Press Release
May 14, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero on PDAF scam

Tama ba na ini-insist na i-release itong list na hawak ni Secretary Lacson?

Well in-announced na rin naman yan, dapat i-release, hindi ako nagsisising na-release yon maski na nadawit at nalagay ang pangalan ko ron dahil alam ko naman ang totoo. Kesa naman uuhawin tayo, kaysa naman papagigilin tayo, kaysa naman papatatakamin tayo sa isang bagay na hindi irerelease, nagmumukha tuloy lalong totoo. Sana kung wala silang balak na i-release yon, hindi na lang nila sinabing meron sila non.

Have you read what's Secretary Lacson submitted to the committee?

Yes. It's not an affidavit, it's not signed, it's not under oath. So right now from the evidentiary point of view, it's a scrap of paper. Ang tanong dito paano kung iba yung affidavit na pirmadong ibibigay ni Secretary De Lima, ano ngayon ang halaga ng supposed affidavit na ito. Nabasa ko 30 pages ni hindi ako nabanggit, lima o pitong pages tungkol sa history of PDAF hindi ako nabanggit, biglang may isang listahan sa dulo, hindi ko alam kung bahagi yon ng affidavit, ni walang pamagat, biglang nabanggit ako don, nasa listahan na ako ni Napoles at Secretary Lacson. But at least lumabas na yung laman talaga non, kung ano ang totoo at nang makapagpaliwanag, makapagdepensa sinuman ang nalagay o nalista don.

Ano sa tingin nyo sa sinasabi ni Napoles na parang hindi nya alam na mali yung pagbibigay ng komisyon?

Bago ko komentaryuhan yon affidavit ba talaga nya yon o hindi, baka naman kasi mamaya peke yon eh. Aaminin ba ni Napoles na siya ang gumawa nyan, maski na hindi pirmado. Aaminin ba ni Jimmy Napoles na galing sa kanya yan, tatayuan ba ni Secretary Lacson na ito ay galing kay Jimmy Napoles at pipirmahan ni Janet Napoles pag siya ay nag-appear dito anytime ipresenta sa kanyang yang dokumento na yan. Dahil kung wala pong pipirma dyan, tsismis lang yan.

Dapat bang maghearing ang blue ribbon?

Definitely, hiniling ko na maghearing, ipatawag ang mga may hawak ng listahan, ipatawag din yung mga listahan nila at ipaliwanag at pagbangga-banggain natin yung mga listahan.

On Jimmy Napoles

Akala ko nga wala siyang alam kaya wala siyang demanda, may alam pala siya siguro dapat isama siya sa inimbestigahan ng DOJ dahil tila napakarami pala niyang alam. Kung yang listahang yan galing kay Secretary Lacson, kung ang affidavit at history of PDAF galing kay Jimmy Napoles, eh di napakarami pala niyang alam, dapat siguro imbestigahan din sya at dapat lang ipatawag siya. Pinatawag ko siya nong hearing pero hindi na siya napatawag ng blue ribbon committee.

On reopening the hearing, may credibility pa rin ba...

Yes, kasi kung hindi eh di nagtagumpay si Napoles. Sa pagbanggit lamang ng pangalan hindi ka na pwedeng magtanong, sa pagbanggit ng pangalan mag-iinhibit ka na, eh di nagtagumpay siya na nabasagang Beatles, ikanga, napaghiwa-hiwalay ang Beatles at wala na ngayon gustong magtanong dahil lamang binanggit nya sa listahan? Hindi naman siguro.

May proposal to waive the rule of the committee, to allow the witness to cross examine the senators pagpinatawag daw si Napoles to confront kung saan nagkikita, are you in favor...

To allow the witness... (to ask questions to senators) Okay lang sa akin pero siya itong nag-aakusa, siya siguro yung dapat tanungin at magpaliwanag, bakit siya ang magtatanong, siya ang dapat sumagot, kung saka-sakali base sa mga sinasabi at sinabi nya.

News Latest News Feed