Press Release
May 27, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero on PDAF and DAP issues

On campaign funds daw sir, binigyan daw kayo nong 2010 ni Napoles?

Hindi totoo, nadeny ko na yan nong una pa, to begin with sabi nya 2010 daw yon, nong 2010 nangangampanya na ko para sa NoyBi, ni hindi ako kandidato at nauna pa a few months before, nong 2009, deninay ko na yung mga balitang tatakbo ako sa eleksyon ng 2010.

Dapat daw magkakaroon kayo ng transaction so nag-cash advance kayo?

Well nagulat nga ako don, hindi rin totoo yon dahil kung ultimong 3,000 lansones nasa logbook ni Luy siguro naman nandon din yon, at sa lahat naman siguro nang naloko nya parang gusto nyang palabasin ako lang ang nakaloko sa kanya, ang galing ko naman.

Nagkita daw kayo sa Taste of LA, nakatsinelas ka lang daw?

Well narinig ko na rin yon, madalas akong nagpupuntang nakatsinelas, kahit saan, pero yung unang lumabas na kuwento at balita na mula sa kanyang mga abogado ay sa bahay daw niya at sa opisina, ngayon naman sa restaurant at sa hotel, hindi totoo yon. Nagugulat lang ako, bakita parang lumalabas ako lang ang binigyan nya ng tulong nong eleksyon na ni hindi naglagay ng PDAF sa kanya. Ibig sabihin ba niya ang mga naglagay ng PDAF sa kanya ni hindi niya binigyan ng tulong at wala siyang nilista na binigyan ng tulong na nagbigay sa kanya ng PDAF na kapalit. Sa totoo lang ako lang yung walang nilagay na PDAF na sinama nya sa listahan kaugnay ng campaign contribution diumano.

Again hindi mo siya kilala, personally?

Nakilala ko na siya noon pa, staff ko pa nga ang nagpaalala sa akin at nagsabi, pero hindi ko maalaala kung saan. Iba yung na-meet sa nagmeeting.

You're standing by your earlier statement na once mo lang siyang na-meet?

Again, staff ko ang nagsabi na na-meet ko na siya, ni hindi ko maalala kung saan, kailan at paano, dahil sa dami nang name-meet ko eh hindi ko na alam, eh wala naman kaming transaksyon o rason para mag-usap o magkita uli.

Saan kaya nanggaling sir yung may detalye pa siya, na may restaurant?

Aba'y ewan ko sa kanya, isa lamang naman ang pinaghuhugutan ko rito, gaya nang nasabi ko noon, ang unang sinabi sa akin ni Garci nong una kamang nagkita matapos ko siyang ipatawag, eh tumawag din daw ako sa kanya, eto ganoon din. Ako ang nag-file ng resolusyon, ako ang nagpaaresto, ako ang nagpapalagay sa kanya sa maliit na kulungan, marahil bawi at pampagulo nya ng isyung ito. Uulitin ko, sa buong affidavit nya, siya mismo ang nagsabi wala akong nilagay na PDAF sa kanya, bakit ako nilagay sa affidavit? Ako lang yata ang binanggit niyang binigyan nya ng campaign contribution na walang PDAF, ibig sabihin ba non yung ibang naglagay ng PDAF sa kanya, hindi niya binigyan?

Nong 2007 campaign, would you know kung nagbigay ba siya sa inyo?

No.

Hindi ba siya sir nag-iinvest lang for future...

Aba ma... (malay). Ayon sa mga whistleblowers istrikto daw siya pagdating sa pera at kaliwaan at may resibo pa palagi. So hindi ko alam kung saan siya nanggagaling.

Did she ever attempt to do transactions with you, nag-offer?

No.

Are you planning to file any charges?

Lahat na inakusa sa aking nitong mga nagdaang taon at buwan, kung magdedemanda at kakasuhan ko lahat napakarami ko namang kaso at abogadong kailangang kunin. Bahagi na yan ng trabaho ng pagiging public official- ang maakusahan, ang mapagbintangan ang masiraan at ma-malign. Siguro kung magrereklamo kami sa kada gagawa sa amin nyan, mas mabuti pa siguro huwag na kaming pumasok sa public service.

Si Congressman Plaza tumulong talaga sa inyo nong 2010, sa candidacy nyo?

Hindi ako kumandidato non, gaya nang nasabi ko, petsa na mismo ay mali na agad.

Si Congressman Plaza daw ang nagpakilala sa inyo kay Napoles?

Hindi ko na maalala, gaya nang nasabi ko, kung saan ko siya nakilala o nakita.

Anong masasabi nyo sa claim ni Napoles na yung mga lawmakers ang most guilty dito?

Hindi para sa akin ang magkomentaryo don, sabi din naman niya ay mabait siyang tao at hindi siya manloloko, siguro ay obvious na yung kasagutan don.

Kung pupunta ulit si Napoles sa senate, will you confront her?

Definitely.

May request siya na dapat daw mag-inhibit yung mga senator?

Well nakakatawa yung request na yon, ang daming nasa listahan ni Benhur Luy na may detalye na hindi niya sinama sa listahan niya, pinili lang tila nya yung ilalagay nya sa listahan nya kung kanino siya galit o yung ayaw niyang mag-attend sa hearing, base sa request nya ngayon. Hindi ba, dapat sana mas mahaba ang listahan ni Napoles dahil baka mas marami siyang alam dapat kaysa kay Luy, eh ang lumalabas mas mahaba ang listahan ni Luy na napagbigyan na may detalye sa kanyang logbook kaysa sa listahan ni Napoles. Kung susunod kami sa gusto nya eh di parang napili na rin nya base sa listahang sinabmit nya kung sino lamang ang pwedeng magtanong sa kanya, bakit naman kami susunod don.

Napag-usapan na ba yung next step ng committee, kung kailan yung susunod na hearing?

Hindi pa, hindi pa kami nagkikita ng chairman at ng ibang members eh.

May plano bang magmeeting (ang blue ribbon committee)?

Hindi ko alam, kayo ang mas nakakakita kay Senator Guingona kaysa sa akin.

Pero di ba nong 2010 supposed to be tatakbo ka bilang presidente, tapos hindi ka natuloy?

2009 pa lang sinabi ko na, there were rumors coming out, pero 2009 pa lang sinabi na naming hindi.

Well possible ba na bago ka pa umatras eh may mga nagpondo na sa inyo?

She said in 2010.

Possible na nagamit din lang kayo?

Nong isang araw nga lang binalita sa amin ni Senator Bam (Aquino) na meron daw nagkakalat ng solicitation na may letterhead pa raw naming, so malamang possible ho yon, pero hindi ko na alam.

Do you think someone is behind Napoles kasi she's familiar with the restaurants...

Well maliwanag na tila may alam siya sa mga aktibidades namin, baka may nagtuturo pero isa lang naman ang maliwanag dito, yung paglabas nya ng affidavit dalawa-dalawa pa, yung isa pang Ombudsman, yung isa pang publiko, Tagalog pa. Eh maliwanag pampagulo lamang at pampa-muddle ng isyu na kasalukuayng kinakaharap natin. Eyes to the ball siguro tayo dapat na ano ba at sino ang naglagay ng PDAF, ano ba at sino ba ang nakinabang mula sa PDAF at saan napunta yung pondo na dapat napakinabangan ng sambayanan.

Will you give her immunity?

Definitely not, she's not the least guilty for me.

On DAP (disbursement acceleration program) issue after being heard by the senate committee on finance

We're trying to get information from them about DAP, in spite and despite and pendency of the Supreme Court case on DAP, parang at least habang hinihintay namin yon, magkaroon na kami ng information, raw data, on the DAP releases.

So what do you think the committee will investigate pa in aid of legislation meron namang pending case sa SC?

Again we're trying to gather data first while awaiting the Supreme Court's decision, kasi baka mamaya mag-iimbestiga kami wala naman palang anomaly, ayon sa Supreme Court, so pagsinabi ng Supreme na may anomaly, at least hawak na namin yung detalye. So either way, at least hindi nade-delay yung pagdinig ng committee tungkol sa DAP as filed by Senator JV (Ejercito).

In case unconstitutional siya ayon sa decision ng SC, wala nang magiging investigation?

Mas tutuloy pa nga siguro yon dahil dapat naming tingnan isa-isa yung expenditures kung saan napunta dahil magiging illegal yon, maliban na lamang kung ang magiging desisyon ng korte ay prospective, meaning to say, illegal sya prospectively, but not retroactively, in which case there's no further cause to look into it.

And you were asking kanina kung dapat ba ay may pirma ni Presidente yung...

No I was trying to ask them, hindi dapat kung may pirma o wala, tinatanong ko sa kanila, paano mo ia-identify kung alin yung DAP at hindi DAP. Ayo sa DBM yung DAP daw kailangan may sign of ang Presidente, so does what determines it. Hindi naman pupwede kung ano lang yung sabihin nilang DAP, yon lang yon, we have no basis to verify and to check. So according to them, the check valve, the identifying mark or signature would be the endorsement of the Office of the President.

News Latest News Feed