Press Release
February 13, 2014

Transcript of Sen. Grace Poe's questions during the PDAF Scam
hearing of the Blue Ribbon Committee

Sen. Grace Poe: Thank you Mr. Chair. Kay Benhur, nabanggit mo kasi na isa sa mga trabaho ninyo ay pumunta dun sa mga nagiging conduit para magbawi ang mga komisyon. Isa nga doon ay yung kay Ms. Tuason. Meron pa bang iba na pinuntahan nyo na natatandaan nyo yung pangalan para bumawi ng komisyon?

Benhur Luy: Wala naman po ma'am kasi natutuloy naman po kasi yung transaction. Sa case po kasi ni Ms. Ruby, wala pa po kasi sa eksena si Ma'am Ruby nung mga panahon na yun, tapos hindi ko alam kung ano yung usapan nila noon at ang sabi lang ni madam Napoles ay puntahan lang si Ms Ruby at bawiin .

Poe: So sya lang ang talagang pinuntahan mo para magbawi ng commission?

Luy: Yes, senator. Wala na pong iba kasi iba naman po kasi yung case ni Sir Mat (Ranillo) kasi nagkakausap sila noon.

Poe: So yung sheriff yung pinapunta doon, nabanggit mo? So nakuha naman yung (Ford) E150?

Luy: Opo nakuha po.

Poe: Yung susunod ko naman na tanong ay para kay Ms. Tuason kasi po nabanggit ninyo na dumadaan kayo doon sa senator's entrance po? Kasi po dalawa po kasi ang pwedeng pasukan dito. Nag elevator po ba kayo nung kayo ay pumasok?

Ruby Tuason: Yes ma'am.

Poe: Alam ko na, kasi merong isa na walang elevator. So mahirap buhatin yung pera kung naka roller bag ka, so kung dito ka dumaan sa elevator, marami namang nakakita sa inyo?

Tuason: I presume yes.

Poe: Sino po ang sumundo sa inyo muli? Galing sa office nya (Senator Jinggoy)? Matatandaan nyo naman po kung magpakita ng litrato.

Tuason: Yes, I can.

On Janet Napoles' absence in fertilizer fund scam hearing

Poe: Salamat po. Nabanggit din po ninyo Ms. Tuason na kinulit po kayo ng kinulit ni Napoles dahil nga merong nakabinbin na pagtatanong ukol sa fertilizer fund scam, hindi po ba?

Tuason: Yung involvement niya sa scam, na matatanong sya about her involvement yung kay Jocjoc Volante?

Poe: Opo, alam naman po natin kasi, sa kaalaman po ng nakararami na nag-umpisa yung fertilizer fund scam investigation dahil sa pag-uusig ni Senator Ping noon, dahil nga sa ginamit nga daw yung pondo noon para mandaya noong election yung mga local contacts or official ni Gloria Arroyo. Ngayon ang nangyari kasi doon, Si Napoles, sa aking pag-aalala, February 22, 2006 siya na subpoena ng senado. Hindi mo na alam yung petsa na yan, ang hearing dapat ng fertilizer fund scam ay February 26, pero February 24, si GMA nagkaroon ng mini state of national emergency dahil meron daw alleged coup d'etat pero dahil dito naaresto nga si Danny David at saka meron ngang sinabi doon na dark ages of the senate yun dahil hindi natuloy yung hearing. Gusto ko lang malaman kasi nabanggit nga ni Benhur na marami siyang kakilala na minsan nabanggit ninyo, so sa tingin ninyo ba nakarating na sa Malacañang, o sa tingin ninyo ba yung kanilang paguusap nung representative ni Senator Enrile ang mga maaring naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagtawag kay Janet Napoles para marinig yung kanyang testimonya ukol sa fertilizer fund scam? Kahit sino sa inyo kung sino man ang may alam. Benhur?

Luy: Hindi ko po alam kasi ang sabi nya po sa akin may nakausap na po sya dito sa contact nya dito sa Senate na hindi na sya mag-a-appear sa investigation.

Poe: Pero hindi niya nabanggit sayo kung sino nakausap niya?

Luy: Actually, ma'am sinabi niya po yung kay Sen. Enrile. Tinanong ko nga po kay Ma'am Ruby kung nagkita po talaga sila ni Sen. Enrile tungkol dun sa case ng fertilizer fund scam. Sabi nga po pina-introduce niya si (Atty.) Gigi nga daw po, nangungulit po ang boss ko daw doon kaya po gusto kong malaman kung talaga pong nagkita sila ni Sen. Enrile dito sa Senate. Ang sabi po kasi ni Madame sakin na nakipag-ayos na siya at kinausap daw niya. Eh si Madame nga mahilig talagang magbanggit po talaga at nalalaman na lang po namin na Chief of Staff lang pala ang kausap niya.

Poe: Pero alam mo, maganda rin naman na bineripika mo kung sino yung kausap. Pero alam naman natin na matimbang din ang chief of staff kung paano mo ma-schedule yung mga pagdinig mo, kung ano yung suhestiyon, kung ano ang pwede mong tanungin, so, mahalaga rin at ma-impluwensiya rin. Ngayon, kay Ms. Tuason, isa rin naman sa napapabalita na bago kayo umalis, e mabigat nga ang damdamin ninyo. Nung nandun pa nga kayo sa Amerika parang nag-usap rin kayo ni Sen. Jinggoy. Totoo po ba na humingi rin kayo ng tulong sa kaniya?

On Ruby Tuason coming forward as witness

Tuason: Hindi po ako humingi ng pera. Humingi ako ng tulong...suporta. I want to see how far he would go.

Poe: Ano pong tulong ang sana ninanais niyong ibigay niya?

Tuason: Kung pwede sanang alalayan ako for a lawyer.

Poe: Hindi naman po kayo natulungan hindi ho ba?

Tuason: Hindi.

Poe: Kung sakaling natulungan po kayo halimbawa, sa tingin niyo po ba ay makakaepekto ito sa testimonya ninyo?

Tuason: Kahit na tulungan niya ako, nakapagdesisyon na ako na after a while na I will just get the witness protection program.

Poe: Opo, ma'am naintindihan ko po. Alam naman ninyo nung kayo ay nagpapakilala ng tao. Siguro matagal na ring kalakaran sa gobyerno. Alam ninyo na kahit papano ay may anumalya?

Tuason: Alam niyo po kasi, I sacrificed my values for friendship. Sa tuwing pumupunta ako sa office niya, ang daming tao. Nanghihingi ng pera kesyo may sakit, they're all there for something. He can't get naman all that money kaya I though I'm just doing him a favor that time.

Poe: Salamat po. Yung sa DOJ na lang po. Yung representative ng DOJ. Kasi po yung sinasabi na provisional testimony, di po ba? So kasama po diyan, dahil alam ko na malaking sakripisyo na magsoli ng komisyon. Kasama po ba diyan sa probisyon para maging state witness, paano po ba yung time frame na hinihingi niyo? Kasi po sa tigngin ko kung sakaling magbabayad si Ms. Tuason dito, siya yung pinaka-una o meron po ba kayong nahanap na pinaka-una?

DOJ REP: Good Afternoon Ma'am. I think this would be the first time na may isang participant sa isang offense ng ganitong nature ay magsosoli ng pera.

Poe: So, kasama po ba yan sa probisyon?

DOJ REP: Undertaking na po yan sa amin, yan ho ang ipinangako niya. At yan ho ang isa po sa mga basehan diyan na kinonsider namin kung bakit siya kailangan dapat i-provisionary admit. Ang status po niya ngayon, provisional admission sa witness protection program dahil po hinihingian pa namin ng certificate of materiality ang kaniyang testimonya. Eto pong certificate of materiality ang ini-issue po ng Ombudsman.

Poe: Paki-eksplika po sa aming mga hindi abugado kung ano po ang mga materiality na hinihingi ninyo.

DOJ Rep: Kasi isa po sa mga requirements po para makapasok sa witness protection program ay iyong testimonya po na ibinigay ng isang witness ay material. Ibig sabihin ay may halaga at magagamit sa pag prosecute ng offense na iyon. Mayroon po kami ngayon na preliminary findings, at base dun sa kanyang affidavit, pero considering po, sa ngayon, ang talagang tumututok po sa imbestigasyon ay ang office ng Ombudsman. Nandoon na po ang preliminary investigation sa dalawang kaso. Nandoon na din po ang fact finding office ng Ombudsman so mas maganda po na sila ang magsuri talaga para hindi magkagulo-gulo pa. Kaya sa kanila po namin hihingin na lang ang certificate of materiality na ito. Sila na po ang magsasabi na itong ino-offer na testimony ni Ms. Tuason ay material at magagamit nila sa pagprosecute ng kaso.

On filing of criminal case

Poe: May isa pa po akong tanong, nung unang lumabas po si Ms. Tuason parang nakikita po natin ay kumpiyansa ang liderato na ito'y isang malakas na testimonyang galing sa kanya. Gusto ko lang malaman, kung ganoon, what's the time frame? Kasi diba sinusuri ninyo yan sa Ombudsman bago kayo mag-file ng kaso sa Sandiganbayan. So, dun sa testimonya pala nila Benhur, hindi ba sapat na iyon para kayo ay pumunta noon sa Sandiganbayan? Kasi kung hindi yan sapat at ngayon ay nandyan na yung kay Ms. Tuason. Tinatayang gaano pa ba katagal ang pag-usad ng kaso na ito? Kasi dito sa senado, may mga pagdinig tayo pero ito'y para sa mga batas na ating gagawan para hindi na maulit ito. Subalit, para din sa ating mga kababayan, pasensya na po, alam ko na marami din kayong trabaho. Pero sa bagal ng usad nalalaman na nila kung ano ung progreso ng kaso dahil nga sa senado naririnig din nila. Sa inyo, kelan sa tingin ninyo magkakaroon ?

DoJ Rep: Ma'am ako po ay sa witness protection program, hindi ko po sakop.

Poe: Sino po ang nakakaalam?

DOJ Rep: Sa pagkakaalam ko po dyan sa Ombudsman, mayroon na pong preliminary investigation. Ibig sabihin tinitingnan na po nila kung may probable cause para maisampa yung kaso sa husgado. At itong preliminary investigation po ay nasa stage na po ng filing ng reply. Ang pagkakaalam ko po, ang NBI being the complainant ay humingi ng konting palugit para mag-file ng consolidated reply upang sagutin ang mga counter affidavit na-isumite dun sa Ombudsman po. So bilang abogado po, ang pagkakaalam ko po, pagkatapos ng filing ng reply maaaring pagbigyan ang kabilang partido para mag-file ng rejoinder pero pagkatapos doon ay yung case ay magiging submitted for resolution na. Naka-usap ko rin po yun isa sa mga representatives ng NBI, at ang tantiya po nila ay baka mga Abril o Mayo ay may resulta na. Yun po ay estimate lang pero ang makakapagsabi po talaga niyan ay yung Ombudsman po. Sa parte po namin bilang sa witness protection program, gusto rin po naming mapibilis yung kaso dahil habang nagtatagal po ang testigo, habang nagtatagal po ang kaso ay naiinip din po ang testigo namin at hindi po maganda iyon sa kanila.

Poe: Yun na nga po eh, kung di pa lumabas si Ms. Tuason, dun pa lamang sa salaysay nila Benhur Luy, hindi kayo nakahanap ng sapat na pruweba para ma-iusad na ang kaso? Kasi isa lang yun sa akin, kaya ba tayo naghihintay ng Abril para magkaroon tayo ng desisyon dahil may bago tayong testigo?

DOJ Rep: Ma'am sa pananaw po namin, yun kagaya po ng sinabi ni Secretary (De Lima) kanina, yun mga salaysay po ng mga present whistle blowers namin ay malakas na, pero sa paglabas po ni Ms. Tuason ay mas lalo pong lalakas so sayang naman po yung kanyang affidavit kung hindi po naming ma-isasama.

Poe: O sige po. Basta gusto ko lang klaruhin Ms. Tuason, nabanggit ninyo na 2008 lang naman kayo naging aktibo more or less, na ang punta niyo dito sa senado ay 2008, kasi nga di ninyo matandaan ang eksactong petsa ng pagpunta ninyo. So kung saka-sakaling kinakailangan talaga maghanap ng CCTV footage atleast dun lang tayo sa taon na yun, ganun po ba. At tsaka may session, so sabihin na natin na tatlong beses sa isang lingo, session day. Kasi alam naman po natin na ang session day ay Monday, Tuesday, Wednesday unless may hearing nang Thursday. So within that time lang naman. So yun lamang po, salamat.

News Latest News Feed