Press Release
April 7, 2014

Transcript of Senator Bam Aquino's Interview
Re: Hearing on Smuggled Steel

48 percent ng mga hardware stores natin ang nagbebenta ng substandard steel. So practically one out of two nagbebenta ng mga materyales na hindi tama ang kalidad.

Ang problema ho dito, unang-una, marami sa mga Pilipino ang naloloko, akala nila ang binabayaran nila ay tamang kalidad. Iyon pala ay mababang kalidad.

Sabi nga ng kaibigan natin mula sa PARR, na doon sa Yolanda-hit areas, marami talagang namatay dahil sa substandard steel dahil nagiba ang kanilang mga bahay.

Even in Bohol, na-mention ni Gov. Chatto na may mga gusali at bahay talaga na nagiba at may mga namatay dahil mali ang kalidad ng bakal na ginagamit nila.

We need to make sure na hindi ito nai-smuggle and that's why members of the Bureau of Customs are here. Practically 450,000 tons of steel na substandard ang pumapasok sa ating merkado mula sa ibang bansa.

Number two, iyong merkado mismo ang nagbebenta ng substandard steel so DTI also needs to do better job in terms of monitoring the hardware stores and what type of steel they are selling.

Pangatlo, iyong public rin kailangang mas maalam din sa bakal na binibili nila kasi sabi nga ng ating industry representatives, sometimes ang mga tao kapag inaalok ng mas mura, ang tanong daw ay kung anong gusto, "standard o mura."

Siyempre, you want more value for money, sasabihin mo mura pero hindi mo lang alam, pag nadaanan ka ng bagyo o earthquake, posibleng ikamatay mo iyon.

So the public needs to be warned about this problem.

Iyong merkado natin, kailangan ay maraming reporma diyan dahil napakaraming hardware stores ang nagbebenta ng substandard steel at dapat siguraduhin ng Customs na hindi ganoong karaming substandard na bakal ang nakakapasok sa merkado natin.

Q: PAANO NAKAKAPASOK IYON SIR, EH ANG BIGAT NOON. SAAN PUMAPASOK IYON?

A: Dalawa iyan, iyong isa, misdeclared kasi puwede nilang i-declare na mababang kalidad. Iyong kanina nga, iyong wire rods, iyong pang-alambre iyon ang ginagawang rebar. Isipin mo, kung pang-alambre nga iyon at ginawa mong rebar, magigiba talaga iyon.

Ang iyong completely smuggled, iyon talagang dumadaan sa under the nose ng Customs. Currently naman, na-mention ng representatives ng Customs na they are currently working with DTI na talagang malinis ang kanilang listahan ng importers.

So there is an issue regarding smuggling definitely, pero may iba ring problema iyong nasa merkado na. We can stop this in two ways. One is on the point na pumapasok siya, pangalawa iyong sa place na binebenta siya.

Pangatlo, ang public din mas maalam na delikado talaga at nakamamatay ang substandard steel.

Q: MAY PAHAGING BA ANG CUSTOMS KUNG ANONG GRUPO ANG NASA LIKOD NG SMUGGLING NG BAKAL? MAY SINABI BA SILA NA ANG SMUGGLER NG IBANG PRODUCT GAYA NG RICE AY PAREHO LANG?

A. Hindi namin napag-usapan iyon pero iyong nakakabahala sa presentation nila, pinakita nila ang kinasuhan sa smuggling in the last four years, at wala ni isa ang may convinction.

Lahat sila pending. Lahat sila nasa review phase pa lang. Paano matatakot ang smugglers niyan kung tutuusin wala namang nako-convict?

Si DTI, in fairness to them, di na sapat na magbigay ng fine kasi usually kung hardware store ka nagbebenta ka ng substandard, nagbibigay lang sila ng fine. Sa batas, nasa P150,000 lang ang fine at ang mga nahuhuli nila ay nagpa-fine na lang.

Sabi rin nila, they are working with DOJ, at babantayan natin ito, to make sure na hindi lang fine kundi criminal case, magpa-file na rin sila laban sa hardware stores na nagbebenta ng substandard steel.

Q: SI SEN. VILLAR PO, GUSTO NIYANG I-PROPOSE NA GAWING NON-BAILABLE OFFENSE ANG SMUGGLING. WOULD YOU AGREE WITH THAT? KASI NA-E-ENCOURAGE DAW PO ANG SMUGGLER DAHIL MAGBAYAD LANG NG PIYANSA, OK NA SILA.

A. We can definitely take a look at that. But ang nakikita ko talagang magandang batas para matapos ang smuggling is the Customs modernization law, na kung saan ang sistema talaga ang babaguhin.

Currently kasi, ang systems natin sa Customs, purposely low-tech. Dapat matagal nang high-tech iyan, pinondohan na iyan na maging computerized hindi pa rin computerized hanggang ngayon.

Napakaraming signature ang kailangan mo, napakaraming proseso na arbitrary at tao ang nag-dedecide kung makakapasok o hindi. Bawat isang taong iyon, kailangan mong amu-amuin.

If we have a more systematic system, computerized, malinaw na malinaw kung anong binabayad na taripa, that could stop smuggling in the long run na talagang systemic ang pagbabago.

You have countries like Singapore, what takes them half a day takes us weeks to do. Di talaga acceptable na in the modern day, napaka-Jurassic ng ating sistema sa Customs.

Mapapaisip ka, is that the way it is dahil inefficient lang talaga tayo o nandiyan iyan dahil may pinapaboran iyan na mga tao o grupo. So we need to overhaul the system and I'm happy to say that Customs Commissioner Sevilla is pushing for a major overhaul ng kanilang sistema.

Hindi na sapat kasi na individual lang ang ginagalaw-galaw o nililipat-lipat. I think in terms of Customs and smuggling, kailangang systemic talaga ang pagbabago na kailangan natin.

News Latest News Feed