nung building, okay siya eh may COA ano na, certification. Parang may ganun tapos parang magfa-file pa ng ganung resolution, parang nakakapagtaka nga lang. Kung 'yun ang ikaaangat nila anong magagawa natin?

Q: Do you take offense?

SNB: Hindi. 'Di ba sabi ko bring it on. (laughs) Parang sinabi na pinaghahandaan naman namin 'yung mga ganitong issue 'di ba? Kaya nga siguro kung 'yung anak ko magka-kaso na rin baka hindi na rin ako magugulat.

Q: Pati anak ninyo?

SNB: Pati anak ko, 'di ba? Idamay na din.

Q: Thank you po.

SNB: Dapat pala humingi akong kopya nung reso. Hindi, nakaka-ano din, magkatapat lang 'yung opisina namin, madali naman akong katukin...

Q: Para bigyan ka ng kopya?

SNB: Hindi. Para tanungin niya kung ano ba 'yung ano, sana nabigay ko sa kaniya 'yung COA findings, 'yung, 'di ba? Para tapos na kaagad, 'di ba?

Q: So it's not worth investigating?

SNB: Ang hirap kasi 'di ba parang 'pag ako ang nagsabi na it's not worth it, sasabihin self-serving kasi kapatid ko 'yung ano, pero the mere fact nga na magkatapat lang 'yung office naming, kayang-kaya kong ibigay sa kaniya lahat ng dokumento.

Q: So may tampo kayo, ma'am?

SNB: Hindi, wala. Alam kong trabaho lang naman 'di ba?

Q: So anong plano ninyo, ma'am? Anong plano ninyo, may reso, bibigyan ninyo siya ng mga documents na...

SNB: Hindi. The mere fact na may reso, hintayin na lang natin 'yung hearing. Kung gusto nila, mag-ocular inspection pa sila 'dun sa building 'di ba? Para makita nila.

Q: Mag-iinhibit kayo, ma'am?

SNB: Kasi nga kapatid ko 'yung ano 'di ba? Ano na lang, parang hindi ata proper na nandun ako. At saka kaya na ng kapatid ko 'yun. Kayang-kaya.

Q: ...'di ba from the courtroom, was then Mayor Binay with them?

SNB: Hindi, dun sa ano, dun sa building, Makati City Hall, pero hindi kasama ang brother ko 'dun sa walkout...

Q: ...'di ba from the courtroom to the...

SNB: Hindi. Wala siya. Hindi kasama, hindi sasama si daddy sa ganun. Hindi, sympathetic lang sa kanya din because nga, common enemy 'di ba?... Si Enrile nga tinulungan siyang makalabas...

News Latest News Feed