Press Release
May 21, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin Drilon
by Neil Ocampo

Q: On track pa po ba ang mga mahalagang panukalang batas na ipapasa diyan sa Senado?

SPFMD: Noong Lunes ay umaksyon ang Senado sa napipintong pagtatapos ng corporate life ng Philippine National Railways. Atin itong pinalawig ng higit pang 50 na taon upang hindi maantala ang serbisyo ng PNR sa ating mga kababayan, lalo na duon sa mga malalayong lugar tulad ng Bicol. Kung mapupuputol po kasi ang PNR dahil sa pag expire ng charter niyan sa darating na Hunyo, ang laking perwisyo ho niyan sa ating mga biyahero, dahil hindi na makakapagoperate ang PNR. Malaking bagay po ito na naipasa natin nung Lunes.

Gayundin ay ipinasa natin sa Senado ang pag amyenda sa Sandiganbayan Charter upang mapabilis ang pagdinig sa mga kaso ng graft and corruption, kung saan mahigit 3,000 na kaso ang nakabinbin ngayon, at bawat kaso ay inaabot ng 5 hanggang 7 taon ang pagdinig sa bawat kaso kaya nababalewala yung desisyon na nagcoconvict sa isang alagad ng pamahalaan na nagkasala. Kaya ito ay nirevise ang Charter ng Sandiganbayan para mapabilis ang pagkilos sa mga kaso.

Q: May mga pending legislation sa Senado, tulad nuong Graphic Health Warning Bill at yung mga pro-education legislation.

SPFMD: Doon po sa Graphic Health Warning Bill kung saan ating pipilitin yung mga tobacco company na maglagay ng picture na warning tulad ng mga baga na nasira na kakapanigarilyo. Yaan po ay ilalagay natin sa pakete ng sigarilyo upang mapigil po ang pagdami ng nainigarilyo. Yaan po ay malapit na matapos, baka po sa susunod na linggo or within the next ten days time matatapos na po iyan. Isa po iyan sa mga mahalagang ipapasa nating batas bago matapos ang sesyon.

Nandoon din po para sa ating kabataan ang Iskolar Ng Bayan Act. Yun po ang automatic admission ng top 10 graduating high school students mula sa isang paaralan. Yung mag magagaling po na istudyante, automatic na po ang admission sa ating mga state universities and colleges. Isa rin yung open-learning high school system, kung saan yung mga ating kababayan na wala na sa paaralan ay maari po silang mag-aral sa bahay. Isa po iyan sa tinatalakay ngayon.

Q: Paki update naman po kami tungkol sa Sin Tax collection.

SPFMD: Aba yung Sin Tax Collection ay malaki ang naipasok na buwis ngayong nakaraaang taon. Tayo po ang nagtrabaho na maipasa yang Sin Tax Bil kaya po natutuwa tayo na nuong nakaraang taon, P 50 billion ang nadagdag sa kaban ng bayan, specifically sa ating sector na pangkalusugan o health sector. Dahilan po sa ating mas malaking collection, mas malawak po ang ating mabibigyan ng libreng PhilHealth card. Ang mga hospital sa buong bayan, yung mga district hospitals, natutulungan po niyang Sin Tax, na nagdadagdag ng buwis sa sigarilyo at alak.

Q: Nasa plenary na sa Kamara ang debate sa Anti-Dynasty Bill. Sa Senado po, ano ang status at ang stand niyo diyan?

SPFMD: Noong nakaraang linggo ay sinimulan na ng Senate Committee on Electroal Reforms and People's Participation ang Anti-Dynasty Bill. Itong committee na ito ay pinamumunuan ni Senator Koko Pimentel. Ngayon araw po na ito ay muli itong didinggin ng komite.

Tayo po personally ay lubos na sumusuporta sa panukalang batas na ito tungkol sa anti-political dynasty. Wala naman akong tatay o nanay o kapatid o kung anuman na nasa politika. Ni kahit kapitan sa barangay po wala po akong kamag-anak sa pulitika.

Sa panibagong usapin sa Anti-Dynasty Bill, atin pong dinggin at pagaaralan ng mabuti kung ano ang kagustuhan talaga ng taong bayan. Atin pong tingnan ang pulso ng taong bayan. Naniniwala po tayo na malaki ang magagawa ng Anti- Political Dynasty Bill sa sistema ng pamumulitika sa bansa. Nagsimula po tayo niyan sa Senado nung tinanggal natin ang pork barrel. Wala na po ang pork barrel, at pinakinggan natin ang taong bayan sa dahilan ng mga issue ngayon. Q: Sa Anti-Political Dynasty Bill, ang may problema diyan ay yung mga gusto na hanggang ninuno pababa sa apo ay tumakbo eh.

SPFMD: Nakailang Kongreso na po iyan simula 1987. Tandaan po ninyo, yaan ay nasa ating Saligang Batas, eh after 27 years wala pa ring panukalang batas na magtatakda na bawal tumakbo ang mga magkakamag-anak sa pulitika.

Q: Isa na lang po, yung prescriptive cases sa mga anti-graft cases.

SPFMD: Mahalaga po iyan, Neil. Sa ngayon po Neil kung ating tutuusin, kung ikaw ay lumabag sa Anti-graft Act nuong 1999, eh ngayon ay hindi ka na pwedeng litisin o sampahan ng kaso. Dahil sa kasalukuyang batas, sa loob ng 15 na taon ay may prescriptive period. Ibig sabihin ay hindi ka na pwedeng sampahan after ng 15 years mula ng mangyari yung paglabag. Kaya po palalawakin natin sa 30 years ang prescriptive period, para kahit matagal na ay mapapanagot pa rin natin ang mga kurap sa gobyerno. Yaan po ay ating itutulak sa Senado.

News Latest News Feed