Press Release
July 31, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dzBB Interview
Hosted by Mr. Joel Reyes Zobel

Joel Reyes Zobel: Nasa linya na po natin si Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public information. Sen. Grace, good afternoon. Si Joel Zobel, live po kayo sa dzBB.

Sen. Grace Poe: Hi. Magandang hapon Mr. Zobel at sa lahat ng nakikinig, magandang hapon po.

Zobel: Sen. Grace, were you initially disappointed noong hindi nabanggit ni Presidente doon sa kanyang SONA ang freedom of information bill, considering na matagal na niyang tinatrabaho po itong panukalang batas na ito, senadora?

Poe: Noong umpisa, umaasa ako, bago magkaroon ng SONA, pero kahit na umaasa ako, para sa akin naman kasi hindi ko naman inaakalang sigurado 'yun. Mas higit pa nga na maaaring surprise lamang kung saka-sakali. Pero wala naman kasi akong duda na-ipapasa ito ng administrasyon na ito kaya nga hindi ko naman siya pinapaki-usapan o nakikipag-argumento kanino man sa kanila sapagkat sa akin, 'yung sinabi naman ng Pangulo na dapat talaga pagdebatihan ng mabuti ang isang panukalang kasing-importante nito, naniniwala ako doon. Napaka-importante ng isang batas na katulad ng FOI na hindi pwedeng basta-basta ipapasa mo ng hindi ninyo talaga pinag-aralan at pinagdebatihan sa Kamara.

Zobel: Actually pinasa na po ng executive department ang listahan po ng mga priority bills po nila at lumalabas po doon na panglabingwalo po yata, kung hindi ako nagkakamali, ang FOI bill. Hindi ko po alam kung ito ay nasa order of importance 'yung kanilang bilang pero ano po sa tingin niyo doon kung nasa panglabingwalo po doon sa dalawampu't-anim na priority measures na gusto pong maisulong ng Malacañang sa Kongreso?

Poe: Basta ako, masaya na lang ako na nasama iyan sa priority measures. Ang kaibahan siguro ng FOI doon sa iba, ito talaga pinagtutuunan ng pansin ng marami nating mga kababayan. Hindi lamang ng media kung hindi doon sa mga kasama sa business sector dahil para sa kanila, importante na magkaroon ng malinaw na mga datos na galing sa gobyerno, dapat maging transparent, dapat may karapatan tayo na usisain. Kaya para sa akin, bagama't hindi naging number 1, hindi ko din alam sa level of importance, 'yan po ay hindi mawawala sa kamalayan ng mga nasa Kongreso sapagkat ipapaulit-ulit nating ipapaalala sa kanila 'yan.

Zobel: Okay. Ma'am kung meron na po tayong FOI ngayon, do you think the DAP could have been prevented? Nasilip po sana natin itong DAP at hindi po nagawa ito sa tungkil ng ating mga ilong?

Poe: Naku absolutely. Sa tingin ko kung hindi man naiwasan ng buong-buo, sa tingin ko mas malaki ang magiging pagkakataon na siguro mababawasan man lang. Hindi lang ang DAP kundi ang PDAF at kung anu-ano pa na maaaring magkaroon ng question na transaction. Sapagkat, kunyari ang DAP, kunyari ako ay isang senador na nakatanggap niyan, mailalagay na dapat yan, sa umpisa pa lang sa DBM, ang pinaglaanan nila ng proyekto, naka-upload na sa kanilang website. So sa umpisa pa lang, kunyari binigyan si Sen. A ng 100 million, kung interesado man ang media, alam na ng senador na 'yun na naka-paskil na 'yan o nakalagay 'yan kaya maaring siyang tanungin kung saan ginamit ang pera. Mapag-iingatan niya ang paggasta. More of preventive o para naman maiwasan ang pagkakaroon ng anomalya. Malinaw kasi wala pang freedom of information, hindi naman obligado na ipakita kung saan pinaglalaanan lahat 'yan kaya ngayon nakakalusot ang ganung klaseng uri ng transaksyon.

Zobel: Ano ang tingin niyo bakit tumagal ng ganito, ma'am? We are on our fifth year of the Aquino administration, bakit hanggang ngayon parang sa order of importance, kulelat pa rin itong FOI? Would you like to second guess?

Poe: Para sa akin, I can only guess pero sa tingin ko naman, it's more of my observation, syempre nasanay tayo na ilang taon o ilang dekada na hindi ganoon kalinaw ang pagpapahayag ng mga transaksyon ng gobyerno. So marami naman diyan, bagama't ang administrasyon ay bago na, 'yung sistema luma pa rin. Madami pa rin diyang nagpapatako ng gobyerno na datihan na kaya hindi talaga sila komportable at aminin na nating kung wala ka naman talagang tinatago, wala ka namang dapat ikatakot sa freedom of information. Ngayon siguro ang ating pangulo, kung siya man ay nag-aatubili dahil dito sa FOI ay dahil sa mga sinasabi na rin sa kanya ng mga nakapaligid sa kanya na baka pag iyan ay naapruba magiging masyadong magulo, maraming manghihingi ng impormasyon, sabay-sabay baka hindi natin makayanan. Pwedeng totoo din yun pero kaya nga bago ipasa iyang batas na iyan dapat nakalagay na malinaw ang exemptions, malinaw kung paano magko-comply ang mga government agencies , kung ano ang mga ia-upload na information, kailangan lahat ng mga departments ay magkaroon ng workable websites, kaya yung mga detalye na ganun ay dapat pinag-aaralan. Isa pa siguro ay iniisip din ng Pangulo na baka hindi naman iyan maging masyadong maayos ay dahil nga doon sa mga sinasabi nilang state secrets. Ako naman ay payag na talagang may exemptions sa FOI katulad niyan, national security issue nabanggit ko na rin po yan, na kahit ano namang bansa, kahit America pag merong mga legitimate operations tungkol sa mga investigations on criminal activities o kaya terroristic activities hindi naman kailangang ihayag, nakita naman natin sa hostage crisis, so meron po talagang mga exceptions para hindi naman maabuso ang ganitong uri ng batas.

Zobel: Palagay ko medyo may pag-asa tayo ngayon dahil kung talagang 26 man ang mga priority bills na gusto ng executive department na maisulong ng Kongreso ay nasa pang-18 na po yung FOI natin hindi ho gaya nung ibang mga taon halos hindi naisasama ito sa mga priority bills pero mukhang meron tayong pag-asa ngayon maski na pang-18 ay nandun pa rin sa listahan, kaya malaki ang pag-asa natin, ma'am, na baka nga binibigyan na maski maliit na pansin ito pong FOI bill.

Poe: Kasama po yung Whistleblowers Protection Act. Sa tingin ko doon sa legasiya ng ating pangulo, napansin natin nung huling SONA niya yung taong iniluklok nga ng marami nating kababayan, nakita nila kung bakit nila siya nilagay diyan in the first place, lalo na sa kanyang katapatan. Maraming naging duda sa ibang mga desisyon pero sa tingin ko itong FOI ang maggagarantiya na magkakaroon talaga ng tamang legasiyang tinatahak ang ating pangulo na hindi lamang matatapos kundi maipagpapatuloy. Alam ko ikaw ay isang gun enthusiast din, napag-usapan natin dati, ang daming mga reklamo doon sa pagrerehistro so naka-ilang technical working group hearing na kami. Kaya ko naman isinisingit ito, sapagkat katulad niyan, yung mga desisyon kung paano ibibigay ang kontrata sa isang kumpanya, lahat iyan kung may FOI naka-upload na iyan sa website so maiimbestigahaan na natin kung bakit yun ang pinili. Sino yung mga nandiyan, at ang kontrata na naglalaman ng P50 million and above ay dapat naka-upload in full, so sa tingin ko maganda itong paraan para maiwasan yung mga naging problema natin itong mga nakalipas na araw.

Zobel: Mukhang magsusunog na naman kayo ng kilay dahil doon sa budget, P2.6 trillion po ang gusto ng Malacanang na maipasa sa Kongreso, I know dadaan po ito sa pagbusisi po ng mababang kapulungan at ng Senado kaya lang meron binabangit doon na P500 billion na lump sum, ano ba ang initial impression ninyo doon sa 2.6 trillion budget na isinumite ng Executive Department?

Poe: Meron silang binabanggit na P500 billion na special purpose fund, yun nga yung sinasabi mong lump sum. Alam mo para sa akin pag meron namang kaukulang dahilan hindi naman natin pwedeng sabihin na, halimbawa ikaw, meron kang isang kumpanya, hindi mo naman mabibigay nang eksaktong-eksakto lahat ng kailangang pagkagastusan kaya nga may contingency measure at contingency fund, kaya ganun din sa ating gobyerno hindi naman natin alam eksakto kung magkano ang magiging gastos sa isang bagyo, sa rehabilitasyon, alam mo kung saan talaga nagkakatalo? Sa accounting at sa reporting, kasi pwede kang may lump sum diyan pero yung lump sum na iyon kahit na binigay mo ng buong-buo na walang nakalagay kung saan ba talaga gagamitin pero sa bandang huli ay kailangang ireport kung sino ang tumanggap at gumastos niyan, at kung saan ginamit ay hindi naman siguro makakasama. Kasi sa totoo lang yung sinasabi na exact definition of savings, nabanggit lang ang savings sa Constitution pero hindi naman nabigyan ng tamang definition. Naniniwala ako na pwedeng talakayin ito sa kongreso pero kung ano man ang magiging designation niyan, kung ito ay dapat matapos ang isang taon bago ideklarang savings o dapat anim na buwan o kung ano pa man ay kailangan malinaw na kung saan ginasta ang pera na nakareport. Kasi kung hindi, ay kahit na sabihin mong naka-line item buget yan tapos kinurakot naman ang pera dahil alam nila na hindi na nila kailangang ipakita sa publiko kung saan ginasta ay balewala rin.

Zobel: Actually yun ang susunod na itatanong ko sa inyo, yung joint resolution para maredefine yung sinasabing savings. Do you think that is still necessary kasi marami ang nagsasabi na it is only to fit their purpose? Yung pagreredefine ng savings e dalawang taon na lang naman sila bakit hindi nalang i-let go na iyan. Sa tingin po ninyo?

Poe: Alam mo sa tingin ko naghahabol talaga. Naghahabol ng mga maaaring implementahin, itong mga natitirang taon. Marami kasing pagkakataon, siguro kasi hindi ginagamit, at siguro ngayon kung ano man yung proyekto na gusto nilang gawin ngayon to fit their purpose. Okay lang to fit their purpose if it is for the good of the majority. Doon sa tanong ninyo kung kailangan ba talagang palitan ito, ang sa tingin ko ay responsibilidad ng Kamara na pagdebatihan at pag-aralan pero dapat, kung magkakaroon ng pag-aaral tungkol diyan ay huwag kami-kami lang ang magdedebate diyan. Kukuha kami ng mga former budget secretaries from past administrations, kumuha tayo ng iba't ibang propesor sa mga unibersidad, ng mga eksperto sa business sector na sabihin sa atin kung ano ba talaga ang tamang paraan ng paggasta ng savings, ano ba talaga ang dapat na maging definition nito. Kasi kung kami-kami lang sa Kamara ay syempre hindi natin masasabi na magkakaroon ng tiwala ang ating mga kababayan.

Zobel: Tama nga po, yun ang tunay na konsultasyon. Lahat ng sektor ay kokonsultahin para madefine ang isang napakahalagang salita.

Poe: Siguro si Sec. Diokno ng nakaraang administrasyon ni Pres. Erap ay maaaring tawagin at sabihin sa kanya kung necessary ba talaga na i-utilize ang savings? O pwede namang bigyan ng eksaktong budget ang bawat ahensya at gamitin ninyo iyan. Kaya lang minsan, alam mo, nagtrabaho din ako sa isang ahensya ng gobyerno. Kapag mayroon kang pera na ganyan tapos hindi pa nagagasta, yung iba bibili ng kung anu-ano pang mga hindi naman kailangan para magamit yung pera. O kaya ang iba namang ahensya, sasabihing huwag nating gastusin ito kasi pwede nating hingin ito as savings na pwedeng gawing bonus ng mga empleyado. So hindi natin masasabi na perpekto ang sistema na iyon. Kaya nga sa akin, nagiging mas maayos na ang pag-aaral ng paggasta ng pera ng gobyerno kung ito ba ay pinapakita sa ating mga kababayan para mas may transparency.

Zobel: Ma'am, kami'y lubos na nagpapasalamat sa inyo.

News Latest News Feed