Press Release
February 21, 2014

Transcription of Interview re: DPWH road project in Palawan

Radyo Singko 92.3 Interview February 21, 2014

Erwin Tulfo (ET): Good morning po, Ma'am Senator Nancy Binay (SNB): Good morning, Sir Erwin, Martin. ET: Ma'am, ito lang po siguro, makuha lang po namin sa inyo at dadalhin namin sa inyong atensyon ito pong construction ng kalsada natin dito po sa Palawan, partikular na lang po dito sa tourist destination na El Nido. I'm sure you have heard of that, Ma'am. Mukhang may problema po dito, Ma'am eh.

Substandard po ang reklamo ng isang board member po ng Palawan, reklamo din po ng ilang residente at ng ilang kaparian doon. Mukhang substandard daw po ang pagkakagawa dahil kakatapos lang eh biyak-biyak na.

Ngayon po ang gumawa nito ay, ironically, blacklisted ng World Bank, Cavite Ideal International Construction Development Corporation. Blacklisted po ito pero ayon po sa DPWH, hindi po ito blacklisted. Ang problema po, baka tama po ang World Bank na i-blacklist po ito dahil kakatapos pa lang ng project nila from Roxas going to Taytay ay biyak-biyak na. Eh yung Taytay to El Nido ay hindi pa po nauumpisahan, Ma'am.

Kumpara sa ginawa po ng Hanjin, which is a Korean construction firm, from Puerto Prinsesa to Roxas eh napakaganda daw. Tapos yung Roxas to Taytay, yung connecting, ay napakapangit naman. Kung ano ang ganda ng kalsadang ginawa ng Hanjin, ganoon naman ka pangit ang ginawa nitong CAVDEAL na ito. Pwede po kaya itong ipasilip.

SNB: Anong taon po kaya nagsimula ang proyekto na iyan?

ET: Actually po, Ma'am, 2010 pa po naumpisahan po ito.

SNB: Ah, talaga pong pagkatapos ng pagkablacklist niya ay naaward na po sa kanya yung proyekto?

ET: Yes, Ma'am. Yun na nga po ang nakakalungkot at iyon po ang sinisigaw ng mga taga-Palawan. Baka sakali pong silipin po ang inyong komite at maari po kayong magpatawag ng imbestigasyon diyan, yung DPWH at itong CAVDEAL na ito kung ano ang nangyayari at bakit substandard kumpara doon sa Korean firm na gumawa, yung Hanjin, eh napakapangit nito. Eh sinabi naman ni Usec. Moma ng DPWH, na narinig ninyo, Ma'am, ay pareho lang naman ang pondo na ginamit diyan.

SNB: So dapat ang quality ay pareho lang.

ET: Opo. Yung 20 million is to one kilometer, ay dapat ganoon din dapat. Eh mukhang hindi po nasusunod at mukhang mas mura itong pagkakagawa ng CAVDEAL, allegedly.

SNB: Alam ninyo, Sir, bukod dito sa pag-iimbistiga tungkol doon sa proyekto na yan eh siguro dapat din imbistigahan ang proseso ang pagblablacklist ng mga kontratista ng DPWH. Kasi katulad nga ng nabanggit ninyo, blacklisted na nga World Bank pero para sa DPWH, hindi po automatic na na-blacklisted ang kontratista na yan ng local projects. Siguro po dapat tignan natin bakit may ganoon polisiya ang DPWH. Bakit parang walang bigat ang findings ng DPWH doon sa mga kontratista na na-blacklist ng, katulad ng World Bank.

ET: Opo, opo. Actually, Ma'am.

SNB: Siguro po, maliban doon sa World Bank, alam naman po ninyo ang iba pang foreign aided na projects like JICA. Siguro, may sarili din silang listahan ng mga blacklisted, siguro it's high time that we compare notes eh. Kung sino yung mga nabla-blacklist nila at sino yung na-blacklist ng DPWH. Or ang tamang term po siguro ay kung sino ang nabla-blacklist ng DPWH.

ET: Ma'am, kung sa dokumento lang daw, mayroon po ang readily available, na siya rin kinukwesiyon ngayon ng Comission on Audit na mga overpriced pa nga yung ginagawa nitong local construction firms natin. Mukhang mas overpriced pa, mas mahal pa kumpara doon sa gawa ng Korean firm eh dapat pala yung Korean firm na lang daw sabi nung mga residente, pati ng isang lokal na opisyal doon. Sana yung Korean firm na lang ang tinap natin para mas sigurado pa. Eh ngayon, nagkaheto-hetot yung proyekto...

But anyway, iyong dokumento po niyan ay mayroon po iyung COA report na kinukwestiyon iyan at ikalawa po maging ang DPWH ay umamin na rin po na may nakita silang mga substandard na areas sa pagkakagawa ng CAVDEAL, pwede po siguro Ma'am masilip bakit ito pa ang napili, ang CAVDEAL na ito na blacklisted na sa World Bank, substandard pa ang trabaho, at ito pang nabigyan pa ng proyekto.

SNB: Oo nga po. Hayaan po ninyo kapag nagkita po kami ni Senator Marcos na aming chairman sa Senate Committee on Public Works ay aming ibringup ko sa kanya ang sitwasyon na ito sa DPWH.

ET: Maraming maraming salamat po, Senadora Nancy Binay.

SNB: Maraming salamat din po.

News Latest News Feed