Press Release
May 26, 2014

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference today, May 26, 2014 (Repatriation of OFWs, Napoles list)

Q: Ano ang panawagan natin sa mga concerned agencies to make sure na hindi na mangyayari ang sinapit ng mga OFWs?

Villar: Ngayon we try to discourage ang ating mga recruiters, through the DOLE and DFA, kung pwede hindi na magpadala doon sa mga kind of job na domestic helper na nakatira sila sa loob ng bahay. Kasi ang nagiging problema, kapag sila ay nakatira sa employer, hindi sila nakakalabas, na-abuse na sila doon at walang nakakaalam. May move yata ngayon na although you will work in the home of the employer as a domestic helper, hindi ka doon titira nang sa ganon napi-prevent ang mga ganitong problema. Kasi usually, ganun ang nangyayari na kapag nakatira sila sa loob, naa-abuse sila doon at walang nakakaalam unless tumakas sila. Kasi hindi naman nakakapunta ang ating consul or yung mga labor attaché natin para inspekyunin ang mga bahay-bahay sa Middle East. Kaya iyon ang move nila. At syempre, nananawagan tayo dahil I think may budget ang DFA sa repatriation pero makikita natin na itong tatlo dito, they were not repatriated, gusto na nilang umuwi pero hindi pa sila ma-repatriate. Kahit gusto nang umuwi, sinasabi na may kaso, exit permit na naman, napipilitan tuloy ang mga tulad namin na may foundation na kami ang magpauwi kasi gustong-gusto naman nilang umuwi and yet hindi binibigyan ng DFA ng pang-uwi. Like for example, lahat ng illegal, dapat DFA at lahat ng legally recruited dapat OWWA. So hindi dapat magkakaproblema na hindi sila makauwi kasi naka-assign naman iyon at may budget. Nagtataka lang tayo bakit parang ang tagal nilang pauwiin.

Q: Isang problema ng mga OFW ay kinukumpiska ang passport nila?

Villar: Kaya nga iyong move na hindi sila titira sa employer nila. Hindi naman kukumpiskahin ang passport nila kasi they have to have it kung sa labas sila titira.

Q: Minsan ho pagdating nila sa airport...

Villar: Siguro iyan ang dapat ipagbawal. Bakit naman kukumpiskahin ang passport? Parang there's no reason. Pagbalik ng DFA at DOLE dito masasabi natin sa budget hearing kung bakit nangyayari iyon na kinukumpiska ang passport.

Q: Kailangan pa bang palakasin ang labor pact between Phils. and Saudi?

Villar: I think the problem is implementation. Kasi nakita ko naman ang provisions ng labor pact, usually ang agreement na ganyan, general. So you implement, then you encounter problem in the implementation. I think the implementation should be ironed out. Usually iyong implementing rules ang regulations, iyon mas detalyado. Siguro gagawa sila ng situationer na kapag ganito ang nangyari, ganito ang gagawin. From their experience, mapepredict na nila kung ano ang nangyayari dahil iyon ang nagyayari usually. And then gumawa na sila ng parang SOP with regards to different problems. Kasi implementation iyan, hindi na iyong agreement iyan. Iyon ang nagkukulang, ang pag-iron out ng details in the implementation of the agreement... iyong agreement na iyon generally ipo-protect ang rights ng employer, ipo-protect ang rights ng ating workers sa labor pact na iyon, hindi lang sa kanila kundi pati sa atin. Parang bipartisan, both side will be protected. So dapat iyong pagpoprotect sa atin dapat detalyado iyon. Para alam natin ang gagawin once may abuses sa mga OFWs natin.

Q: May statement si Sec. De Lima na ngayon ang deadline ng Napoles affidavit, may appeal siyang huwag ilabas sa public.

Villar: Siguro hindi nila ma-support. Kasi hindi maganda na ilalabas nila ang listahan na parang list of names na wala namang support. It's unfair. Like for example kami, wala naman kaming maala-ala na involved kami diyan, bakit kami nasa listahan? So dapat paglabas nila ng listahan, kasama iyong support. Ano ba iyong kinkwestyon nila? Hindi namin alam kung saan namin idedefend ang sarili namin kasi hindi naman namin alam. Like for example si Sen. Koko, pinorge ang signature niya, kung hindi may nagsabi sa kanya, how would you know na involved ka kung ang signature mo forged? Kami hanggang ngayon hindi ko malaman kung bakit kami nakasali. So I would like to think that they should release their list of names na may support . pero iyong mga names na nilagay lang doon, wala nmang support, unfair naman doon sa tao. Like for me, no SARO, no budget, paano ako nakasali doon? Noong congresswoman ako, wala naman akong SARO na nirelease maski saan, nakalagay nga doon no SARO, paano ako nakasali doon?

Q: Sakaling makasama kayo dito, wala kayong legal steps na dapat gawin? Villar: Ang ini-study nila ay libel sa nag-publish and at the same time idemanda ang naglabas ng list.

Q: Pinag-aaralan na ng lawyers mo?

Villar: Oo, pinag-aaralan na.

Q: Iyong proposal ng congressmen na mag-file ng class suit sa Inquirer?

Villar: Titingnan namin kung ano ang better, class suit or individual suit or both.

Q: Are you ready to confront Napoles?

Villar: Yes. Gusto ko lang makita kung ano ang sinasabi niya. Kasi ang problema, iko-confront mo siya for what? Dahil inilista ka niya? Bakit ka niya inilista? I want to see saan niya kami inilista kasi wala akong maalala talaga. Hindi ko kilala si Napoles, I did not transact with her, I did not issue any SARO. Familiar ako what SARO ang ginawa ko noong ako ay congresswoman. Walang ganyan kasi mostly iyon DPWH. And then iyong mga soft naman namin, hospital, local government at saka sa schools kaya wala akong maalala na may ganyan.

Q: You will be at the hearing?

Villar: Yes.

Q: May request daw si Napoles to grant immunity to her children?

Villar: Hindi siguro. Kasi ang immunity is to the least guilty. Mahirap ipangako iyon. At maraming ayaw na bigyan siya ng immunity.

Q: Sa mga anak niya?

Villar: Maski na. A family is one family.

Q: Most guilty ang family niya?

Villar: Ang family niya. Kasi kung minsan alam naman ng pamilya. Alam mo noong pumunta siya sa Kongreso sinabi niya na I don't know anything, under oath. Tapos ngayon naglalabas siya ng list. Tapos napansin ko sa list, iyong mga hindi siya kilala iyon ang nasa list. Iyong mga kakilala niya wala sa list. Baka nag-iimbento na rin siya ng list para ipahamak iyong mga hindi niya kakilala and then iligtas iyong mga kakilala niya.

Q: Meron kayang nasa likod nito kasi iyong mga kakilala niya ililigtas niya?

Villar: Ayokong mag-speculate kasi mahirap namang magsabi. Nagtataka lang kami kasi if you look at the names, marami doon hindi niya kilala. Katulad namin, definitely, hindi ko siya kilala at si Sen. Manny Villar hindi siya kilala. And yet alam naman natin na may mga kakilala siya na yung iba wala sa listahan.

Q: Baka merong in between you and Napoles na ginamit lang kayo?

Villar: Hindi nga namin malaman kasi walang support. Hindi namin malaman kung may pumirma na fake kasi walang support. Kasi nilagay ka lang sa list, walang details. Mahirap iyon kasi you are speculating. Kasi from our memory, wala. And sa records namin wala.

Q: So iyong nine years ninyo sa House..

Villar: Hindi ko siya kilala.

News Latest News Feed