Press Release
June 24, 2014

Transcript of radio interview with Sen. Alan Peter S. Cayetano

ANG MGA BIKTIMA NG SUNOG, DAPAT GAWING AUTOMATIC MEMBERS NG 4Ps or CCT PROGRAM

Sa mga nasunugan, bakit hindi gawing automatic na gawing miyembro sila ng 4Ps o kaya CCT para meron silang isang libo buwan-buwan para maalalayan ang bata?

Sabi po sa akin ng DOH, sabi po sa akin ni Sec. Ona ay covered na po lahat ng Pilipino sa PhilHealth. Pero sa pag-iikot ko po ay marami pang hindi nakakaalam. Bakit po hindi unahin din na kapag naging fire victim ka, tutal po ang DSWD ay may listahan - hindi lang po fire, halimbawa ngayon, tag-ulan na, may mga bahain na lugar, huwag naman sana, pero kapag sila ay binaha - yun ang sinasabi ko.

May sari-saring programa ang gobyerno pero hindi siya integrated at hindi siya mabilis. Sa mga lugar na binanggit ko, panay umaasa ito sa local government, sa Davao, sa Cebu City, Zamboanga City, Caloocan. At mabilis naman po ang response nila, P2,500-P5,000 cash ang binibigay kaagad kaya hindi masasabing may corruption yan dahil cash talaga at diretsong binibigay sa ating mga kababayan.

Pero hindi dapat ibigay sa local government lang ito. At ang ibang lugar na nasusunugan, private ang lugar kaya pagkatapos ay pinapaalis na sila, wala ding mapupuntahan. Pero ang mga lugar na katulad ng Lorega sa Cebu City, baliktad. Dahil ang Cebu City ang may-ari ng lupa, lalo pa nilang pinapaganda ngayon at ginagawan ng malalaking kalye sa pagbalik nila.

Sa madaling sabi, dapat gawing komprehensibo. Hindi lang papatak-patak. Hindi sa paga-ano pero feeling ng mga kababayan nating nasusunugan, parang sinasabihan sila ng national government na bahala na sila sa buhay nila. I'm sure hindi ganoon ang intensyon ng Malacanang at ng ating Pangulo kaya ang gaganda ng programa, pero dito dapat kumilos at magkaroon ng isang inter-agency.

Kaya nga sinusulong natin sa Senado na magkaroon ng Emergency Response Department kasi sa ngayon, hindi nalalaman ng mga kababayan natin maging ng local government kung NDRRMC ba ito, DSWD ba ito, DILG ba ito, ano bang mga iba't ibang ahensyang tutulong, pero kung may isang ahensya na tututok sa lahat ng disaster, siguro may sasaklolo sa kanila na responsible at mabilis.

Meron na po akong na-file right after Yolanda but I am hoping na sa lower house ay gumalaw din ito. As I said, tag-ulan na po kaya kailangan na kailangan asikasuhin na agad.

ON LIVE COVERAGE OF PDAF TRIAL: PAANO TATANGGAPIN NG TAO YUNG DESISYON KUNG HINDI NILA NAPANOOD KUNG PAANO NILITIS ANG MGA KASO?

Gusto ko sanang magkaroon ng special courts. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, ginagawa talaga ito. Hindi totoo ang sinasabi ng mga Estrada na lahat ng nasa special court ay nako-convict. Ang totoo po nyan, ang special court kasi, pareho lang naman po ang role niya, except ipa-prioritize ang kaso para naman hindi abutin ng sampung taon ito. Having said that, nirerespeto ko ang desisyon ng Sandiganbayan, ako ay naniniwala na best interest of the country ito at alam naman nila kung paano patakbuhin ang kanilang mga korte.

Kaya sa pag-respeto sa desisyon na yan, akin naman pong tinutulak na sana bigyan ng pansin ng Supreme Court na payagan o utusan ang Sandiganbayan na maging live ang coverage ng hearing. Kasi ngayon, panay ang ispekulasyon. Sa ibang mga investigative report, sinasabi, paano yan, yung ibang mga justices or merong isa o dalawa na in-appoint na malapit ng malapit kay Senator Revilla halimbawa o kaya sinasabi nila bakit yung isa korte mabilis yung iba naman ngayon pa lang naglalabas ng warrant of arrest, yung isa wala pa.

So, I'm sure may sari-saring dahilan yan pero yung spekulasyon brought about by the kagutuman ng ating mga kababayan sa impormasyon. So ako'y naniniwala na pag nagsimula na yung trial at hindi ito live coverage ay kanya-kanya nang PR yan, kanya-kanyang anggulo pagdating ng hearing. Pero kung live yung coverage, may reporter kayo dun, makikinig lang naman yun at babantayan yung hearing pagkatapos pwede mag-interview, tingin ko mas magiging mabuti sa criminal justice system natin lalo na sa korte.

Kung kayo naman ang prosekusyon, mas gusto niyo na naririnig ng tao ang ebidenysa. Kung kayo naman ang akusado, mas gusto niyo rin naririnig ng tao kung tingin niyong inosente kayo kasi sa ibang bansa, nagkakaron ng riot pag hindi katanggap-tanggap yung desisyon. Eh paano tatanggapin ng tao yung desisyon kung hindi nila napanood kung paano nilitis ang kaso?

Wala pa kasi ang mangyayari nyan, maglalabas ng order ang Sandiganbayan at hindi yan discretionary kung hindi yan ay mandatory na isuspend sila ng 90 days. Kung makikita namin na makukulong sila ng matagal kasi tandaan niyo may bail hearing din sila ay pwede nang ipamigay sa iba yung committee. Pero sa ngayon, meron naman silang mga vice chairman so siguro magte-takeover muna yung mga vice chairman para hindi maantala yung trabaho.

ANG DOJ DAPAT HUWAG MAGPA-PRESSURE SA SINASABING DAPAT MAY FILE-AN NG KASO SA ADMINISTRASYON JUST FOR THE SAKE OF FILING

Iba't ibang reaksyon, yung sa oposisyon tingin nila pinagiinitan sila pero ang madalas ko naman sabihin eh kung susundan naman yung ebidensya ay wala tayong magagawa kung sino ang tamaan sa oposisyon at administrasyon.

And by the way, yung pag-file ng DOJ ng kaso, NBI ang nagfa-file nito na inalalayan ng DOJ, Ombudsman naman ang nagdedesisyon so kung ang mga myembro ng mga oposisyon, advocacy groups, kung iba tingin nila may mga member ng administrasyon na dapat file-an ng kaso, pwede silang dumeretso sa Ombudsman.

Kaya ako sinasangayunan ko na ang DOJ dapat huwag magpa-pressure sa sinasabing dapat may file-an na kaso sa administrasyon just for the sake of that. Para sa akin, kung talagang guilty, administrasyon o oposisyon, file-an mo ng kaso. Kung inosente, bakit mo fi-file-an ng kaso? Para ang dating sa publiko patas?

Mas importante sakin na patas talaga sila. Pero kung ang publiko mismo, ako pag may nakita ako na hindi na-file-an pero may kasalanan, dapat file-an to at para sa Senate kasi, pag hindi ito ginawa, ang buong institusyon lulubog eh. Masyado na naming hindi binantayan yung pork barrel. Masyado nang naapektuhan lahat so dapat payagan ng Sandiganbayan at ng Ombudsman na i-implement ang hustiya na bulag. May kasalanan, file-an. walang kasalanan, wag file-an.

News Latest News Feed