Press Release July 29, 2014 Sen. Grace Poe's Eid al-FItr Message Binabati ko ang lahat ng ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr! Ang Eid al-Fitr ay isang mahalagang paalala sa ating mga kababayang Muslim at sa bawat isa na magpasalamat sa lahat ng biyayang dumarating sa atin, habang pinaiigting ang pagkalinga sa kapos-palad. Dalangin ko na maging kabahagi ang bawat isa sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kasaganaan sa ating bansa at sa buong daigdig. Eid Mubarak! |
Friday, April 26 Thursday, April 25
|