Press Release
May 29, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dwIZ Interview
Karambola with Cely Bueno and Jonathan Dela Cruz

Jonathan Dela Cruz: Tama po yung nababanggit ninyo, senadora tungkol sa pagkakaroon ng pag-asa, iyan ang ating kailangan eh. Ang ating mga taumbayan, ang ating kababayan, siyempre ang gusto nilang mangyari sa kanilang lider, lalung-lalo na, mabigyan sila ng pagkakakataong umasa muli kasi pagal na pagal na po tayo, pagod na pagod na po tayo sa pag-ayos ng ating sariling buhay, eh kung ang mga lider pa natin, ang ating mga proseso, ang ating institusyon ay hindi pa rin makakapagbigay ng pag-asa sa kanilang buhay, ano na lang ang mangyayari? Parang ganun po, napakaganda po niyan. Sana ang inyong video ay maipalabas sa marami nating mga lugar at mahiram. Baka pwedeng mahiram iyan para mabigyan ng karapat dapat na pag-tingin ang ating kababayan lalong-lalo na sa kanilang mga hinahangaan.

Senator Grace Poe: Tama po kayo. Actually alam niyo po, , ang mga nakasama ng dad ko na mga kaibigan mas interesting iyon, kaya lang puro artista iyon. Yung mga naka-ikot niyang mga artista, yung isa nga eh maganda yung pictures, siyempre kasama niya si Manong Dolphy, yung alam mong ma se-senti ka talaga kapag nakita mo, pero siyempre ayoko naman ding masabihan na sini-sensationalize ang ganito't ganyan. Basta ito na lang muna mag concentrate tayo sa issue,

Jonathan Dela Cruz: Napaka-importante po yung binabanggit ninyo na pagbibigay ng pag-asa atsaka yung pagmamalasakit parang palaging nababanggit. Natatandaan ko si Da King sabi niya kahit konting pagtingin, iyon ang mga kailangan ng taong bayan. At least, naipapakita yung pagmamalasakit gaya po ng nangyari sa Tacloban.

Sen. Grace Poe: Oo, grabe iyon.

Dela Cruz: Isipin mo yung nakaligtas sa Yolanda, pero namatay sa sunog. Yung ganoong klase.

Poe: Kaya nga eh, noong napanood ko din kahapon sa news, kaya nga ang ating mga kababayan kapag sinasabi mo na ilang bilyong PDAF o kung anu-ano man ang kinukuha, tina-translate mo sa utak mo kung nagamit iyan sa tamang bagay. Halimbawa, ang laki na sana ng tulong noon, lalo na sa pinakamahihirap. Kaya nga po nandiyan tayo, ginagawa natin kung ano ang ating makakaya para iyong mga pagkakamali nang nakalipas ay sana huwag na maulit muli at huwag na tayo gumawa ng bago pa.

Dela Cruz: Kaya tamang tama ang pagbabago sa ating electoral processes, ang automation at lahat ng nababanggit ninyo.

Poe: Opo, basta muli maraming salamat sa inyo.

Dela Cruz: Mayroon pa yatang gustong itanong si Cely sa inyo.

Cely Bueno: Unang-una kasi sampung taon na ang nakalipas simula ng nangyari itong "Hello Garci" controversy, naalala ko noon na nag "I am sorry" ang dating pangulong Gloria Arroyo na ngayon ay naka hospital arrest, 10 years after, ano po ang pakiramdam ng pamilya ninyo? Napatawad na po ba ninyo ang dating pangulo? O nandoon pa din po ang sama ng loob?

Poe: Alam mo sa akin kasi, palagi kong sinasabing wala na akong nararamdamang poot sa kanya kasi hindi naman talaga pinangarap ng tatay ko na tumakbo. Nanghihinayang lang ako sa naging pagkakataon sana nating lahat na magkaroon sana ng matinong pangulo noon. Tungkol sa hindi pagpapatawad, sa tingin ko, mas ito dapat ang tanungin natin, "napatawad na ba siya ng mayorya ng mga nakakaalam diyan?" Sa tingin ko, ang pagpapatawad sa puntong ito, sapagkat hindi ko siya personal na kilala, ay kung nagkaroon ng tamang hustisya tungkol dito. Kung kunyari sinabi, ito yung mga kasalanan, ito ang parusa mo, siguro kapag dumating pa sa puntong iyon baka sabihin ko pa na "O sige, bawasan na lang or huwag na lang," pero sana lang mayroong admission. Mayroon namang tunay na "I am sorry." Paano mo papatawarin wala namang tunay na "I am sorry"?

Dela Cruz: Pero senadora, ang nababanggit po ninyo, at ito'y nakakapag-bigay ng talagang pag-asa sa ating bayan, yung nababanggit po na ginagawa po ninyo para marebisa ang Police Act ng PNP Law. Balita po namin kayo ay nagtanong ng matitinding tanong noong pumunta diyan ang mga PNP Police official tungkol po dito sa mga nangyayari sa ating bayan, yung kriminalidad.

Poe: Opo, alam niyo po congressman, siyempre yung laman ng mga balita ngayon ay puro PDAF pero kapag tatanungin mo ang ating kababayan, "ano ba talaga ang para sa kanila ang nakakabahalang problema?" Alam mo ang pinaka-unang sinasabi ng isang survey company, number one is crime. Yung kriminalidad ang number one. Natatakot sila, akalain mo, kapag ikaw ay nasa barangay tapos mayroon isang nagyayabang na siga doon, siyempre iyon number one. Number two ang health. Number three ay education. Ang ibig sabihin, maraming nagugutom sa ating bansa, pero ang nangunguna pala talagang problema ay ang krimen. Noong nakita ko iyon, siyempre nagising gising ako dahil committee natin iyon eh. So tinatanong ko lang naman ang mga police ano ang nangyari. At ito ang aking napag-alaman na ito'y isang partnership ng police at ng ating sistema ng hustisya. Eh huli nga ng huli ang police tapos napapa-walang sala naman ng hustisya sapagkat, halimbawa, kulang ng ebidensya o kaya napakatagal ng paglilitis, lalong lumalakas ang loob ng mga criminal. Kaya nga po magkasama din yan, dapat ayusin. At talagang kulang tayo ng mga pulis. Isa pa, iyong kulang na mga pulis. Katulad ng ibang batas sa PNP mismo, hindi naman makatwiran. Katulad ng pag re-rehistro ng baril kailangan pa na pupunta ka sa Crame, marami pang pwedeng ayusin.

Dela Cruz: Iyon nga po yung binabanggit ng ating mga kababayan. Makahuli ka nga pero yung certainty of punishment, napaka-importante po noon.

Poe: Oo nga pala, iyon ang term na maganda diyan.

Bueno: Babalikan ko lang, di ba nga nag "I am sorry" nga itong si dating pangulong Gloria Arroyo, itong si Janet Napoles, sinasabi nag-so-sorry din daw sa publiko. Hindi niya alam na yung ginawa niya ay mali pala. Dapat bang tanggapin ng publiko ang pag so-sorry ni Janet Napoles?

Poe: Isa pa yan. Mayroon pa kasing dinugtong si Napoles na hindi ko alam yung ginagawa ko. Hindi eh, dapat sana nag-sorry siya at sinabi niya na "oo naging ganid kasi ako." Maaari pang sabihin ng tao siguro na "sige, sige, nagsasabi ka siguro ng totoo" okay na iyon. Pero alam mo, ang kaakibat ng isang paghingi ng tawad ay ang pagsasa-ayos ng kung ano yung mga nasaktan mo o kung ano man iyon. Kasama na diyan ay magbalik ka na ng pera. Kung ikaw man ay hindi pwedeng gawing state witness, kung reduced sentence, pero kailangan ka pa rin magbayad. Hindi naman pwedeng magso-sorry, okay na tayo. Hindi ganun, dahil ito ay isang proseso para maturuan din... iyon nga, the certainty of punishment for those who are contemplating doing the same thing or of a crime of a similar nature, they'll always look back to the lessons learned in this particular issue.

Bueno: Ma'am nakakuha na po ba kayo ng Benhur Luy files? 31,742 pages.

Dela Cruz: Mapupuno ang kwarto ng Senadora.

Poe: Ano ba iyan, first of all, I don't know. Isipin mo itong dedikasyo ng maliit na team nito ni Napoles, kung ganyan kasisipag ang mga tao natin sa gobyerno, sana magawa ang mga proyekto natin. Can you imagine what you can achieve if you have a team that is as persistent? Kaya siguro ganoon karami man-hours ang kanilang nakalap. Sa totoo lang kapag nagpapadala ng listahan sa akin, "ito na, ito na ang bagong listahan" ganyan, medyo hindi ako naghihikahos na ipadala niyo dito sa bahay kasi gabi na para mabasa ko, hindi eh, kasi alam mo yan, simple lang naman yan. Itatanong mo yan kapag nagkaroon ng hearing, basic questions, hindi mo pwedeng sabihin na porke't nandoon na sila ay naku, ma-giguilty ito dahil nandoon sa listahan na lumabas. Tama nga yung sinabi ni Senator Allan, para bang noong panahon ng "Hello Garci," I have the disk, the left and the right, "Hello Gary," "Hello Garci" diba? So parang ngayon, naglabasan lahat ng mga listahan. Siguro there is a grain of truth or more. But we cannot rush judgment kasi nga nagkakagulo na nga sa Senado, sino ba talaga diyan, ano ba talaga diyan. So mayroong, alam mo yung common denominator, so yun yung medyo mahirap makalusot sa kasong ito.

Dela Cruz: Iyon na nga po ang sinasabi natin, ilabas na kasi ang raw records. Yung official records ng gobyerno kasi doon mag-uumpisa eh, budget, implementing agencies. Nasaan ang mga records ninyo, yung endorsement, kasi kung hindi makukompleto yun, yung mga parts na sinasabi nila mga recollection unless they can come up with their document.

Poe: Yes sir.

Bueno: Panghuli na lang na tanong ko, sinasabi niyo nga na hindi natin ituring na gospel truth dahil hindi naman suportado ng documentary evidence pero ngayon po mayroong ibang lawmakers na nanawagan na iyong na-implicate ang mga pangalan na i-open daw po ang kanilang bank account para patunayan na wala naman silang hindi maipaliwanag na yaman. Pabor po ba kayo doon?

Poe: Siyempre hindi. Alam mo bakit? Unang-una, ang gagaling ng mga iyan. Ilalagay ba naman nila sa bank account nila yan? Diba? Kaya nga iyon ang gusto nila kasi hindi nila nilagay doon siguro. Number two, talagang tingnan natin ang lifestyle. Maraming nagsasabi lifestyle check, lifestyle check, wala namang nangyayari diba? Pero tingnan na lang natin, ito yung ganito lang ang kinikita, nakatira sa ganito, o kaya nakasakay sa ganito, o kaya sasabihin mo payak yung pamumuhay, pero ilang beses naman yung mga anak nagbiyahe. Hindi yata mahirap gawin iyon eh. Diba Ms. Cely makikita mo naman, sa tagal mo na dito sa Senado, makikita mo na hindi tugma ang ibang SALN sa pag-aasta ng iba. Dela Cruz: Actually, tama si senador, actually kung maging masipag lang ang ating kasama, makikita nila lahat yan. Sinasabi nga nila senadora, si Commissioner Henares daw nakatira sa isang execlusive village, pag nagsimba kasama niya at nakikita niya doon sa simbahan ang mga taga-Customs, taga-BIR. Anong sinasakyan ng mga ito? Bakit naman nagsisimba dito ang mga ito galing ito sa Tondo, hindi totoo iyon.

Poe: Well, ako, may ibang ginagawa si Kim Henares na talagang magtataka ka, sana siguro ito, tama din naman ang logic niya kaya nga kapag nandiyan siya nagtatago ang iba, kasi baka mabuko pa sila

Bueno: Marami pong salamat Senator Grace Poe at sana po eh sumulong ang inyong mga panukala at naglalayong huwag ng maulit, kasi sabi niyo nga, never again. Sana itong "Hello Garci" controversy sa mga sunod nating halalan. At iyon po bang inyong panukala na i-amend ang wiretapping law, mayroon na po ba kayong isu-sumiteng panukala hinggil dito o meron na kayong na-ifile?

Poe: Hindi, isusumite pa lang natin pero alam mo pinag-aaralan yan kasi there's a thin line between upholding the interest of the people and also infringing on our rights to privacy. So importante po talaga iyan baka maging Constitutional issue yan. So we have to be very careful. Ms. Cely thank you again, iba ka talaga kapag nadidinig kita, ang galing mo talaga mag tagalog. Congressman maraming salamat po.

News Latest News Feed