Press Release
June 11, 2014

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin Drilon

Q: Naisampa na po ang kaso against sa tatlo niyong kasamahan sa Senado kaungay sa P10 billion pork barrel scam. Ano po kaya ang mensaheng ipinararating nito sa ating kababayan?

SPFMD: Ito pong proseso na ito ay hindi pamumulitika. This is not about politics. Ito po ay tungkol sa pagpapatupad ng anti-graft law. Ang pagsampa ng kaso sa mga senador na miyembro ng oposisyson ay dahil may ebidensiya ang COA at ang Ombudsman na sapat na sila ay sampahan ng kaso.

However, they are presumed innocent until proven guilty. Magkakaroon sila ng pagkakataon na ipaliwanang ang nangyari, dahil ito ang sistema ng ating hustisya. Sinusuportahan namin ang proseso na ito. Ito ay sa dahilan na ang pagsampa ng kaso, ay isang proseso sa ating demokrasya. Pinapakita lamang natin dito, o ang mensahe ay mahirap ka man o mayaman, makapangyarihan o pangkaraniwan man, tayo po ay dapat pantay pantay sa ilalim ng batas. Yaan po ang pinapakita ng pamahalaan, ni Pangulong Noynoy. Yaan po ang mensahe nitong pangyayari na ito sa ating kasaysayan.

Asahan niyo po na kami sa Senado ay susuporta sa proseso ng ating batas, dahil dito po titibay ang tiwala n gating taumbayan sa sistema ng ating demokrasya. Kapag hindi po nakita ng mag taumbayan na may hustisya sa ating bansa, ay mawawalan sila ng tiwala sa ating demokrasya.

Q: Ano po ang reaksyon niyo sa suhestyon na pagbuo ng isang separate division sa Sandiganbayan na siyang didinig sa kaso ng pork barrel scam? Ano po ang inyong position?

SPFMD: Sa dami ng kasong isinampa ay siguro nga kailangan nga ng special division para makapag-concentrate ang division na ito sa kaso na ito. Kung inyong maalala-alaala, meron din special court na itinayo para sa kaso ni dating Pangulong Joesph Ejercito Estrada. Ito po ay ginagawa kapag kailangan.

Q: Huling sesyon na pala sa Senado po, ng 1st Regular Session. Kamusta naman po ba ang performance ng Senado?

SPFMD: Aba eh alam mo, sa kabila ng pagbalot ng kontrobersiya sa ilan naming kasamahan, ay patuloy na nagtatrabaho ang Senado dahil dito lamang sa paraan na ito ay maibabalik natin ang tiwala ng taumbayan sa Senado.

Sa nakalipas na isang taon ay 22 panukalang batas ang ipinasa ng Senado, 5 na po ang napirmahan ng Pangulo bilang batas at mayroong pang 6 kaming ibibigay sa kanya. At isa sa pinakaimportante dito ang Picture Based Health Warning Act of 2014, kung saan yung 50% of the display area ay magkakaroon ng picture ng baga o ipin o iba pang parte ng katawan na naapektuhan ng paninigarilyo. Ito po ay isang paraan ng pamahalaan para mapababa natin ang bilang ng mga naninigarilyo sa ating bansa, lalo na sa ating kabataan.

Ayon po kasi sa datos ng Department of Health mga 87,000 Pilipino taun-taon ang namamatay na ating mga kababayan natin ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Habang naguusap tayo, sa loob ng susunod na oras ay 10 Pilipino na ang namatay dahil sa paninigarilyo.

Kaya eto po amin itong pinagtibay natin yung Picture based Health Warning Act, dahil noong 2012 ay ipinasa natin ang Sin Tax Law, na ako mismo ang nagtulak. Nakalikom po tayo ng P52 billion para po sa ating health sector, at makatulong makapigil sa mga namamatay o nagkakasakit sa paninigarilyo. Ito po ay magiging batas bago matapos ang buwan, at by next year ay meron na pong picture-based warnings ang mga kaha sa buong bansa.

News Latest News Feed