Press Release
March 7, 2014

Transcript of DZBB interview

Transcript of interview of Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)
Network: DZBB Program: DOBOL A SA DOBOL B
Anchor: Arnold Clavio and Ali Sotto

CLAVIO: Good Morning Sen. Chiz, si Igan at Ali po.

FGE: Igan, Ali, sa ating mga listeners, magandang umaga. Good Morning.

CLAVIO: Si Ali po muna.

SOTTO: Good morning.

FGE: Ali, good morning.

SOTTO: Sen. Chiz, yung ano ba, parang ang basa ko sa inyo kahapon parang you were not fully satisfied with the response ni Sec. De Lima doon sa inyong sinabi niyo nga na pag bilyon ang ninakaw nasa ospital, nasa Fort Santo Domingo. Yung cellphone ang ninakaw nasa city jail. Bilang legislator, can't you file a bill regarding this? Tutal yun naman ang pakay ng Senate...

CLAVIO: ...o kaya isama ko lang, yung papasok ng Witness Protection Program, kahit hindi most guilty nakakalusot na e. Magiging state witness lang, Ali. Yun ang medyo hindi ko maano...

SOTTO: Yung WPP?

FGE: Actually tama ka dun Igan. Nasa konstitusyon na natin ang probisyon kaugnay ng equal protection of the laws. Nasa kamay na lamang ng eksekutibo kung paano po nila ipapatupad ang probisyon na yan. Kaugnay ng WPP, tama ka din Igan, walang nakalagay doon na ikaw dapat ang least guilty. Nakalagay po yan sa pagiging state witness pero sa pag qualify sa WPP, hindi po kinakailangan na least guilty ka.

CLAVIO: So kung kasama ka sa pagnanakaw, maglaglag lang ako at magturo laya ako. Ganon ba yun?

FGE: Yun ang isa sa hindi ko maintindihan sa sinabi ni Sec. De Lima kahapon, actually. Dahil sabi niya, (inaudible) baka daw magsalita si Napoles. Kahit naman sino siguro ang nasa kalagayan ni Napoles, ano naman ang mapapala nya kung magsasalita sya at wala syang security.

CLAVIO: At parang tinatali ang kamay senador ng mga witness, kasi provisional immunity. Pero pag hindi ko nagustuhan ang iba mong sinabi, babalik ka sa pagiging akusado. Yun talaga ang parang hinohostage nila ang mga whistleblower.

FGE: Well, parang hostage o (inaudible) tinanong ko nga kahapon Igan, Ali, sabi ko kay Sec. De Lima, meron bang kategoryang provisional admission? Sa ilalim kasi ng batas either tinanggap ka o hindi tinanggap, walang provisional admission. Ang problema kasi sa provisional admission, conditional ba yan? Bakit tayo gumagastos ng pera sa security e hindi pa pala tanggap. Bakit sya magbebenepisyo sa Witness Protection Program kung hindi pa pala sya tanggap. So, kailangan magpasya ang DOJ tanggap ba o hindi. Kung hindi man, magpanukala sila ng amendment sa batas o implementing rules na naglalagay ng kategoryang provisional admission. SOTTO: Yun nga. If you're going to create this code provisional state witness, meron na ring benepisyong makukuha yung naturang provisional state witness na yun.

FGE: Tama po kayo. Unfair din dahil baka mamaya hindi tumupad sa usapan ng DOJ dahil iba ang requirements ng WPP sa requirements para sa discharge as state witness. Sa sitwasyon na dinemanda na ng DOJ katulad ni Cunanan yung akusado. Dahil kapag nasa kamay na ng korte yan, posibleng admitted sya sa WPP pero hindi siya madidischarge as state witness. In his case kailangan bitawan din sya ng gobyerno later on sa trial.

SOTTO: Tama rin naman ang sinasabi ni Secretary kasi in the scheme of things, sa realidad, talaga namang merong pinagdadaanan proseso di po ba. So in the meantime merong dapat itawag dun sa status na yun nung witness while it is being processed.

FGE: Okay lang ako doon Ali, actually sabi ko nga yung IRR naman sila ang gumagawa nun hindi naman kami, di ilagay nila doon. Pangalawa, kung may pinagdadaanang proseso ano pa po ba ang inaantay nila? Dahil September pa po nung sinampahan nila ng kaso si Cunanan. October, November, December, January, February, limang buwan na po. Ilang buwan po ba bago magdesisyon ang DOJ kung tatanggapin ka ba o hindi. At sa kabilang banda, gaano ka ba katagal pwedeng maging provisional o habang buhay ka bang pwedeng maging provisional admission?

SOTTO: Which brings us back, ito yung binaggit niyong ganyan, let's talk about deadlines. Yung timeframe na 'yun para magdesisyon nga whether or not to accept one as state witness. Pati na rin si Napoles, bakit hindi bigyan ng ulimatum na hindi naman parang indefinitely na parang umaasa lang tayo na kakanta sya di po ba? Di po ba pwede yung may deadline o ultimatum? FGE: Well gaya nga ng nasabi ko baka mamaya pag nilagay sa ordinaryong kulungan yan ay mas mabilis magising....

SOTTO: Ma-pressure, ano?

FGE: Na, 'Ay, magsasalita na ako. Ayoko dito.' At least may mapala tayo sa ginagastos at assistance na binibigay sa kanya.

SOTTO: Napansin din namin na isa sa kinalaglag ng upuan n'yo, yung hindi pagkakatugma ng salaysay ni DeCu.

CLAVIO: The brown bag. Meron pang brown bag.

SOTTO: Na yung, pagpunta sa opisina sa Discovery, yung pagbibigay ng mahiwagang brown bag.

CLAVIO: Yung statement ni BenLuy saka ni DeCu. Anong masasabi mo Chiz?

FGE: Bakit hindi nakita ng DoJ yun? Ako mismo yan ang tanong ko kahapon. Sabi sa affidavit ni DeCu, wala s'yang ginawang krimen. Sabi ko nga kay Sec. De Lima, 'O Secretary, bakit n'yo dinemanda?' Actually, kaya kong sagutin yung tanong na yun e. Ang sagot dun, dahil sinabi ni Benhur na nakatanggap s'ya. Yun pa lang dapat nakita at nalaman na ng DoJ na nagbabanggan yung testimonya ng dalawang testigo n'ya. Kaya nga lang ayoko nang dagdagan kahapon dahil trabaho na ng abogado ni Sen. Estrada, Enrile at Revilla na pakinabangan yun. Hindi ko na trabaho yun.

SOTTO: Pero ano ang epekto nito sa lakas nito against Napoles?

FGE: Personal opinion ko, makakaapekto yun sa sinabi ni Dennis Cunanan pero hindi sa sinabi ni Benhur Luy dahil nanatiling consistent at stable yung mga testimony ni Benhur Luy.

CLAVIO: Yung kausap n'yo si Sec. na dapat ilipat si Janet Lim Napoles sa regular na kulungan kesa sa VIP treatment na yun, ikaw ba... Ako kasi nag-iisip nung nakikita kong nagtatanong ka kay Secretary. Ano pa yung hinihintay pa nila na magbabago, ano?

SOTTO: While there is life, there is hope.

CLAVIO: Ang ibig ba nilang sabihin kung papayag itong si Napoles na idiin itong mga senador na kasama mo, e state witness na naman ito si Napoles at lusot na naman s'ya sa kanyang raket o scam na ginawa?

FGE: Yun ang hindi ko naintindihan sa sinabi ni Sec. De Lima. Sabi n'ya, no deal daw. Hindi daw s'ya kumbinsidong tanggapin sa state witness. E bakit magsasalita si Napoles wala pala s'yang mapapala. Hindi ko ma-gets yung parteng yun.

SOTTO: Hindi logical.

CLAVIO: E di ilipat mo na sa regular na kulungan at baka natakalan yan, magsalita.

FGE: Yun ang sinabi ko kahapon, Igan. Ang ibig sabihin ba nun, pag hindi high-profile na kaso, kung papatay sa'yo mamatay ka na dyan sa kulungan? Hindi ba dapat yung seguridad ng isang preso ay garantisado din sa loob ng kulungan mataas man o maliit, sikat man o hindi.

SOTTO: Ito namang testimony naman kasi ni DeCu, anong kahalagahan ng testimonya n'ya?

FGE: Ginamit lamang ng DoJ yan para sagutin ang counter-affidavit nung tatlong senador. Kung mapapansin n'yo yung affidavit ni DeCu, binanggit at kinuote yung nakalagay sa counter-affidavit nung tatlong senador. So, sinagot lamang yung parte ng counter-affidavit ng tatlong senador na nagsabing una, hindi daw nila pirma yun. Kinumpirma daw nila, ayon kay DeCu. Pangalawa, na hindi daw sila nakialam pagkatapos ma-releas ang pondo. Pangatlo, wala daw silang kinalaman sa pag-identify ng NGO. Yung tatlong aspetong yun ay kinontradict ni DeCu sa kanyang affidavit.

CLAVIO: Dahil ang sabi ni DeCu, nagkausap pa sa telepono para kumpirmahin na NGO nga, yun ang pinili nila. Yun ang sagot dun.

FGE: Kinumpirma, pati yung NGO, pati yung kung sino ang autorisadong pumirma.

CLAVIO: Dun lang sila medyo ano e, kaya s'ya tinaggap siguro. Nasagot yung mga tinaggi ng tatlong senador.

FGE: Pero sa totoo lang, pwede na naman patunayan din ng mga dokumento yun, Igan. Pare-pareho. Pati typographical error pare-pareho.

SOTTO: Pati wrong spelling.

CLAVIO: Dun sa typographical error, ang tingin ko naman dun, Senador, baka may isang taga-utos na gumawa nun at ang hinihintay na lang ay yung pirma nung tatlo na hindi na binasa.

FGE: Pero yung dokumento, Igan, pwede nang patunayan rin yun e na iisa lamang ang gumawa, iisa lamang ang nag-prepara ng mga dokumento.

CLAVIO: Tama. Sino ngayon yun? Yun ang tanong din.

FGE: E sila Benhur, malamang. (Laughs)

CLAVIO: (Laughs) Kasi yun na nga ang hirap e. Anong mensahe ang binibigay natin sa ating mga kababayan? Magnakaw ka ng maliit, magnakaw ka ng malaki, kawawa pa yung maliit. Yun gmalaki magsosoli lang, pwedeng hindi na makasuhan. E yung maliit nga, merong nagsoli ng carpet, yun pala hindi pa s'ya ligtas. May nagsoli ng cellphone, hindi ka pa din ligtas dahil nagawa mo na yung krimen.

FGE: Pero tingnan mo, Igan. Hindi lamang si Napoles siguro, matagal na yan. Si dating Pangulong Estrada, umano bilyon din, e nasa Veterans, biglang nasa Tanay. Si Delos Angeles, nasa St. Lukes pa. Si dating Pangulong Arroyo, hanggang ngayon nasa veterans.

CLAVIO: SI Jocjoc Bolante. Nasan na ba yun? Tumakbo pa.

FGE: Wala pang kaso.

CLAVIO: Tumakbo pa. Si, mga heneral, yung mga may pabaon, san na ba yun? Nag-gogolf. May alam ako.

FGE: Yung mga heneral na kinasuhan sa PNP, I think nasa Camp Crame.

CLAVIO: Yung iba may nagbalita sakin, nasa Camp Crame, VIP pa din.

FGE: Yung mga nasa kwarto sa Camp Crame...

CLAVIO: Holding area ang tawag.

FGE: Yun ang masakit Igan. Gaya nga ng nasabi ko, (inaudible) para makatikim nang magtanda at magsilbing aral sa iba.

SOTTO: At ngayong last two minutes nga ng administrasyon nga ni Pangulong Aquino at kailangang Cha-Cha-hin na itong proceedings na ito bago magkapalitan ng mga administrasyon na naman. Ang tingin nyo, may mararating ito in the next two years?

FGE: Definitely. Sa palagay ko, hindi naman siguro magtatagal. Kaya nang maresolba ng Ombudsman at kung sampahan ng kaso yung mga respondents o hindi. At pagsampa ng kaso, plunder man o malversation, non-bailable po yun, kailangan i-piit na ang mga respondents.

SOTTO: So overall Senator, si Dennis Cunanan kahapon, did he strike you as a credible witness?

FGE: Yes Ali, except for the portion. Ang problema lang is material yun. Ang magiging problema sa DOJ, (inaudible). It is a requirement. Bago maging state witness o madischarge as a state witness ang isang akusado ay ang kanyang testimonya nya is corroborative in all of his material things. Eto, medyo material po ito na hindi nako-corroborate ng ibang testigo na kwinestyon pa ng DOJ. Yan ang kailangang i-reconcile para madischarge si DeCu as state witness.

SOTTO: Yung material point na whether or not sangkot sya o nakinabang sya.

FGE: Kung nakatanggap sya o hindi.

SOTTO: So material point yun, hindi tugma, naku problema yun para sa DOJ.

FGE: Problema sa DOJ, problema sa pagdischarge kay DeCu.

CLAVIO: Ako pa rin, dapat manindigan tayong ilipat pa rin ng regular jail si Napoles dahil...

SOTTO: Is that the sole decision of the DOJ? PNP, police?

FGE: Korte dapat yun. The Courts are passive bodies. Hindi gagalaw yan kung walang manghingi. Sa katunayan, dapat hingin bago ibigay yan.

CLAVIO: Eto, alam kong may ongoing Senate hearing din sa kaso ni Delfin Lee. Nahuli na. Saan naman ikukulong yan?

FGE: Yan ang magandang malaman Igan. Baka ganyan din yan. (laughs)

CLAVIO: Merong pending... di ba may hearing kayo kaya lang hindi ito sumisipot. Ngayong nahuli na, ipapatawag uli yan sa Senado, senator?

FGE: Tignan natin kung saan sya ikukulong. Kay Napoles, in fairness sa DOJ, hindi ko naman sinabi na sila ang may kagagawan nun. PNP na ho yun.

CLAVIO: Makiusap tayo kay Secretary Mar Roxas.

FGE: Ang OA naman. Ang presidente, walang decoy vehicle.

SOTTO: Pero kasi naman, parang pag may nangyari naman kay Napoles, sila din naman ang puputukan.

FGE: Tama po kayo. Para sa akin, ilan ba dapat? Dapat isang-daang pulis talaga? Base sa kanilang intelligence report, kanino manggagaling yung threat? Wala naman syang sinasabi, hindi naman sya nagsasalita.

SOTTO: Pero on the other hand, I'm thinking, patahimikin na natin to para hindi na magsalita.

CLAVIO: Ang sa akin naman...

SOTTO: Ako, nagaral ako ng (inaudible) e. So pwede din na patayin na lang natin kasi baka pag kumanta yan, ituro tayo.

FGE: Posible din po yun. Pero tandaan natin, finile na ng DOJ ang kaso. Ibig sabihin, sa pananaw nila, may sapat na silang ebidensya para patunayan yung kaso laban sa mga akusado. Kumbaga, pandagdag na lang yun. Kung talagang kailangan si Napoles para patunayan ang pananagutan ng mga kinasuhan nila, wala pa sanang kaso na naisampa sa ngayon.

CLAVIO: Okay. Senator, maraming salamat po.

SOTTO: Bitin na bitin kami pero alam namin....

CLAVIO: Regards kay Heart.

SOTTO: Regards kay Heart.

CLAVIO: Teka, teka. May humahabol. Bumaba si Mike Enriquez para habulin ka.

ENRIQUEZ: Senador magandang umaga po. Si Mike Enriquez po ito.

FGE: Mike, good morning.

ENRIQUEZ: Bakit naman gusto nyong ipalipat si Janet Lim-Napoles mula sa Fort Sto. Domingo sa isang pangkaraniwang kulungan? Wala ba kayong heart?

FGE: (laughs)

SOTTO: Be careful with my heart. (laughs) Imbitado kami ha. Pahihigupin mo kami ng mainit na sabaw pag nagkataon senator ha.

CLAVIO: May utang pa nga sa atin to e. Kung nagpropose sa Hong Kong nung Valentine's, hindi pa sinasagot e.

FGE: Hindi nga. (laughs)

CLAVIO: Okay na, sige na. (laughs)

FGE: Good morning.

SOTTO: Good morning!

CLAVIO: Yung tinext ko sa'yo kahapon, pag-aralan mo yun. May sinabi raw sa kanya kaya ganun raw ang sagot sa iyo. Abangan nyo yan. Salamat, salamat!

FGE: Salamat Arnold, salamat Ali.

News Latest News Feed