Press Release
February 28, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's dzBB interview with Joel Reyes Zobel

Joel Reyes Zobel: Nasa linya na po natin si Senator Grace Poe ang chairman po ng Senate committee on public order. Senador magandang hapon si Joel Zobel po live ka sa dzBB ma'am.

Se. Grace Poe: Hi, magandang hapon Ginoong Joel at sa lahat po ng nakikinig salamat muli sa pagkakataon ng inyong panayam.

Poe pushes for measure to protect depositors against fraud

Zobel: Salamat po muli sa inyong pagpapahintulot ng panayam na ito Senador. Nagkaroon po kayo ng public Senate committee hearing dito po sa isyu ng ATM fraud. Ano pong mga bago nating natuklasan doon po sa pagsilip na iyon?

Poe: Alam ninyo na napakaimportante talga ng isyu na ito sapagkat sa ating bansa, 40 milyon ang depositors. Sabihin na natin na kahit 20 milyon lamang ang merong ATM, marami sa ating mga kababayan ang dumedepende sa ATM sapagkat diyan nila kinukuha ang kanilang sweldo o kanilang mga kinikita. Kaya nga po noon tayo ay nakipagmeeting o hearing sa mga representative ng Bangko Sentral (ng Pilipinas) pati na rin sa isang malaking bangko at iba't ibang consumer groups. Napag-alaman natin na may proseso naman pala iyan kapag ikaw ay nanakawan o halimbawa naging biktima. Hanggang isang linggo doon sa isang bangko ang pag-iimbistiga. Mabilis na rin po iyan pero isa sa aking iminumungkahi--at malalaman na rin po natin pag natanggap natin ang position papers nila sa feasibility nito--na kung ikaw ay nabiktima pag nireport mo iyan sa branch manager mo, dapat agad-agad ibabalik sa iyo ang kwestiyonableng kinuha sa iyong account. Alam nyo po Ginoong Joel, usually po sa ating mga regular depositors, kunwari siguro sa isang araw, 10,000 ang withdrawal. Kaya naman iyang ibalik ng bangko at sa merkado ng ibang bansa, yung mga credit card nila, pag ikaw ay nag-rereport kahit yung mga ATM credit cards nila kaagad-agad ibinabalik ang pera habang iniimebstigahan sapagkat minsan ang tagal-tagal, papaano na ngayon yung mga kailangan mong bayaran? Kuryente o baon ng mga anak mo, importante na nandiyan yung pera.

Zobel: Oo, actually mayroon din pong mga pagkakataon na nagtangka kayong mag-withdraw sa account ninyo tapos wala namang lumabas pero debited na kaagad. May pagkakataon, ang tagal-tagal bago isauli ng bangko po yun.

Poe: Alam mo totoo iyan. Yun nga ang nangyayari. Tapos ang isa pang nakakabahala, syempre yung hindi mo kinukuha yung pera mo pero ang nakareflect kinuha mo. Pangalawa, minsan sasabihin nila out of paper kung wala kang record nung iyong transaction so napakahalaga talaga na itong mga bagay na ito magkaroon ng bill of rights for the protection of ATM card users or kung hindi naman kailangan ng isang batas, kung isa lamang circular ng Bangko Sentral for the standardization of (resolution of) ATM fraud schemes. Iyon po ay napakahalaga na mayroon tayo sapagkat ang ating bansa ay lumalago na ang ekonomiya. Tayo po ay nakikipagpaligsahan na sa galing ng ating e-commerce sa ibang bansa. Ito po ay isang hakbang para masabi natin sa ating mga kababayan na prinoprotektahan din natin ang kanilang kapakanan.

Zobel: Liwanagin ko po ma'am, ang mungkahi ninyo kapag halimbawa na-ireport ninyo na nawalan kayo ng pera, ang sinasabi ninyo kara-karaka dapat ibalik ng bangko po iyan even without the benefit of the investigation, ang sinasabi ninyo kapag ka naimbestigahan pwede naman bawiin o hindi? Ganun ba ang ibig ninyong sabihin ma'am?

Poe: Opo, para sa akin po ganun. Kasi kapag ikaw ay nag-file ng complaint, sabihin na natin magiging a little bit inconvenient, kunyari mag-fafile ka ng written complaint sa bank branch, o kaya kung papayag sila by Internet, kung sa iyong nakarecord na email address, depende nga po iyon sa proseso, kung ano ang magiging mas madaling implementahin na hindi naman maloloko yung mga bangko. Kailangan agad-agaran kasi. Ewan ko kung kayo ay nagkaroon na ng experience sa ganito. Usually, kapag nakikita mo yung credit card mo parang imbes na transaction na P5,000, hindi ako ang gumasta niyan. Kunyari ang iyong credit limit sa credit card ay P10,000, pag tinawag na iyan yung 5,000 na iyan hindi ako ang gumamit niyan at agad-agad ibabalik yung credit limit mo doon sa 10,000 habang sinusuri nilang mabuti itong sinasabi mong sumbong tungkol sa pagnanakaw sa iyo. So iyon din yung sa atin dapat agad-agad kasi diba marami po sa atin ang kinikita natin from paycheck to paycheck talaga tayo eh so kapag nawalan tayo ng P10,000 ang laki noon.

Zobel: Malaking bagay yun, hindi ka na kakain ng mga dalawang linggo nun pag-nawalan ka ng ganun.

Poe: Salamat po sa pagtulong dito sa impormasyon. I also commend yung isang bangko na sinasabi nila na one week yung kanilang process, pero para sa akin, meron namang insurance ang PDIC at kung anu-ano pa. Kasi makikita mo naman yun mga regular depositors mo, hindi naman gagawa ng mga kalokohan na ganun. Basta ang importante ay balansehin natin ang karapatan ng lahat, pero unahin din natin ang karapatan ng mga regular ng manggagawa na talagang umaasa diyan sa ATM.

Zobel: Tama ma'am. Ma'am problema ito noong 2010, 2009, 2011, 2012. Dami na nating ginawa, nilagyan na natin ng taklob yung pindutan, gumawa na tayo ng mga ilang safety features ng teller machine para di makopya, pero 2013 mas lumaki pa ata itong nanakaw kumpara sa 2012. Ano ho ba ang nangyari? Tinanong niyo ba sa mga bangko? Ano ba ang mga ginawa niyong hakbang para mabawasan ito since mas lalong lumaki pa ang mga ninakaw ng mga sindikatong ito?

Poe: Alam mo yung datos na iprinisenta ng Central Bank, para sa kanila bumaba actually. Pero gayunpaman, average of less than 2,500 ATM fraud last year. Kung iisipin mo maliit lang dahil 40 million lang ang depositors natin sa pinakamaliit na estimate, 20 milion ang may ATM cards--kalahati nun. So 2,000 cases, it's not so much but if you multiply that, it's about 200 million plus pesos, so meron pa rin talagang problema. Ngayon, ang ginawa ng central bank ay meron silang memo circular, at salamat din sa GMA 7 kayo din ang naglabas nito, na dapat meron ng computer chip yung ATM as opposed to magnetic stripe na pwedeng pagkunan ng impormasyon, so meron naman silang mga hakbang. Pangalawa, dumadami ang depositors, dumadami din ang mga ganyang insidente...Ang mga kawatan, pag lumalaki ang ekonomiya mo, lalo na sa droga, at kung saan pa man ay dumadami talaga. Ang ating kapulisan dapat palakasin din natin, ang Anti-Cybercrime unit ng PNP halimbawa at kung anu-ano pang preventive measures, at kung hindi, talagang mapag-iiwanan tayo.

On various modes of ATM fraud

Zobel: Nabanggit niyo po, may Italyano, recently may nahuli na PSG member na si Raphael Marcial na nahuli na gumagamit ng cloned ATM at nag-wiwidthraw ng pera na di niya pag mamay-ari. Ano po ba ang balita sa Anti-Cybercrime unit maam? Paano ba binibili ba nila itong cloned ATM na ito? Bakit may ganitong klase siyang hawak na ATM?

Poe: Ito nga eh, comical na nga. Kita mo naka-helmet at gloves pa. Una, congratulations sa ating nga pulis na natukoy nila ito. May mga proseso nga daw po, sabi ng mga expert na nag-iinstall ng mga keypad o kaya nga mga camera dun sa ATM para makita nila yung PIN. Meron naman yung expertise ay yung pag-dradraw ng information, pero doon po sa ating hearing ay hindi naman po nila iprinisenta ang expertise ng bawat indibidwal. Pero yun nga po parang nanonood ka ng isang series na operasyon ng iba't ibang tao na may iba-ibang talento. Nakakalungkot nga dahil sa mga nararanasan ng ilan nating mga kababayan, kahit sa PSG mismo ay nalululong din sa temptasyon na ganyan. Kaya nga po importante sa ating lipunan, hindi lamang yung mga preventive measures na ganyan, dapat yung oportunidad talaga para sa lahat para mabawasan yung mga insidenteng ganyan.

Zobel: Dun sa P220 million plus na nawala nung 2013, ilang porsyento na ho ang naibalik sa mga depositor dun sa halagang iyon? Nabatid ba iyon sa ginawa ninyong pagdinig?

Poe: Hindi po namin naitanong iyan pero ang sagot naman po ng isang bangko na nagrepresenta doon ay ibinabalik naman nila lahat ng nakukuha. So kung hindi naman po kasabwat ang mismong depositor diyan ay ibinabalik at kung hindi naman po kayo nabigyan ng pera ay ireklamo po ninyo. May karapatan po kayo dahil hindi naman ninyo kasalanan iyan. Kaya nga po tayo nagbabayad ng service charge sa bangko ay para protektahan ang ating deposito.

Poe recommends standard process in resolving ATM theft cases

Zobel: Mayroon bang follow up itong pagdinig ninyo? At ano ang initial recommendations po niniyo para huwag na pong lumawak pa ang operasyon nitong mga loko-lokong ito na nakakapanloko po ng ating mga kababayan.

Poe: Opo, meron pong siguradong susunod na pagdinig. Pero gagawin po natin, binibigyan ko po sila ng isang linggo para mag-submit ng kanilang mga position papers. Kapag nasubmit na nila iyan ay pinag-aaralan namin, tapos tatawag po uli kami ng pagdinig dahil ilalagay na namin ang recommendation namin. Ito po yung aking inclination ngayon na sabihin na magkaroon ng isang maayos o unipormeng proseso sa lahat ng bangko kung sakaling may nag-report sa kanila ng pagnanakaw ng kanilang deposito. Kailangang magkaroon din ng proseso kung gaano kabilis ibabalik kahit na panandalian lamang habang nag-iimbestiga ang orihinal na balanse nila bago sila mabiktima. Ito po ang dalawang bagay na napaka-importante para sa akin. Dahil nga sinasabi ko na hindi naman po porke't na mayayaman lang ang may ATM, kadalasan na ang mga ordinaryong mangaggawa ang dumedepende diyan kaya importante na maibalik ang kanilang pera dahil hindi naman makatarungan sa kanila na habang nag-iimbestiga ay hindi nila magamit ang pinag-ipunan nilang pera. Iyon po yung ating inisyal na magiging rekomendasyon.

On moves to shift from magnetic stripe to chip technology in ATMs

Zobel: But of course, ang primordial concern is to stop itong ganitong klaseng operasyon, itong nambibiktima po sa ating mga kababayan. So ano ba ang pangako ng BSP sa inyo mam? Ang chip technology po ba doon sa mga ATM kara-karakang ipag-uutos na po ba iyan? Lahat po ba'y irerecall na iyang mga ATM na dapat palitan na po ng mga tinatawag na mga EMV Chip?

Poe: Alam ko sasabihin ninyo na medyo matagal ito, pero yung mga circular po ng Bangko Sentral sinasabi nila, 2011 magiging compliant lahat. Kasi hindi lahat ng bangko ay malalaki... Siguro binibigyan nila ng pagkakataon na makapag-ipon para matugunan itong requirement na ito. Pangalawa, ang sinasabi din nila at dapat talaga magkaroon ng CCTV, dahil hindi naman lahat ng ATM areas meron.

On beefing up the Anti-Cybercrime unit's capacity to combat fraud

Zobel: Siguro dapat maam lahat may housing na. Ano po sa tingin ninyo? Kasi yung iba talagang nakabulatlat yung ATM eh. Siguro dapat may bahay yung mga ATM para makaiwas sa ganitong klase ng (fraud).

Poe: Minsan naman po, kapag nilagyan ng bahay, dun sila nagtatago. E alam mo naman ang gagaling kasi ng mga talento ng mga ito. Pero yun nga po ang medyo nakakabahala ay ang liit po ng Anti-Cybercrime unit po natin. Parang hindi ko alam kung tama yung pagkakatanda ko parang 20 lang po ata sila at 8 silang nagmomonitor ng mga ito... Pero ang sinasabi ko, kinakailangan ay makaya natin ang hamon ng panahon at teknolohiya. So, lahat po ito ay mas magiging maayos kung paglalaanan natin ng budget. Kaya nga sabi ko sa PNP--dahil ako po'y tumutulong sa kanila sa public order and dangerous drugs--libre namang mangarap. Ilagay ninyo lahat ng kailangan ninyo para mapalakas natin itong unit ninyo at ipaglalaban ko ito sa budget basta lang naman mapunta talaga sa mga equipment at sa mga taong suswelduhan natin na meron talagang kaalaman tungkol diyan.

Zobel: Oo, yung may talent. Alam niyo mam yung mga hacker pinagtatawanan tayo dahil yung mga naghahabol sa kanila, hirap na hirap dahil dapat siguro kasing-galing nila yung atin pong i-hahire sa ganitong klaseng special unit.

Poe: Alam mo, Ginoong Joel, ang dami nating unemployed youth. At iyong mga unemployed youth natin ang gagaling sa Internet at technology. So siguro magkaroon tayo ng ibang mindset at approach na hindi lamang yung stereotype.

Zobel: Yung mga bata ma'am, sana kunin natin.

Poe: Oo kunin natin sila, sayang naman.

Zobel: Tama ma'am, mas maganda po iyan. Anyway ma'am, salamat po sa oras.

Poe: Kayo rin po, salamat muli sa pagkakataon ginoong joel at sa lahat po ng nakikinig. Magandang hapon po.

Zobel: You've always been a great help, ma'am. Thank you.

News Latest News Feed