Press Release
May 27, 2014

Highlights of ambush interview with Sen. Alan Peter S. Cayetano

ANG GUSTONG GAWIN NI MS. NAPOLES, MAGING ACCEPTABLE ANG KANYANG IMMUNITY BY TURNING THE TABLES.

Ang gustong gawin ni Ms. Napoles maging acceptable ang kanyang immunity by turning the tables. Gusto niya, lahat ng politiko, masama, kahit yung mga nag-imbestiga sa kanya. At gusto niya, ang galit ng tao, sa amin mapunta, para tanggapin ang kanyang immunity.

Eh meron na siyang admission of guilt. Kahit sabihin mong hindi buong katotohanan ang nasa affidavit, that affidavit alone will be enough to convict her of plunder. So why will you sign an affidavit admitting guilt kung wala pang deal o walang guarantee sa iyo na may deal? Hindi ko masasagot yun, pero sa akin, very obvious yun.

Ang gusto niya gawin maging defensive ako at huwag na akong mag-imbestiga sa kanya. So pumunta siya dito at maglagay siya ng detalye para magkaalaman kami.

AKALA KO YUNG JLN MEANS JANET LIM-NAPOLES; YUN PALA JANET "LIES" NAPOLES. YUNG AFFIDAVIT NIYA TAILOR-FITTED SA PAGHINGI NIYA NG IMMUNITY.

After looking over at the two affidavits of Janet Lim-Napoles, akala ko yung JLN means Janet Lim-Napoles; yun pala Janet "Lies" Napoles, because it is tailor-fitted affidavit sa kayang depensa at sa kanyang paghingi ng immunity.

Ang ibig sabihin ng tailor-fitted, hindi ito yung buong katotohanan na mag "te-tell all" ka lang; kung hindi may kalahating katotohanan, maraming kasinungalingan, may mga inconsistencies, para yung hinihingi niya sa gobyerno ibigay sa kanya.

I think this is an attempt for two things: Number one, gumulo at i-confuse; two, a greater objective which is ma-abswelto or mabigyan siya ng immunity. Usually, hindi nilalagay sa affidavit mo na humihingi ka ng immunity. In fact, hindi ka magte-tell all hangga't i-grant ka ng immunity kasi mawawalan ka nang bargaining power.

Kung makikita mo dun kay Ruby Tuason o doon sa mga dating mga naging state witness, either whistleblower ka, or kung huling huli ka na pero hindi ka most guilty, sasabihin mo 'o sige magsasalita na ako pero bibigyan mo ko ng immunity.'

Pero hindi mo pipirmahan yung affidavit nang wala ka pang immunity so bakit kay Ms. Napoles, pinirmahan niya na ito tapos nakalagay dun 'yung mga anak ko...,?'

May deal na ba siya sa gobyerno? Or ito ba ang sinabi sa kanya ng gobyerno na pwede lang kitang bigyan ng deal kung tatanggapin ng publiko kaya i-float muna natin?

I believe she's the most guilty - but assuming that she's qualified and she's not the most guilty, kailangan pa rin totoo sasabihin mo eh salungat ito sa mga sinasabi ng mga whistleblower katulad ni Benhur ang nakalagay sa affidavit.

SA AFFIDAVIT, PARANG BIKTIMA PA SI NAPOLES.

Sa affidavit, lumalabas biktima si Ms. Napoles. Parang ang lumalabas, politiko lumapit sa kanya, hindi totoong may NGO siya, etcetera.

Well, we can see from the affidavit yung mga inconsistencies. For example, every time o-offeran siya ng trabaho ay nagda-dalawang isip daw siya pero ang lalaki ng mga advances; meron siya ganung kalaking cash para ilabas agad. So there are inconsistencies. Sinong negosyante sasabihan mo ng 'Boss, may P10 million project pero akin na P4 million' kung hindi mo alam na corruption yun sa gobyerno?

I ABSOLUTELY DENY THAT I HAVE ANY DEALINGS WITH NAPOLES. PAGDATING SA AKIN, WALA NAMAN SIYANG DETALYE.

Even in my case, first of all, I'd like to absolutely deny that I have any dealings with her even that DOTC project, wala akong dealings sa kanya dun.

At hindi ba napaka-illogical at unreasonable na 15 years akong lumalaban sa graft and corruption - from 1998 to 2013 - ni isang project wala akong binigay sa kanya then bigla siyang mgaappear sa 2013 tapos bibigyan niyo ng pera?

At tinatanggihan ko yung magbibigay ng pera na hindi ko kilala or hindi solid yung reputation so it's absolutely false.

That's why tinutuloy ko yung hamon sa kanya na kahit kailan, kahit saan na magharap tayo malaman ng tao kung sino nagsasabi ng totoo.

Kung makikita niyo yung affidavit, pagdating sa akin, wala siyang detalye ah. Yung DOTC, hindi sinasabi kung anong project at kailan yun? If you go to her former affidavit, ang sinasabi nag meeting sa Slice dahil financier siya at marami siyang projects sa akin. Nung nabuko niya at nakita niya yung pork barrel ko sa DSWD at sa mga ospital lahat, binago naman niya yun. Wala ng project yun kung hindi campaign funds naman pero walang siyang nilagay na amount, wala siyang nilagay kung sino ang kasama niya, wala siyang nilagay kailan.

News Latest News Feed