Press Release
July 10, 2014

Excerpt of Sen. Grace Poe's dzBB interview with Mr. Mike Enriquez

On FOI

Enriquez: Pag-usapan naman natin ang Freedom of Information Bill. Ito at magbubukas na naman ang Kongreso sa July 28... malaking katanungan, pero kami po ay hindi na umaasa na mababanggit pa iyan sa SONA pero sana ay kung pwede bang pakisingit naman this time yung Freedom of Information bill at gawin nang batas iyan? Kayo po, ano pong asa ninyo diyan sa FOI na iyan? Iyan ba ay pwedeng asahan, alam naming sa Senado ok na, pero tayo ba ay makakaasa, sa tingin ninyo sa itinatakbo nito, sabi niyo pinag-aaralan niyong mabuti yung mga pangyayari. Alam naman namin na isa kayo sa mga nagtataguyod ng FOI bill na ito, umaasa pa ba kayo na magiging batas pa iyan Senadora?

Poe: Malay niyo i-surprise tayo ni PNoy at i-certify. Hndi natin alam, pero sa pagkakaalam ko at sinabi naman ni Speaker Belmonte na sa kanyang termino ay maipapasa ang FOI. Ngayon sana itong termino na ito sa 16th Congress ang aking sinasabi, pero marami na rin po tayong kakampi sa Lower House, sa tingin ko maipapasa. Siguro para sa media, mas interesado kayo, yung right of reply po ay parang hiniwalay na nilang bill.

Enriquez: Hindi na po nila ipinagpipilitan?

Poe: Hindi po nila isinama sa FOI kasi yun po ang nakakasira, so at least kung hiwalay na bill iyan ay pwede nating batikusin ng hiwalay iyan sa FOI. So ngayon po, alam ko, marami pong nakikinig sa ating mga kababayan, ano ba itong FOI na ito? Sinasabi nila "Hindi ko naman makakain ito," pero simple lang po ang FOI, magkakaroon ng armas ang mga tao para hingin ang mga dokumento sa gobyerno. Bakit ito importante? Alam niyo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa haba ng pila sa MRT at LRT, bakit nagkakaroon ng mga ganyang klase ng maintenance na talagang masama... malalaman natin kung sino ang mga nag-bid at pwede nating kaagad imbestigahan para mapigil.

Itong DAP na ito na lumabas, bago pa man lang ma-ipamahagi ang pera na iyan kung may FOI tayo ay dapat nakapaskil iyan sa website ng DBM para yung mga nakakaalam na mga eksperto at media ay mabusisi na sana bago pa man na-ipamahagi iyan. So importante po iyan, magkakaroon po iyan ng epekto sa atin. Kung ang pera ng gobyerno na nakalaan sa pinakamahihirap ay talagang napunta sa kanila.

News Latest News Feed