Press Release
May 7, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's interview at the Session Hall

Question: Hindi pa nailalabas ang listahan...

Sen. Grace Poe: Sana ilabas na nila kasi yung mga dati naming sinasabi, yung mga dating mga alegasyon ay biniberipika din naman nila. Wala na naman kailangang beripikahin bago ilabas iyon.

Q: Sinasabi nga ni (Secretary Leila De Lima) na kailangang i-verify pa niya yung mga nandun kung tama ba. Sa tingin niyo ba na no need for that na?

Poe: Sa tingin ko, hindi naman. Kasi ganito, kapag inilabas ang listahan na iyon, hindi naman ibig sabihin na lahat ng nakalista doon ay totoo ngang kasangkot. Kailangan pa din nating gawin ang ating trabaho upang siyasatin kung ito nga ba ay makakatotohanan o hindi sapagkat natural lamang na magkaroon tayo ng duda dito, sapagkat ang mismong nagbigay ng salaysay dito ay isang taong kasangkot di umano sa PDAF na ito. Hindi naman nangangahulugan na kasama sa listahan ay ganoon na nga kaya kailangan pa ding siyasatin ito. Pero dapat ilabas na nga kasi mas lalo pang lumalaki ang duda kapag ito ay ikinukubli.

Q: Humihingi ng executive session... Paano kapag humingi si Sec. De Lima nito?

Poe: Siguro maaari munang i-konsidera din ang isang executive session para mas maging panatag ang kanyang loob sa paglalahad ng mga saloobin niya o kung ano man ang kanyang mga apprehensions o pagdududa. Ngunit sa isang executive session naman, hindi naman ibig sabihing kailangan nating pagtakpan ang isang pagkakamali. Lalabas at lalabas din iyan sapagkat pagkatapos ng executive session na iyan ay maari din naming ipatawag sila sa isang hearing para itanong muli ang mga tanong na pinag-usapan namin sa executive session.

Q: Saan ninyo gustong ilabas yung list? Dito sa hearing o sa isang executive session? Sa media or sa public?

Poe: Kahit naman saan din niya labas. Kung ilabas man niya sa media, pero dito sa hearing kasi, ako, yung sinasabi nga nila, yung supervening events. Pagkatapos isinumite ng blue ribbon committee ang kanilang report, marami nang nangyari din. Ibig sabihin, ang mismong kasangkot dito, ang pinakamalaking parte diumano ay gusto nang magsalita. Siguro naman para makumpleto ang istorya, dapat din siyang bigyan ng pagkakataon muli na magsabi ng kung ano yung nalalaman niya.

Q: May nagsabi na po ba kung magkakaroon kayo ng caucus sa blue ribbon or meeting to discuss the issues?

Poe: Wala pa nga eh. Sa tingin ko, marami din naman kaming panig dito na magkaroon nga ng hearing ulit dito sa PDAF issue. Q: Ma'am yung committee report did you sign it?

Poe: I did, I signed the committee report. Pinirmahan ko iyong committee report pero meron po ako dung nakalagay na subject to supervening events. I would recommend nga na magkaroon pa ng hearing muli.

Q: But the recommendations, you agree with it?

Poe: Meron po akong ibang recommendations for amendments, basically, because of what happened after the hearing. But personally, I also believe na meron ding mga ibang pwede pang idagdag sa report katulad ng mga opinion namin tungkol doon sa ibang whistleblowers.

Q: Ma'am, pero yung pinapakaso sa kanilang plunder at graft? Do you agree with it Ma'am?

Poe: Sa tingin ko naman, base doon sa mga ebidensyang nakalap natin sa ibang whistleblowers, mukhang meron namang consistency, so maaring ipagpatuloy nga yung pagsampa na iyon.

News Latest News Feed