Press Release
March 18, 2014

Transcript of DZRH radio interview of Sen. Serge Osmeña

On water rates

Q: ... Meron po bang magagawa ang Senado dito?

Serge: Alam niyo may regulatory agency iyan, 'yung MWSS. Sila po ang makakapagbigay ng raise o drop sa rates ng water.

Q: Ang sinasabi ng MWSS, hindi daw matanggap ng mga concessionaires at gusto pang idulog sa international arbitration committee na gagastusan ng mga water concessionaire ng mahigitP1 billion. At kapag sila ang nanalo, sisingilin ang naturang pera sa mga konsimidor ng tubig...

Serge: Sa tingin ko, nagkamali ang regulatory agency diyan. Nasa kontrata na kung magkano ang makukuha nila sa range ng rates nila on a regular basis or on a special basis. Kaya para sa akin, matatalo ang gobyerno diyan sa ginawa ng MWSS.

On Power

Q: Napakanipis ng power supply natin, lalo na ngayong tag-araw?

Serge: Alam niyo, hindi immediate ang mga solusyon sa power. Kelangan bigyan ng 4-5 years na lead time iyan, sapagkat hindi puwede na magpatayo ng power plant in 1 month or 1 year, it takes about 39-56 months to build that type of plant, ito po 'yung mga basic na coal plant, hydro mas mahaba. Ang kelangan po talaga long range planning. 'Yung nangyari po ngayong 2014, kasalanan pa ni Gloria Arroyo 'yan. Ngunit, next year, 2015, kasalanan na ni PNOY 'yan, sapagkat he should have done something in 2010 to alleviate any power problem in 2015, ganun kahaba ang lead time na kelangan mo sa power.

Q: Ito ba ang dahilan kung bakit pinagbibitiw mo si Sec. Petilla at ang mga miyembro ng ERC?

Serge: Opo. Sapagkat tingnan niyo 'yung price spike nung November-December, ayan po regular ang down time ng Malampaya, every 3 years may mahaba na maintenance period 'yan, as long as 30 days. Alam ko 'yan kasi every election year 'yan eh - 2007, 2010, 2013. like clock work, the next one will be in 2016 and 2019, every 3 years po 'yan. Alam po nila in advance kung kelan mangyayari 'yan. Dapat hinanda na nila ang lahat ng scheduling ng mga down time ng iba't-ibang planta. Pero hindi nila ginawa 'yun.

Ako tuwang-tuwa ako sa kanila, sabi ko napaka-torpe naman ng mga ito. It's very easy to do. Kausapin mo lang sila, sabihin mo lang sa kanila, 'ang scheduled down time mo dito... maghintay ka muna siguro ng mga 1 or 2 months, para hindi sabay-sabay ang down time ninyo.'

Number 2. May planta ang government, 600 MW, 'yung Malaya thermal plant. Hindi pinatakbo. Ang sabi ko, alam niyo ang power, supply and demand lang po 'yan. Kapag maraming supply, parang bigas, bumababa ang presyo. Kung kulang ang supply, mataas ang presyo. Napaka-simle niyan, ABC lang 'yan. Pero bakit hindi nila pinatakbo 'yan? Kung in-offer ninyo 'yan on certain days, hindi aabot ng P32. P35, P42 ang clearing price ng WESM. It could be as low as P12, all the way down to P5.

Q: Nagkaroon ng kakulangan sa pamamahala, o management problem? Hindi napaghandaan ang dapat na paghandaan at hindi naisulong ang dapat na naisulong?

Serge: Opo.

Q: ERC officers have fixed terms. Any move in the Senate to amend this provision?

Serge: Alam niyo, ang batas, may plus and minus 'yung mga provisions na ganyan. Talagang nakikita natin na kailangang bigyan ng fixed term 'yan para hindi na magiging political.'Pag puwedeng palitan ang mga members ng ERC, it will be subject to political appointments 'yan. Kaya I agree with the fixed term.

Ngunit, huwag naman maglagay ng mga politicians diyan sa ERC. The 3 chairmen of the ERC have been all congressmen - Cong. Manny Sanchez, Cong. Rudy Albano and Cong. Zeny Ducut. Anong kaalam-alam nila sa power?

Q: Yung mga tauhan nila ay mga abogado, accountant?

Serge: Okay lang accountant, first time, kelangan 'yan. Pero ang kelangan po diyan, 'yung may knowledge sa utility economics, ng management, ng computer. Isang abogado lang ang kelangan in that 5-man team. Noon, puro abogado ang ina-appoint diyan eh.

Q: Kaya nagkakaganun ang takbo ng kanilang opisina?

Serge: Manong Joe, kung gusto nila maglagay sila ng doctor diyan.

On MCIA project

Q: Kayo daw ang nagiging dahilan sa pagkaka-antala nito, dahil sa inyong paghuhusga sa DOTC?

Serge: Alam mo noon, hindi ko binibigyan ng pansin itong building, bidding of the new terminal for the Mactan Cebu International Airport. Ngunit, nagkaroon ng highest financial bidder, 'yung taga-India, ang tawag nila sa grupo nila GMR Infrastructure, partnered with the local company Megawide Construction.

Naging curious ako at nag-Google ako. Alam mo, tumaas ang balahibo ko sapagkat ako po ay nag-imbestiga ng PIATCO in 2000 and 2001, kami nagpapaputok dito sa Senado nung mga kalokohang ginawa ng PIATCO during and after the bidding. 'Yung mga 17 Substantial Amendments sa kontrata nila. Nabasa ko sa mga Google reports on GMR, 'yung mga galing sa India, parang PIATCO ito. So, tinanong ko sa DOTC kung nag-due diligence ba kayo dito sa mga nag-bid? Balita ko hindi kayo nag-due diligence. May nagsabi, meron ho kaming Technical Working Group na nag-undertake ng due diligence.

Kaya nagpatawag ako ng hearing. Tinanong ko sa kanila, how long did it take you to do your due diligence on all 7 bidders? 'Yung 7 bidders, times two 'yan kasi may local partner at may foreign partner, 14 po lahat 'yan. Ang sabi nila, 2 weeks. Ha? Two weeks lang?! Nasaan ang report ninyo? Meron po kaming report, pinabigay po namin sa chairman ng Bids and Awards Committee, 2 pages. 2pages po ang report nila! Aysus naman, niloko mo kaming lahat. Hindi kayo nag-trabaho. 2 pages! Kung pinagawa ko sa anak ko 'yan, 14 years old lang 'yan, kung para sa school, mas mahaba-haba pa ang magagawa niyang report. So, nakita ko na hindi talaga sila gumawa ng due diligence. They did not do a background Investigation into the bidders.

Q: Ang PIATCO, tungkol sa NAIA Terminal Airport. Involved dito ang Fraport Germany, na ngayon ay kinokontrata muli ng DOTC...

Serge: Opo. At ang Terminal 3, hanggang ngayon ay hindi pa po fully functional. Biro mo, 2001 pa 'yan. 2014 na tayo ngayon, hindi pa 100% ang use niyan.

Q: Magkano aabutin ang kontrata kung magpapatuloy ito?

Serge; 2 parts po yan. Ang construction cost is P17.2 billion. 'Yung upfront cost, payment, 'yung highest bidder, P14.4 billion ang ibabayad sa gobyerno. At babawiin po nila 'yan dun sa mga fees na kokolektahin nila sa mga pasahero, sa mga turista na gagamitin ang Mactan Cebu International Airport.

Serge: 'Yung number 2 po, nag-bid ng P14 billion, 'yung Changi Airport of Singapore, in partnership with Filinvest Development Corporation. 'Yung Changi Airport of Singapore, taon-taon po sa lahat ng contest, Number1 airport in the world.

Q: At napakababa ng bid nila?

Serge: Hindi naman po. 'Yung upfront payment, P14.4 billion ang bid ng GMR-Megawide. At P14 billion ang bid ng Filinvest. Malapit lang po. 'Yung total cost ng construction na kailangan i-finance nila, ito po ay P17 billion, for whoever wins the project to construct the airport.

Q: Itong isang consortium mukhang paborito ito, ang daming projects ang na-corner niya... PPP projects na ipinatutupad na ngayon? Itong Megawide?

Serge: Marami po, marami silang nakuha na PPP projects. Megawide has already won 4 PPP projects, 2 projects magpapatayo ng schoolbuildings. 1 project, 'yung National Orthopedic Hospital... Very attractive po 'yung bidding nila.

Q: Ano na ang estado ng project, i-a-award na ba o na-award na?

Serge: Hindi pa naa-award ng DOTC. Pero sinabi ko sa DOTC, unless you prove to me that you did your homework, at gumawa kayo ng talagang deep inspection sa lahat ng mga bidders, may questions ako kung ibibigay niyo ito sa GMR. Sapagkat itong GMR, talagang napakabaho ang background nila sa India.

3 years in a row, operating loss iyan. Malaki, malaki ang kumpanyang iyan. Pero 3 years in a row operating loss! Lahat ng mga bangko sa India, nagbigay ng instructions sa GMR na magbenta kayo ng mga assets ninyo sapagkat sobra na yung debt-equity ratio ninyo.'Yung relasyon ng utang sa invested money dun sa GMR. Parang out of line na 'yung relation nun. Kaya nagbenta pa sila ng mga assets -$800M, $1.2B, $144M...siguro they sold about 10-15 assets in order to bring their debt-equity ratio more aligned with what is considering normal and not dangerous.

On Politics and 2016

Q: In 2010, kayo po ang No. 1 campaigner ni Pangulong Aquino. Nalalapit na naman ang 2016. Ano po ang pakiramdam ninyo sa mga naglulutangang mga pangalan?

Serge: Alam mo, maraming tao ang disappointed sa palakad ng administrasyong ito sapagkat marami po silang walang ginawa na puwedeng gawin.

Ang sabi ko sa kanila, teka muna, sayang naman ang tsansa natin. Pwede nating gawin ito, pwede nating ayusin ito, napakabagal ninyo. Teka, teka. Puro teka-teka kayo.

Sabi ko, dalian naman ninyo. 'Yung infrastructure po, hanggang ngayon ni 1 PPP wala pang nagagawa. Sabi ko, dito sa energy napakaimportante nito, if you don't do it today, it will not happen. For example, dito sa energy...any shortage, kasalanan pa ni Gloria Arroyo. Kasi magpa-five na siya. Pero by next year, kung may shortage pa tayo, it is the fault of the Noynoy Aquino government. Ganun po 'yan.

Kelangan isumbong ko naman sa taumbayan. Teka muna, wala silang ginawa. 2010, walang ginawa. 2011, walang ginawa. 2012, walang ginawa. I am exaggerating a little bit. Pero tingnan naman ninyo sa Mindanao. 2010 may shortage na ho, mga 3-4 hours brownout, alam ko kasi nangampanya ako dun. Nagpapa-interview ako sa radio, hindi pwede kasi brownout from 8-12 noon. So, we have to resolve this problem, we have to move faster...

Q: 'Yung sinasabi ninyong teka-teka attitude ng Aquino administration, ito rin ba ang dahilan kaya nasabi ninyo na PNOY could lose his endorsement value in 2016?

Serge: Opo. Kung naiinis na ang tao, madali naman sa kalaban nila na ilabas ito, itong non-performance. Ang tawag ko sa kanila, ang dami nilang NPAs diyan sa Gabinete, Non-Performing Assets. Eh, palitan naman ninyo. Nagmamadali na tayo kasi last 2 years na eh.

Q: Marami sa nakikinig ang medyo nalilito. Ibig ho ba ninyong sabihin na kahit paano, may regrets ang ginawa ninyong pagsuporta kay Pangulong Aquino?

Serge: Alam mo, nothing in this world is 100% white. Meron din namang good side si Pangulong Aquino. Nakikita natin na sa mga investors lamang, nasisiyahan sila sa anti-corruption campaign ni PNOY. Talagang hangang-hanga ang mga investors sa kanya. Nakikita na talagang honest itong taong ito, talagang pinu-pursue niya, pine-press niya,'yung anti-corruption campaign. Nakikita naman natin 'yan, sa TV tulad ng PDAF scam, si Delfin Lee naaresto na. 'Yun ang gustong-gusto ng tao. Ngunit, ang sinasabi nila, meron din sa kabila, the undertaking of infrastructure projects, like the MRT 1 extension, MRT3 and MRT7 wala po lahat iyan, sa Metro Manila lang po 'yan. Tapos, meron pang mga infrastructure projects all over the place, gaya ng Mactan Airport, 3 years delayed na po 'yan. At ngayon baka magkaroon pa ng postponement kasi ke-kwestiyunin ko po 'yan kung ibibigay nila sa isang kumpanya na wala silang ginawang due diligence at ang daming baho pala.

Q: Nagbitiw si PNOY ng salita na hindi dapat iboto ang mga ampaw...

Serge: Ang pagdinig ko diyan, 'yung mga nasa movieland, 'yung mga wala namang kakayahan na gumawa, 'yan ang huwag iboboto ng taumbayan.

Ngunit...we are all guilty of being 'ampaw' in a little way, or in a big way, depende iyan. I think that the Aquino administration might also be called 'ampaw' sapagkat marami silang hindi ginawa na magagawa nila.

Q: You have said that PNOY is an honest man but an awful manager...May hindi pagkakaunawaan po ba kayo ng Pangulo?

Serge: Marami po. Kung gagawa po tayo ng Report Card niya, Makikita mo na napakaraming projects that should have been ongoing by this time, or last year, or 2 years ago, na hindi nauumpisahan hanggang ngayon. That is the performance of the PNOY administration. And any delay in any infrastructure, means the people cannot proceed. Because hindi pa in existence di ba?

Ayun po. Do not delay when you can speed up. 'Yan po ang usapin sa infrastructure projects.

Q: Nung 2010, kayo ay isa sa mga taong pinakikinggan ni PNOY? Hanggang ngayon po ba?

Serge: Ay hindi, wala na po 'yan. Hanggang 2010 lang po 'yun. Pagkatapos, lahat ng classmates niya, lahat ng kabarilan, lahat ng kamag-anak, 'yun ang pinipili niya.

Q: Nagsisisi po ba kayo?

Serge: Hindi naman. Sapagkat up to this time, looking at the batch of candidates who were available in 2010, I think he was still the best candidate. And if I have to make my decision all over again, I would have come to the same decision.

But I am also very disappointed, nahihiya po ako sa taumbayan, na nag-under perform siya. Kasi kung kaya mo mag-drive ng 80 mph, bakit ka nag-30mph? 'Yun lang ang question ko.

MESSAGE: 'Yung performance of government is also dependent sa taumbayan. Kung medyo tinutulak nila ang presidente, talagang mag-light a fire tayo sa ilalim ng paa niya. If we are complacent, wala pong nangyayari. Nakikita ko maraming natatakot na mag-comment. 'Yung pag-comment ko a week ago, ang daming nag-text sakin, 'Boss you are merely saying what we all want to say, natatakot lang po kami.' Mga businessmen ito, mga political leaders ito. Ang sinasabi ko po, kung hindi ninyo sasabihin, hindi ninyo ire-report iyan, anong mangyayari satin? We should put pressure on the government. That is also your job as citizens as stakeholders, to put pressure on your leaders para magkaroon ng signal ang leaders na, 'Boss napakabagal naman natin, let us go faster kasi there are more and more people that are unemployed every year.' 'Yung mga graduates po natin, kawawa naman sila kasi siguro about 30% could not find a job within the next 2-3 years, magugutom sila. And it's a pity because we have certainly the talent in this country to do a better management job and we're not doing it.

News Latest News Feed