Press Release
March 11, 2014

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar
(hearing on rice smuggling) March 11, 2014

Q: Ano po ang nagging desisyon tungkol kay Pioquinto?

Villar: May sakit na, nagsusuka na so sabi n gating lawyer ay bigyan ng chance to come back next time para mag-witness uli siya. Minsan kasi kapag nandiyan na, puro sila naha-high blood. Iyon ang advice ng lawyer at tayo naman ay humane, so we will do again the questioning next time.

Q: Hindi kaya siya matakot at hindi na siya pumunta? Kasi kanina muntik na siyang ma-contempt.

Villar: Hindi naman pwedeng hindi siya pumunta kasi maaresto siya. Q: What more do you expect to get from him?

Villar: We would like to show kung sino-sino ang involved. Kasi one of the center figures siya. Kasi if you look at it, siya ang nagko-connect sa kanilang lahat. Tingin ko siya ang naglalakad for all of them. Sila ay magkakaibigan talaga at isa silang negosyo, then siya ang runner. Bakit ayaw niyang i-admit iyon? Gusto lang naman nating i-prove na iisang grupo ito and they are doing it.

Q: Na-check po ba siya ng Senate physician kanina?

Villar: Nagha-high blood. Lahat tayo kapag nate-tense, naha-high blood, nai-stress. Anyway, ito namang lahat na penalty na binibigay sa kanila ay kinukunsulta natin sa ating legal counsel para naman tayo ay fair naman sa kanila. Ako nga gusto kong mag-file ng kaso kaysa mag-aresto. Kasi iyong aresto, one day lang iyon. Yung kaso, they kave to tackle these cases against them. At saka maganda iyong may mga kaso para on record, may kaso na silang ganyan. So if ever marepeat iyan, syempre mas stronger ang case mo because nagkakaso na sila ng ganyang kaso before.

Q: How about Elizabeth Faustino?

Villar: Iyon ang aarestuhin na kasi tapos na ang operation niya. Yung kanya namang sakit ay minor, gall bladder operation. Parang nagdadahilan na lang. you don't have to really rest for one month. Anyway, iyan kasi ang related sa Nixon Kua na namatay. Kaya gusto lang nating malaman sa kanya because dati na siyang nagsalita diyan, we just want to clarify yung tungkol kay Nixon Kua. And then iyong si Leah Echeveria, very important iyon dahil sa kanya ang nakasuhan iyong mga farmer's cooperative. Siya talaga ang nag-arrange nun tapos ang nakasuhan ang mga farmer's cooperative. In fairness to them, para naman to give light to the situation. Related siya kay TGL Commodities.

Q: May mga next hearing pa ba tayo?

Villar: Yes, nagsabi sa amin si General Lim, he used to be intelligence of Customs na gusto niyang pumunta sa committee, hindi siya nakarating ngayon. We will do it. Nandoon na kasi kami sa solutions, ano ba iyong recommendations. Anong kind of legislation, anong kind of reforms, executive orders at system. Kasi dalawa ang aim nito, maging competitive ang rice natin for AEC and then ma-stop natin ang smuggling.

Q: Do you recommend the filing of smuggling charges against Bangayan, Pioquinto, etc.?

Villar: Yes. And some of them, meron na silang smuggling cases. Kasi iyong Starcraft, si Pioquinto, siya rin iyong Starcraft na nahuli sa Davao, na-filan na siya doon. Then na-filan na siya before sa ginger. At least, kung napa-filan ka palagi ng smuggling, you must be a smuggler.

Q: Kailan kayo maglalabas ng recommendations?

Villar: Siguro another hearing or two. Pwede naman kaming gumawa ng initial recommendation na hindi naming isasara kasi kailangan ding buksan uli para titingnan kung ang recommendations ay nagawa.

Q: Are you convinced na maliit ang budget ng Customs kaya mahina ang intel?

Villar: Iyong intel. Walang budget ang intel. Can you imagine, walang budget ang intel? Eh dim aka-counter intelligence sila. Kaya talagang we will recommend a big budget for intelligence. Kasi kung ang intelligence mo hindi mo inaalagaan, paano makaka-intelligence iyon?

Q: What else do we need for another hearing or two?

Villar: Kasi ako, out of principle, kailangan dumating si Echeveria tsaka si Faustino. Para namang binastos nila ang Senado kung gaganyan sila. Hindi naman iyong madidinig lang natin sa kanila, kundi we have to see to it that they respect the Senate. They have to come. Even if I have to hold extra hearings, I want to hear them and I want them to come.

Q: Pero si Faustino po, conditional contempt?

Villar: Oo. Kapag nakita ng ating doctor na wala namang reason bakit siya magrerest ng one month, papaaresto ko siya.

Q: Naestablish na ba natin na talaga related s asmuggling iyong Nixon Kua killing?

Villar: Hindi ko sinasabing related but he was part of that investigation last time. Nagkataon lang na namatay siya. Hindi natin alam kung related or not.

Q: Hindi na po natin tutuklasin kung talagang related?

Villar: Ang susi niyan kay Faustino.

Q: Hindi pa ba kayo naha-high blood? Villar: Siguro hindi ako guilty kaya hindi ako naha-high blood.

Q: Ano po iyong inoffer ni Danny Lim na ite-testify?

Villar: Magbibida siya ng experiences sa Customs nung time niya... Diba may naisyuhan na naman ng TRO, kasasabi lang ni Commissioner Sevilla.

Q: Bakit patuloy, ano ang explanation nila dito?

Villar: Siguro in transit na yan. Noong bago tayo nag-investigate, nasa transit na iyan kaya wala silang choice kundi ibaba nila iyan. Hahapay-hapay iyan sa dagat.

Q: May nakikita na kayong dapat i-legislate?

Villar: I think this National Single Window, yung computerization ng BOC, tapos yung sinabi ng PhilRice na kailangan iyong mga ways, like yung Landbank, more budget para sa Landbankso that we can bring down the interest of loan to farmers kasi iyon ang malaking expense nila plus iyong mechanization. Iyon ang nakikita kong most important. Titingnan natin. Ira-rank kasi natin kung ano ang malaki ang effect sa price and then iyon ang tatargetin natin para bumaba ang price.

Q: Kayo ang magi-initiate nito?

Villar: Oo. At least, magrerecommend tayo ng ganoon and then we will help DA to achieve that kasi iyon ang importante.

Q: How about iyong limited ports of entry?

Villar: I think hindi limited ports of entry, kailangan NFA na lang. Iyon ang gusto ng Customs, NFA na lang ang mag-import para isa na lang ang kausap nila kasi nalilito na rin sila. Lahat kami nalilito sa dami ng mga kumpanya na nag-iimport na kung sino-sino, pare-pareho naman ang may-ari.

Q: Permanent revocation ng import permit?

VIllar: Wala nang import permits. NFA na lang ang magi-import. That is the recommendation of many, maski ang BOC. Gobyerno na lang ang kausap nila, they don't have to deal with these traders. We will see if we can do that. Tinatanong nga natin kung magkano ang losses ng NFA, sabi nila kapag nagi-import sila, wala namang losses. It's when they buy rice from local farmers that's when they incur losses.

Q: Parang mas pino-promote nila ang rice importation?

Villar: Hindi. Ang rice importation kasi mas mura talaga sa abroad. Kung walang duty, talo talaga tayo. Tapos dito mahal ang production cost, nakita nyo naman they have to buy from local producers, mahal ang production cost so they have to support the price para hindi malugi ang rice producers. So nalulugi sila doon. Parang support price iyon sa palay.

Q: Are you convinced na may enough supply for El Nino?

Villar: I think may shortage tayo because na-damage tayo ng typhoon. I think we will have a shortage. Hindi natin ma-achieve ang sufficiency natin kaya I think we have to import.

Q: Posible bang tumaas ang presyo ng commercial rice?

Villar: Minsan kasi ang pagtaas ng commercial rice walang reason kasi tama naman iyong inimport natin, may smuggling pa, bakit tumataas pa rin. Ibig sabihin, sila iyan, ,edyo may konting artificial manipulation sa pagtaas ng rice kasi ang daming smuggled, may inimport, bakit mahal ang rice?

Q: Iche-check nyo ba after one week ang commitment ng DA na connectivity ng website ng DA at BOC?

Villar: Yes. Pangako nila iyon, we will check.

Q: May lumabas na LP-NP coalition for 2016?

Villar: Wala naman pong usapan na ganoon kaya lang iyon ay something na iniisip ni Sen. Cayetano. Kami naman, hindi naman po out of the question iyon, depende what will happen. It's too far. Syempre marami pang mangyayari mula ngayon hanggang 2016. Hindi naman niya sinabi na sigurado na, sabi niya baka. So it's still baka.

Q: Sure nap o ban a si Sen. Cayetano ang magiging standard-bearer ng NP? Villar: Sabi niya, ino-offer niya ang sarili niya kung gusto ng tao, titingnan niya at the end of the year.

Q: May reports din po na si Sen. Manny ay tatakbo uli?

Villar: Hindi naman nakibo si Manny, kayo naman ginagawan ninyo ng istorya. Nagtatrabaho lang yung tao. It's too early ngayon for him. He's working.

Q: Sabi ni Sen. Miriam dapat daw ang susunod na pangulo ay babae?

Villar: Baka si Grace Poe. Tayo, we will just take care of the farmers. Aayusin natin itong ating problema sa agriculture. Iyan talaga ang pinili kong committee. I will really work hard to make a difference in this committee. Wala naman akong iniisip na iba, ito palang hindi na nga tayo magkatapos-tapos dito. Napapanaginipan ko na ang listahan ng mga kompanya, ang dami-dami hindi ko na ma-memorize.

Q: May nag-issue ng TRO...

Villar: We referred it to the Solicitor-General and I will call the Sol-Gen ano ang tingin nila doon.

Q: Parang gusto ichallenge ang decision ng Supreme Court...

Villar: Yes. But of course, the SC is always tama, unless baguhin nila ang decision nila, sila ang pinakamataas na. their decision is final.

Q: Hihingi ng additional budget ang DA para sa AFMA...

Villar: I think they will ask for budget sa Landbank. Kaya tinanong ko kung sino ba ang magbibigay ng loans sa farmers. Landbank naman, ok naman iyon because it's a legitimate bank. Talaga naman kami we promote iyong mga shared facilities, post-harvest facilities. We have to encourage mechanization kasi nakita nyo naman ang labor cost, ang laki. Ang answer doon is mechanization. Iyong interest cost malaki, that is cheaper loans to farmers, that is one and two na dapat talaga. We will see the others hanggang maibaba natin sa desired nating production cost of rice kasi for us to be competitive, dapat production cost natin ay kapareho ng Vietnam. (end)

Note: Please find attachment for Presentation and photo of Zip Line photo of Pioquinto and Bayani.

News Latest News Feed