Press Release
July 28, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's interview after the SONA

Question: Hindi nabanggit ang FOI?

Sen. Grace Poe: Umaasa ako na may FOI pero di ko din naman inasahan (babanggitin). Ang masasabi ko, naging madamdamin ang pahayag ng ating Pangulo, bagama't may kanya-kanya tayong wishlist na gusto nating gawin ng gobyerno. Hindi man natutugunan agad, wala naman akong duda sa pagkatao ng ating pangulo. Sinabi nga nya, napakahalaga ring maipagpatuloy ang kanyng repormang nasimulan. At sinabi nyang hindi naman sya nawawalan ng loob sapagkat alam nya ang legasiya ng reporma at pagpapatuloy nito ay nagagawa ng maraming namumuno sa ating bansa...

Question: Maaasahan bang maipasa ang FOI?...

Poe: Naipasa naman namin ang FOI sa Senado ng walang certification. Hindi naman balakid ang kawalan ng certification. Although the President did not mention FOI, I am still optimistic that this important measure will be passed under his leadership.

News Latest News Feed