Press Release
May 13, 2014

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero on PDAF scam

Sir kasama ka sa listahan, "yes" daw sabi ni Secretary Ping

Wala akong ina-allocate, maski na piso, na PDAF o anumang pondo sa NGO ni Napoles, wala rin akong pinakinabangan mula sa kanya. Ang tanong ko ay ito. Galing ang mga naglilipanang listahan kay Napoles, bakit ba nagsisilbing tagapagsalita, messenger, ahente itong mga taong ginagamit nila, imbes na sila mismo ang maglabas, ginamit si Secretary Lacson na siya ang magsalita, parang tuloy nanggagaling kay Secretary Lacson yung listahan. Binigay kay Secretary De Lima, para tuloy nanggagaling kay Secretary De Lima. Sinabpoena namin si Secretary De Lima; si Sandra Cam gayundin, tila ginagamit yung kredibilidad ng tatlong taong ito para palabasing totoo ang sinasabi nila. Sana huwag magpadala, magpagamit ang mga taong ito para magulo, ma-muddle at malihis ang isyu palayo dito kina Napoles dahil sa dulo, galing pa rin ito kay Napoles.

Hindi kaya sir ang dapat na tanong bakit sila nagpapagamit kay Napoles?

Well kaya nga pinapa-subpoena ko hindi lamang yung mga listahan, pero yung nagki-claim na merong listahan din para malaman saan ba ninyo nakuha yan, sino ba ang nagbigay sa inyo nyan, bakit ba kayo ang salita nang salita, may personal knowledge ba kayo sa listahang yan na totoo yan? Tinatayunan nyo ba na totoo yung sinasabi ni Napoles? Itong asawa ni Janet Napoles na si Jimmy Napoles, galing daw yung listahan ni Secretary Lacson sa kanya. Sa pagkakaalam ko walang demandang isinampa dito kay Jimmy Napoles, ni wala siyang imbestigasyon, aba'y lumalabas mukhang may alam pala siya diumano, ayon kay Secretary Lacson, tungkol sa ginagawa nitongsi Napoles na asawa nya.

Isa kayo sa nagsabi dati na ilabas yung listahan, tapos na-confirm ni Secretary Ping, on national TV, that's okay sa inyo sir?

Oo, kaysa naman naglilipana yung listahan, lumalabas sa isang diyaryo, lumalabas sa kabilang diyaryo at maganda ring malaman ano ba ang laman ng listahan. Ano ba ito, listahan ng mga pangalan na sinulat ng asawa ni Napoles at wala naman daw ginawa kung ano yung ginawa namin. Naglagay ba kami ng pondo, kumuha ba kami, may PDAF ba kami, magkano ba, saan ba nagkita, ano ba yung papel na yon? Yung affidavit na diumano na hawak ni Secretary De Lima na nilalabas din sa mga pahayagan, eh lumalabas na sa mga pahayagan eh di ilabas na rin sa publiko. Hindi pa nagmumukhang totoo dahil tinatago. Hindi ba kayo nagtataka, pag ako witness o akusado, ibibigay ko yan affidavit ko sa abogado ko, ipapasubmit ko sa Ombudsman, may kaso na eh. Bakit yung affidavit binigay kay Secretary Lacson, o yung listahan binigay kay Lacson, binigay kay Sandra Cam. Binigay kay Secretary De Lima. At ang instruction sa kanilang tatlo, huwag nyong ilalabas. Una bakit sila sumunod. Pangalawa eh parang lumalabas tuloy na pumapasok sila sa estratehiya at taktika na habang tinatago mo ang isang bagay, lalo tuloy nagugutom at nagiging curious ang tao at nagmumukhang totoo na tuloy bigla lahat ng nakalagay doon.

Ano ang nakikita nyong laro ni Napoles?

Iisa lamang siguro, nais niyang maglansi at paguluhin nya ang buong isyung ito, ikanga mas maraming idadamay siya, mas maganda siguro. Narinig ko nga sa isang programa kaninang umaga, na minsan na nyang pinagyabang na kaya raw niyang pabagsakin ang senado, kaya raw niyang pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Aquino at magpatawag ng snap elections. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung hangin niyang yon.

Parang ganoon ba sir yung intension, parang scorched-earth yung gusto nya? Well ni hindi ko alam na may pangalan pala yon na scorched earth na damay-damay, pangalanan mo na lahat. Sa parte ko hindi naman ako naaantig dahil kumpiyansa akong wala akong nilagay doon, ni hindi kailangang imbesigahan kung naglagay ba kami doon o hindi, dahil hindi. Pangalawa ginamit na rin minsan ito sa akin noon, nong pinatawag ko noon si Garci, pinaimbestigahan ko si Garci, ang unang sinabi din nya sa akin nong nagkaharap kami, tumawag daw ako sa kanya at nagpadaya din ako sa kanya, bagaman ni boses ko, o anino ng boses ko sa Garci tapes ay hindi lumabas. Gayundin ito.

Having said so, ano yung nakikita nyong motibo bakit kayo sinasangkot ni Napoles?

Hindi ko alam. Iisa lang siguro para magpagulo, mandamay, partikular sina Senador Miriam, ang una pang pinangalanan ni Secretary Lacson yung mga nangunguna sa imbestigasyon- ako, si senator Miriam at Senator Cayetano. Sa parte ko, ako ang nagfile ng resolusyon, ako ang nagpaimbestiga nito unang-una, ako ang nagpa-subpoena kay Napoles at hanggang ngayon pinapanawagan ko na ilagay siya sa maliit at ordinaryong kulungan, at hindi sa ospital o sa Sta. Rosa.

Revenge?

Hindi ko alam, pero gaya nang nasabi ko, sanay na ako don, bahagi ng trabaho namin yan, lahat na yata natawag sa akin- lasenggo, adik, bakla, smuggler, inaagaw yung kotse at grocery ng girlfriend, lahat na yata yon, sama-sama, hayaan na natin.

Hind kaya Napoles is trying to (inaudible) the key senators?

Well nasa sa inyo yan kung magpapadala kayo, gaya nang nasabi ko, buo ang tiwala at kumpiyansa ako sa taong bayan na makikita nila ang pagkakaiba nito. Ang hindi ko lang maintindihan nga, bakit nagpapagamit ang mga taong binigyan ng listahan. Sila ang nagsasalita, imbes na si Napoles ang nagsasalita. Sila ang nagsasabi ng mga pangalan, imbes na si Napoles ang nagsasabi. Tila tuloy nagiging tagapagsalita, messenger at ahente sila ni Napoles. At imbes na si Napoles na walang kredibilidad at minsang nagsinungaling na nang magsalita, sila etong nagsisilbing tagapagsalita, nagmumukha tuloy galing sa kanila. Ang mga tanong sa akin kaninang umaga ng mga radio, TV, dinawit daw kayo ni Secretary Lacson, hindi si Secretary Lacson ang nagdawit sa akin, asawa ni Napoles ang nagdawit sa akin sa listahang binigay kay Secretary Lacson, dapat maliwanag yon.

So wrong move na nagsalita si Secretary Lacson about it?

To begin with, bakit nya tinanggap yung listahan. Kung ako binigyan ni Jimmy Napoles ng listahan, "uy ito o," aanhin ko ito, eh di sasabihin ko sa kanya. May listahan ka pala eh, eh di ilabas mo, ilagay mo sa affidavit. Bakit? Bibigyan tatlo iba't-ibang tao, iba't-bang listahan, may pang-apat pa yatang listahan kay Pangulong Aquino, hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa kanya. Iba-ibang listahan, at ang instruction ay pare-pareho, huwag nyong ilalabas ha. Eh alam nyo naman sa mundong ito, lahat ng bawal at hindi pwede, yon yung mas gusto ng tao, mukhang pumasok tayong lahat don.

Clarify ko lang dapat ba o hindi dapat paniwalaan yun mga listahan galing kay napoles?

Hindi ko alam yun listahan dahil hindi ko pa nakikita baka may kahalong totoo doon baka naman sabihin ko depensahan ko lahat ng nasa listahan doon tapos sabihin ko na hindi totoo iyon may totoo pala kaya ko lamang magsalita para sa sarili ko hindi totoo iyon at bukas ang libro bukas ang aming tanggapan kaugnay sa anumang katanungan kaugnay diyan at ano mang imbestigasyon ay handa kaming humarap ika nga iyong walang tinatago at wala naman dapat katakutan.

Hindi ba dapat na si napoles ang pinatawag ninyo at hindi si Sec. De Lima?

Hiniling ko na ipatawag din si napoles, si benhur luy para magkabangga banggaan yun testimonya dahil kung ayon sa ledger ni benhur luy ultimo na tatlong libong lansones ay naka log in siguro naman lumabas na rin kami doon kahit papaano.

Sir aatend pa rin kayo ng next hearing?

Definetly.

Hindi naman kayo napunta sa posisyon because of that.

Hindi at hindi rin naman ako magpapadala at magpapalagay sa alanganin sa isang napoles lamang.

Sir but sec. Lacson said, he believes napoles is credible.

Well nasa kay sec. Lacson na iyan kaya nga pinapaimbitahan ko na hindi lamang yun nasa listahan pati na rin yun may hawak ng listahan bakit napakalaking bigla ng pananampalataya nila kay napoles matapos ng lahat ng ginawa nila ano bang pinanghuhugutan nila at saan galing ba iyon.

Sabi niyo never had any transaction with napoles did she ever try.

No.

haharap po ba si sec. Lacson sa hearing, kokomprotahin niyo ba siya?

Ibang usapan iyon tungkol sa rehab iyon ibang listahan din iyon dahil sabi niya may listahan din si sec. Lacson na may dalawang cabinet member daw na pasaway iyon ang tatanungin ko sa kanya bukas sino ba iyong dalawang iyon mahirap kasi yun mga blind item na listahan maganda din iyon pinapangalanan para makapaliwanag din iyong mga kalihim na sinasabihan niya na pasaway sa rehab.

Sinasabi ni Sec. Lacson na 16 yun senators pero apparently ang naconfirmed niya lang kahapon parang nasabi niya lang na kasama ka.

Ewan ko kung bahagi ng trabaho niya o talagang gusto niya lang gawin iyan para sa akin tinatayuan niya ba yung affidavit o yun listahan na iyon o hindi pinanumpaan ba yun dahil ayon sa isang pahayagan ngayon he is not vouching for the truthfullness of the list only that very such a least nais ko sanang marinig o malaman kung ano posisyon niya doon.

Pero sabi niya sir na supportive iyon ng SARO at letter ng mga senadors sa DBM.

Ewan ko kung ano ang pinanghahawakan niya kala ko mga listahan lang yun binigay sa kanya kung ano man meron siya ilabas niya at ng makita.

Naiinis ba kayo kay sec. Lacson.

Hindi naman tulog na ko nung nagsalita siya kagabi parang wala akong oras para mainis.

Ngayon sir naiinis ka?

Gaya ng sinabi ko lahat na yata ay ibinato na sa akin hindi na siguro bago yan at alam naman namin ang totoo o hindi at kaya namin sagutin lahat iyan.

Nagkausap na kayo ni Sen. TG.

Hindi pa nagkita lang kami sa mata. Kinausap niya lang yata ay si SP Drilon tapos di rin siya nagtagal sa floor.

Sa tingin niyo walang kaugnayan sa 2016?

Ayokong pag isipan iyon at ano man ang motibo ano man ang nasa likod ng rason na ito sa dulo ang basehan pa rin ay ano ba ang totoo at ano ba ang hindi sino man ang nagsasalita nasa interest man nila o hindi ano man ang motibasyon nila nasa sa kanila na iyon wala na sa akin iyon.

Hindi ka naman na offend sa ginawa ni Sec. Ping.

Sanay na siguro ako, gaya nang sinasabi ko sanay na ako na binabato ng kung ano ano.

News Latest News Feed