Press Release
May 12, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's interview at the Session Hall

Sen. Grace Poe: Para sa akin, syempre pwedeng pag-aralan din natin kung saan galing ang listahang iyon. Syempre, yung provenance. Kung hindi naman tayo sigurado sa panggagalingan, basta alalahanin lang natin na manggagaling iyan sa isang taong niloko tayo diumano, diba? So pag-ingatan din natin, hindi naman sa dahil sa sabi nila "o baka mga kaalyado mo kasi kaya sinasabi mo iyan." Hindi naman iyon. Kasi sabi ni Secretary Ping, wala namang naka-attach na dokumento. So kahit naman may probable cause, kahit papaano, mayroon namang one or two evidence that can directly prove it.

Q: Ma'am, kailangang i-subpoena rin ba yung DBM report para rin maging basehan as supporting document?

Poe: Syempre, pero it takes time kasi building evidence iyon. So kung meron ka nang konting hint na probable cause, hindi man kumpleto ang iyong pruweba, pero sa tingin mo ay medyo malakas naman. Pero hindi kasi pwedeng i-sanitize yung list na ito bago muna ilabas dahil hindi naman ibig sabihin pag nilabas mo iyon, masasabi mong 100% ka na ring sigurado. Ilabas na lang lahat para alam natin ang direksyon ng imbestigasyon.

Q: Killing spree in QC.

Poe: Magkakaroon ako ng iba't ibang hearing sa public order committee. Isa diyan yung sa cyberporn at kung anu-ano pa--kasama yung Wiretapping Act. Pag-uusapan talaga natin yung crime kasi sa tingin ko, may ipinapangako ang DILG na dagdagan ng so many thousands of policemen? Ilan na ba yung nadagdag compared doon sa sinasabi nila, kasi matagal na nilang pangako iyon diba?

Q: Pero Ma'am, noong dumating si Obama, sobrang tight ng security pero bakit kapag wala nang bisita...?

Poe: Kasi iyon naman ay nakadefine ang mga areas na babantayan, syempre kapag sinabi mo namang kabuuan ng security ng bansa ay kalat-kalat din iyan. Kahit naman sa US ay ganyan din kapag Head of State or may delegation, syempre strict ang security. Pero tama ka sa sinabi mo, may kakayahan din naman sila na maging organisado. Pero yung nga e, kulang talaga ng tao at tsaka refresher course. Sinabi ko na ito sa hearing namin dati, yung procedure for continuing education on evidence gathering. Kasi ang daming ebidensya lalo na sa media killings, nasasalaula ang ebidensya kaya walang convictions. That's part of law enforcement evidence gathering, so isa iyon.

Q: Ano po ang reaksyon ng PNP doon?

Poe: Kasi diba, yung mga hearing, wala pa kaming one year talaga dito tapos natabunan pa ng PDAF. Ito yung next hearing namin from the time na nagkaroon kami ng hearing na mahihingi ko yung follow up.

Q: Kelan ma'am?

Poe: Next week hearing na. May 20 and 21.

News Latest News Feed