Press Release
August 6, 2014

Transcript of interview of Senator Nancy Binay

Question (Q): (Unintelligible) On amending the constitution to extend the term of the president

Senator Nancy Binay (SNB): As of this time? Siguro, medyo gahol na sa panahon. Ang dami naming mas kailangang mas pagtuunan ng panahon. For example that BBL(?). Ngayon nga itong budget kailangan na namin talagang paspasan na suriin.

Q: Kung sakali, Ma'am, papayag ba kayo?

SNB: Na alin?

Q: Na-iextend yung term?

SNB: Unang-una, it's not up to me. Wala akong choice pagdating sa pag-extend ng term ng presidente kasi specific ito sa constitution natin na there's only one term so... Di ko rin nga maintindihan bakit pinag-uusapan natin yung another term for President Aquino when we all know there's only one term allowed... Unless there is a move to change the constitution.

Q: Kapag may move to change the constitution, are you willing to support the charter change?

SNB: Dahil sa term na 'amendments?' Mas maraming provision sa constitution na... It's high time na pag-aralan nga di ba?

Q: But not?...

SNB: Not yet. At this time, pag-usapan muna ng maigi kung ano nga ba yung mga dapat baguhin sa constitution kasi ang talagang pinu-push ng business sector ay yung mga economic provisions, di ba?

Q: Pero yung term na 'extension,' papayag kayo doon?

SNB: I think, kailangan natin pag-aralan kasi nga kapag inisip mo, kulang nga yung six years kasi baka nga mas maganda kung dalawang four years, di ba? Isang option yun eh...

Q: Pero for this time, para kay President Aquino? Papayag kayo na maextend yung term nya?

SNB: Ang dapat nating tanungin, willing ba si Presidente Aquino na mag-extend ulit? Parang ang balita ko nga sa Malacanang, may countdown na daw kung ilang days na lang in office si Presidente.

Q: Considering yung statement galing kay DILG Secretary Mar Roxas, ano ba yun? Parang statement nya, ayaw niyang maupo si VP Binay as next president?

SNB: Hindi naman siguro. Ganun lang siguro siya kabilib kay Presidente Aquino, kaya, siguro kung pwede pa, mas maigi na siya.

Q: How would you describe Secretary Mar's statement?

SNB: Hindi ko alam eh. Siguro, it's best to ask him, saan nga nanggaling yung ganoong statement na kung pwede si President yung susunod na presidente. In fact, lalo na kami as public officials, sumumpa kami na we will uphold the constitution. Eh talagang nakasulat doon sa constitution na isang term lang ang pwede sa pangulo.

Q: Are you telling this to Mar na 'uphold the constitution?"

SNB: I think sa aming lahat na government officials, siguro in light with all the controversies, it's high time na balikan namin pare-pareho kung ano yung mga nakasulat sa constitution.

Q: (Unintelligible) ...Yung pagpapalutang, galing mismo sa LP... Walang malakas na kandidato kaya i-stay na lang natin si Presidente?

SNB: Ayoko naman i-assume na wala silang malakas na kandidato. Matagal pa yung 2016. Anything is possible.

Q: Di kaya strategy lang yun ni Sec. Mar kaya siya nagsalita siya ng extension for the president? Parang its part of saying na, "Oh, ako ang suportahan mo kasi full yung backing ko sa iyo."

SNB: Yung reason why he said it - Ayoko ko nang mag-speculate eh. Siguro nga, baka ganun siya katiwala kay President Aquino na kung nasa kanya yung desisyon, mas gusto nya na mag-extend pa si Presidente Aquino.

Q: (Unintelligible)

SNB: Wala naman.

Q: Di kaya desperado na? Di kaya desperate move na yun?

SNB:Bakit naman siya magiging desperate?

Q: Parang way of making sipsip ba...

Q: Kasi parang wala na siyang pag-asang...

SNB: Hindi ba, habang may buhay, may pag-asa? (Laughter)

Q: Kung dumating sa punto na talagang gagalawin yung constitution before mag-end yung term ng presidente, susuportahan ninyo yun?

SNB: Ako nga, I am open to the idea na kailangan gawing two terms na four years. Kasi sa US ganun eh. Two terms na tag-four. So parang eight years. Baka it's an option. I am not saying na iyon ang gawin. Siguro baka pwede pag-aralan.

Q: Is six years too short?

SNB: Parang... yung six years eh medyo kulang.

Q: But is now the right time?

SNB: Now? Sabi ko nga, parang this is not the right time. Kasi ano na, ang dami nating dapat ayusin bago yung mga ganun isyu.

Q: So, sa term na lang ng tatay ninyo? Joke lang...

Q: Okay, thank you, Ma'am.

SNB: Baka magdilang anghel ka. (Laughter)

Q: Can we quote you on that?

SNB: Alin? Yung magdilang anghel ka? (Laughter)

Q: Akala ko habang may Binay, may buhay... (Laughter)

Q: Ma'am Thank you.

News Latest News Feed