Press Release
April 24, 2014

DWIZ interview with Sen. Francis Guevara Escudero

DWIZ interview with Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)
Program: Karambola
Anchors: Cely Bueno & Ely Aligora

BUENO: Good Morning, Senator Escudero!

FGE: Cely, Ely at sa ating mga listeners, I am sorry medyo malabo ang signal, good morning!

BUENO: Sir, una muna, sinasabi kasi sa paglabas ng report na una 19 senators daw yung idinawit ni Janet Lim Napoles sa kanyang pagsasalita na dito kay Secretary Leila De Lima. Although, may dine-ny naman hindi daw 19 kundi pwedeng makabuo ng quorom. Kayo bilang isa sa incumbent senator kayo ba ay kinabahan or sa tingin niyo ba ay ilabas na yung listahan para hindi lahat kayo ay pinagsusupetsahan.

FGE: (poor reception)

BUENO: Hello Sir?

ALIGORA: Masama talaga...ayan...

FGE: Yung walang tinatago ika nga yung walang kailangang kasagutan. Hindi na kailangan magsalita, actually alam ko naman na hindi ako nakinabang duon. (poor reception)

BUENO: Sir, napuputol pa rin po... sayang naman kung hindi natin maintindihan ang kanyang mga hinahayag. Ulitin natin..

ALIGORA: ...very willing na magpaliwanag si Senator Chiz...

BUENO: ...mahina talaga ang signal duon sa Legaspi... Hi sir, good morning!

FGE: Magandang umaga! Sorry malabo ang signal dahil mobile ako dito sa Legaspi.

BUENO: Ayan, maganda na po ngayon. So Sir, duon po sa aking unang katanungan, 19 nung una ngayon sabi pwedeng makabuo ng quorom, hindi ho ba kayo nababahala at dapat ba'y ipalabas na yung affidavit ni Napoles para hindi lahat kayo ay pinag dududahan.

FGE: (poor reception)...alam ko rin ang ginawa at hindi ko rin ginawa. Isama man niya ako duon kaya kong patunayang hindi totoo yun. Pero ito, nagsasabi ba siya ng totoo ngayon dahil minsan na siyang nagsinungaling sa Senado at sa publiko paano na siya pagkakatiwalaan ng buong katotohanan at walang halong kasinungalingan ang sasabihin niya.

BUENO: Yun nga ho Sir, papano yung una dineny yung involvement nito sa pork barrel scam. Paano kung siya ay pinaharap muli, may aminin na siya, Sir papaano po yun, credible pa ba itong dating ni Napoles.

FGE: Well Cely, kailangan (poor reception) may mapatunayan (poor reception). Bagama't hindi totoo, babaguhin niya ang kwento niya. (poor reception)concern ng whistleblowers baka pambasag o pampagulo lang ito. Dahil sa testimonya niya ay taliwas sa sinasabi ng whistleblower, sabi ng mga whistle-blowers siya ang utak. Ang sinasabi niya sa affidavit niya, hindi daw siya ang mastermind nito.

BUENO: So, papaano po yung magiging implikasyon sa kaso kung sakaling makagulo itong biglang pagsasalita ni Napoles at kahandaan maging state witness. Ano ang magiging implikasyon nito, Sir?

FGE: Well, ika nga sa laro ng basketball, eyes on the ball dapat tayo, wag dapat tayo malihis sa ano mang sasabihin niya. Piliin natin ang totoo at kapanipaniwala, alin yung hindi. At sana hindi ito maging dahilan o rason para ma-delay pa lalo ang pagsasampa ng mga kaso sa Sandiganbayan.

BUENO: So, sa tingin niyo sa pagke-claim ngayon ng kampo ni Napoles na hindi siya ang mastermind. Ito raw po ay para ma-justify ang kanyang kagustuhan na maging state witness.

FGE: Posible yun Cely. Pero sa palagay ko'y ay medyo mahihirapan makapasok bilang state witness dahil maliban sa pagiging hindi most guilty, tula bumabangga o hindi nagko-corraborate yung mga sinasabi niya sa mga sinabi ng mga whistleblowers at yung testimonya tila hindi na po kailangan para maka-convict ayon mismo yan sa sinasabi ng DOJ at Ombudsman.

BUENO: So, with that, hindi na po kayo interesado na ipatawag sa Senate hearing itong si Janet Lim Napoles.

FGE: Ay okay lang po sa akin na ipatawag, Cely. Interesado akong ipatawag gaya ng sinabi ko wala akong pangamba sa anumang sasabihin niya. Magsabi man siya ng pangalan kasama man ako duon o hindi, alam ko naman kung ano ang totoo hayaan natin siya magsalita, hayaan natin husgahan ng taumbayan. Kung ano at sino ang paniniwalaan sa mga sasabihin at pinalahad niya.

BUENO: So, sino po dapat bigyan ng priorty ng Blue Ribbon kung magre-reopen ng investigation. Itong si Atty. Gigi Reyes o itong si Janet Lim Napoles.

FGE: (laughs) hindi ko alam, Cely. Diskarte na ni Chairman Guingona yan. Yun mun ang unahin niya, okay at susuportahan ko siya.

BUENO: Nagkausap na po ba kayo ni Blue Ribbon Committee chairman Guingona hingil dito.

FGE: Hindi pa Cely. Dahil nauwi nga ako ng probinsiya pero magre-resume naman ang Senado in two-weeks' time. So, I guess within that time magkakaroon na ng pagdinig ang Blue Ribbon.

BUENO: Sir, paano kung meron talagang mas mataas pa at hindi tunay na mastermind itong si Janet Lim Napoles.

FGE: Mas mananaisin ko Cely sitahin ang nilalaman ng nito. Hindi porke't sinabi niya na dahil minsan na siyang nagsinungaling kaya di agad nating paniwalaan at kagatin.

BUENO: Sir, kung maging state witness po siya, diba nakakulong po siya sa kasong serious illegal detention, mangangahulugan po ba na kasi mapapailalim siya sa witness protection program ng DOJ. So, hindi na siya made-detain.

FGE: Posible yung Cely, makulong siya sa serious illegal detention pero state witness siya sa kabilang kaso pero nakakulong pa rin siya sa ibang kaso, posibleng mangyari yun.

BUENO: So, kayo po ba this time na gusto niyo po ba humingi na ng kopya ng affidavit para po matigil na yung kung anu-ano speculations kasi sinabi ni Senator Ping Lacson na bigyan-na naunang nabigyan ng kopya ng affidavit at meron pong ibang senador na mukhang mas malaki pa yung nakuhang kickback kumpara dito sa tatlong senador na ngayon ay nadidiin sa pork barrel fund scam.

FGE: Alam mo sa totoo lang Cely, hindi ko matindihan kung bakit nila tinatago yan at sasabihin na validate-validate at verify na sinasabi nila. May halong kasinungalingan man o hindi totoo yung affidavit ni Napoles dapat ilabas po nila. Dahil yun ang affidavit niya, alangan naman na pagkatapos imbestiga na yan hindi totoo papalitan nila. Hindi ata pwedeng baguhin ang affidavit ng kung sino mang testigo base sa kung ano mang sinasabi at sinabi na niya.

ALIGORA: Senator Chiz, si Ely Aligora po ito. Bilang isang abogado, ano pong nakita niyo, legal move na ginawa ng grupo ni Janet Lim Napoles.

FGE: Well, minimum yan Ely, ay tiyak kong makakabigay yan ng konting panahon, delay at pang gulo dito sa kaso. Paano magiging epekto kung mas bibigyang linaw yung kaso. Hindi ko pa alam kung ano depende nilalaman ng kanyang affidavit. Pero may basehan yung pagkuwestiyon ng mga whistleblower-yung abogado ng whistleblower na bakit ngayon, bakit bigla, anong motibo, bakit ngayon lang siya magsasalita tila iba pa yung sinasabi niya sa sinasabi ng mga whistleblower.

ALIGORA: Yung mga binigay na mga hello-Janet, hello-Janet kay Senator Ping Lacson, posibleng bigyan din si Secretary De Lima. Ano ang magiging weight nito?

FGE: Actually kung tape yan may probative body po yan para makumbinse dun sa beyond reasonable doubt. Sinasabi ba nila Ely ay parang guardiated yung mga tumatawag ke Napoles. Aba parang magandang pakinggan yun parang hello Garci yan (laughs).

BUENO: So, Sir sa oras na ipatawag si Napoles, gusto niyo po ba na iprisinta din yung kopya na yun ng telephone conversation ng...

FGE: Definitely, lahat ng ebidensiya na meron siya Cely dapat ilabas na niya na minsan na siya binigyan ng pagkakataon. Sinayang niya, tinapon niya at nagsinungaling siya. Siguro tama lang kung ano ang meron siya ilabas niya para matimbang ng publiko kung tama nga ba o hindi yung kanyang sinasabi.

BUENO: So, sabi ng iba, it's too late the hero na daw itong si Napoles kasi na nagpalabas na ng resolution ang Office of the Ombudsman at kasama na nga ho siya sa pangunahing makakasuhan ng plunder. So yung ganun po ba ay pwede pang ihabol para mag-apply ng state witness.

FGE: Lahat naman sila too late na hero na at naisampa na yung kaso sa Ombudsman at recommendation na ng Ombudsman. Pero ito Cely, de-desyunan ang state witness sa Sandiganbayan. Pwede lamang hilingin yan ng DOJ through the Office of the Ombudsman, pwede hilingin ng Ombudsman through the Office of the Special Prosecutor pero sa dulo, Sandiganbayan po ang magpapasya at magdedesiyon kung siya ba ay qualified o hindi maging state witness at madidischarge main suspect.

BUENO: Sir kung siya ay magsabi ng sorry sa Senate hearing at magsabi na "e kasi dati parang may threat", parang ganun. E ngayon decided na siya dahil sobra nga yung panggigipit sa kanila, kaliwa't kanan na rin yung kaso na inaabot ng kanilang pamilya, tatanggapin niyo po ba yun bilang rason kung bakit ngayon lang siya nagdecide magsabi ng kanyang nalalaman?

FGE: Well again Cely depende kung ano ang sasabihin niya. kung buong katotohanan nga ba yun o hindi o may halo yun na kasinungalingan o magkahalo ng sinungaling at totoo. Depende yun sa sasabihin niya Cely pero yung sorry e hindi naman sa pagtanggap o hindi ng Senado yu e dahil yung kaso andun na, nagawa na yung krimen at kailangan na niyang panagutan yun.

ALIGORA: Hindi naman po pang-iintriga pero ang sinabi raw ho kay Senator Ping Lacson, siya ang pinuntahan para makipag-usap, magtapat dahil siya lang yung malinis na senador. Ibig sabihin lahat kasama?

(Laughs)

FGE: Uulitin ko depende na yan kung papaniwalaan o kayang paniwalaan lahat ng sinasabi ni Napoles.

BUENO: Sir dagdag lo lang, dun kay Atty. Gigi. Kasi si Stty. Gigi biglang may affidavit na ang kanyang tinuturo ay yung kanyang deputy chief of dtaff at lahat isinisi nila, kineclaim nila na pineke ang kanilang mga pirma. Parang meron ho yatang suggestion na kung ganun din lang na tinuturo ni Atty. Gigi itong kanyang deputy chief of staff na si Evangelista, kung ipatatwag si Atty. Gigi e pagsabayin ho sila sa Blue Ribbon Committee hearing.

FGE: Sang-ayon ako dun para mabigyan silang pareho ng pagkakataong sagutin ang mga akusasyon sa kanilang dalawa sa parehong forum kunng saan sila inakusahan.

BUENO: So komporme po kayo na pagsabayin kung iimbitahan po si Atty. Gigi Reyes at tsaka itong si Evangelista?

FGE: Opo para maipagtanggol nila ang kanilang sarili sa parehong forum kung saan sila nabanggit at naakusahan.

BUENO: Dapat po bang mag-invite na ng mga eksperto sa signature upang malaman kung totoo yung mga claim nila na pineke po yung kanilang pirma.

FGE: Well trabaho na po ng NBI handwriting expert po yan o ng PNP handwriting expert. Pero hindi trabaho ng senado na gumastos at mag-aksaya ng oras para sa ganyan.

BUENO: Sir meron lang po ditong isang text question. Never daw po ba kayo nakipag-transaction kay Napoles?

FGE: Hindi po at gaya ng sabi ko, anuman ang lumabas sa affidavit niya kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, mabanggitman ako o hindi dahil alam ko ang katotohanan. Lahat na ng whistle-blowers Cely nagsalita, pati ang COA nagsalita na, ni minsan hindi ako naglagay ng pondo sa account o sa NGO niya. Siguro naman napakahirap baligtarin nun, kung saka-sakali ha, ng pahayag ng iisang tao lamang.

BUENO: Wala po bang sinumang miyembro ng inyong pamilya ang nakipag-transact o nakipag-usap daw ho kay Napoles?

FGE: Wala po at hindi ko po alam kung meron pero ang alam ko ay wala dahil tanging ang yumao kong tatay ang opisyal po noon.

ALIGORA: Senator Chiz, pork barrel lang po ang napagtutuunan ng pansin pero meron po bang pagkakataon na merong mga ilang senador na ginagamit yung bidget insertion at yun ang napupunta kung ano man ang transakyon na yun?

FGE: Actually walang pinagkaiba ho yun kung saka-sakali dahil malalagay pa rin sa dokumento na rekomendasyon at sulat pa rin para ilagay sa NGO yun kung saka-sakali mang may insertion, may initiative o sa PDAF.

BUENO: Sir may isang text question from Butch Fernandez: Kung ituro raw ni Napoles na ang mastermind ay si Mike Arroyo o kaya si GMA, qualified na ba siya dahil least guilty na?

FGE: Hind ko alam Cely, again ang tanong diyan ay papaniwalaan ba natin? Kapani-paniwala ba? O naghuhugas-kamay? Again, mahuhusgahan lang yan kung makita na natin yung kanyang affidavit.

BUENO: So lahat dapat kung ano man ang ike-claim nitong si Napoles ay suportado ng mga ebidensya para maging kapani-paniwala siya?

FGE: Opo kaya wag tayong masayadong umoo agad dahil gaya nga ng sabi ko, minsan na niyang pinagsinungalingan ang Senado at sambayanan, dapat siguro ay mabawi muna niya ang tiwalang yun bago tayo biglang mag-panic o maniwala agad sa bawt salitang sasabihin niya sa affidavit na yun.

BUENO: So sa tingin niyo sir with this development, ang Senate bilang institution hindi naman parang nashe-shake? Alam naman natin sa mga nakalipas na survey, bumagsak na po yung trust at confidence ng publiko, sa tingin niyo ano yung status ngayon ng Senate bilang isang institusyon?

FGE: Bahagi yan Cely siguro ng paglilinis na ginagawa sa panahong ito ika nga daang matuwid na sinusubukang isulong at ipaglaban ng administrasyong ito. So kung man ang kinakailangang hakbang mara marating natin ang gusto nating harapin, kailangan nating harapin at sana walang hadlang.

BUENO: May isa pa pong tanong. With this, ano po ang dapat baguhin sa sistema sa pag-audit ng pera ng bayan? May problema ba sa sistema ng pre-audit at post-audit?

FGE: (Inaudible) ang ating gagawin dahil nagdulot ng maraming delays sa pre-audit. Kaugnay naman ng PDAF a pork barrel, water under the bridge na yan, tinanggal na po yan ng Korte Suprema at wala na po yan sa ngayon.

BUENO: Sir last na lang, kapag nalampasan na itong... kumbaga ay malaking challenge o problema, kontrobersya na kinasangkutan po ng ilan ninyong kasamahan, ang Senado bay ay makakarecover? Mabablik ba yung tiwala ng publiko at ngayin pa lang ba dapat niyo nang paghandaan kung ano yung dapat na reporma para hindi na maulit yung ganitong uri ng kontrobersya?

FGE: Well yung reporma ginawa at patuloy naming ginagawa, Cely. At bilang miyembro ng institusyon, naniniwala naman ako na kayayaning malampasan ng Senado yan. Maski na ika nga e quorum pa yung sinasabi ni Senator Ping, uulitin ko, hindi naman siguro dapat luksuhan at paniwalaan agad lahat yun dahil ang pinanggagalingan ay medyo polluted at minsan nang pinagsinungalingan tayo.

BUENO: Are you confident na yung Senate leadership ay wala png nabanggit kay Napoles?

FGE: Ano yun Cely?

BUENO: Doon po sa mga Senate leaders ngayon, are you confident na wala pong na-implicate at kung sakaling may ma-implicate, ano po ang magiging implikasyon nun sa Senate leadership?

FGE: Hindi ko alam Cely at ayokong pangunahan. Uulitin ko, wala akong pakialam at hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Napoles at kung ano man ang sabihin niya. Hindi naman automatic, let me say may inakusahan siya, amy isinama siya, hindi naman automatic ibig sabihin ay totoo yun at biglang babagsak na ang Senado at kailangan nang tanggalin kung sinoman ang sinabi niya. hindi naman po ganun kadali yun.

BUENO: Pero ang mangyayari po niyan pag lumabas na yung affidavit ni Napoles, mapo-fokus na yung atensyon ng mga na-implicate sa pagdedepensa ng kanilang mga sarili.

FGE: Well baka ganun nga Cely, baka mamaya e yan talga ang intensyon nitong si Napoles, hindi natin alam gaya ng sabi ko, eyes on the ball, eyes to the ball tayo kaugnay sa bagay na yan.

BUENO: Okay.

ALIGORA: E kung sabihin ho sabihin po ni Mrs. Janet Lim-Napoles na para patunayan sa inyo na seryoso ako sa aking sinasabi, kahit na mga miyembro ng Liberal Party ay ksama diyan sa listahan na yan.

FGE: Uulitin ko, tingnan natin kung may kaakibat na ebidensya yung kanyang mga sinasabi.

BUENO: Medyo hirap na yung signal, Sir, marami pong salamat!

FGE: Thank you Ely, Cely!

News Latest News Feed