Press Release
February 3, 2014

Sen. Grace Poe's questions during the committee hearing on rice smuggling

Sen. Grace Poe: Magandang hapon po, Madam Chair at si secretary (Leila) De Lima at Secretary (Proceso) Alcala. Salamat sa inyong pagdalo at lalo na po sa alkalde ng Davao City, si Mayor Duterte. Salamat po sa pagdalo ninyo ngayon sa aming imbitasyon. Alam naman po ng marami na kayo po ay isang prodaktibo at progresibong alkalde ng Davao at ito po'y sa kadahilanang, katulad nga ng sinabi ninyo, hindi lamang sa pagsasalita kundi marami sa paggawa at siguro very frustrating at nakakapanlumo pag ang demokrasya mismo ang naggiging balakid sa ating pagsulong ng mga reporma. Subalit syempre may mga protesta rin tayong dapat sundin dahil nga sapagkat napakahirap din minsan may nahuhuli ka na pero kung hindi naman sapat ang ebidensya, nasasayang din. Ang tanong ko po sainyo dahil po kayo mismo ang tinanong ng ating BIR commissioner na tukuyin ang mga rice smugglers dun po sa lugar ninyo. Marahil hindi lamang sa pagtukoy. Ano po ang nakikita niyong mga nagiging problema o balakid kaya tuloy-tuloy parin ang smuggling. Ano po ang suhestiyon ninyo, dahil nga sabi ninyo hindi na natin kailangan ng batas, ang kailangan natin ay enforcement. Ano po ang nakikita ninyo, ginagamit ba ang mga papeles na ipinapakita sa inyo para makalusot sila? Ano ang pwede nating gawin para mapahuli natin sila agad?

Mayor Rodrigo Duterte: Your honor I'd like to.....for the identity of David Tan/Davidson Bangayan, everybody knows him .... Kung sino ang may gusto na mag-import, go to David Tan. Siya yung may linya sa customs, siya lang yung may linya sa lahat, siya yung lapitan talaga, for those who want to import rice will have to go to him. Siya yung may hawak. Kaya nga palaging pangalan niya yung lumalabas, David Tan, David Tan, there are three David Tan, it's all in one..... if you want to go to business, sa bigas and you want a simplified procedure you go to him, may bayad ka. He might use a thousand names, he's still out doing business, committing the crimes of rice smuggling as David Tan. So he focused on David Tan. If I were to investigate, I would not really mind if he's one and the same person. I would just focus on him.... Everybody knows that using an alias is not allowed by law... Kami, we live in the southernmost part of the city pero dito sa Maynila, alam ng lahat na siya yan. At sinong gustong mag-import, pupunta sa kanya. Siya kasi ang naka-establish ng linya sa lahat ng ports. It could be Davao, it could be Cebu, Cagayan, Manila and sometimes, Batangas.

Poe: Sa muli po Madam chairman, ano po ba ang suhestion ninyo, Mayor? Dahil nga nakita ninyo lahat yan, pero nakatali ang kamay ninyo dahil nga sabi ninyo may mga permits naman sila, ano po ang pwede nating gawin para masugpo iyan?

Duterte: Yes, your honor, give back the power to import solely sa NFA. Kasi yang permit yan yung nagfafarm-out. Pinagbibili yan ma'am. Give back the power to import sa NFA. Kasi yung permit-permit, diyan nag-fafarm-out eh. Pinagbibili yan ma'am, pagbili may pera yan. Bibilhin nila, may pera yan. Hanggang kailan ganito? Bibilhin niya (referring to Mr. David Tan), i-import siya using that permit. Eto namang mga farmer na Filipino, pupunta sa kanya, luluhod sa kanya, kasi siya ang financer. How can we import rice with the farmer's cooperative?

Poe: Salamat po at napaka-importante po ng sinabi ninyo na siguro NFA na lang, dahil yan din po ang tinanong ng ating Senador JV. Mas mapapadali yung trabaho ng Bureau of Customs kung saka-sakali. Ngayon, may nabanggit kayong intelligence na ginagamit niyo. Alam ko meron po kayong supporta ng 26 grace cooperative rice *data sa Davao. Napaka-importante na nasa iyo ang tiwala nila. Yung ginagamit po ba niyong intelligence na nabanggit ninyo kung saan nagbigay ng larawan ni Davidson Bangayan/David Tan, ito ba ay privately hired, ito ba'y mga customs intelligence or local government intelligence?

Duterte: Military and police intelligence.

Poe: Napaka-importante ang source ng intelligence, at kung kayo ay may source ng ganun, dapat talaga yung ating mga government agencies magkaroon ng ganyan na mapagkakatiwalaan. Ngayon sa huli na lang po, ipapaalala ko lang sa ating secretary na hinihingi po natin ang listahan ng mga NGO, kasi chineck lang namin ngayon, hindi po nakarating ang mga listahan, siguro po nagkamali lang ng pag-deliver. Yun lamang po, maraming salamat.

News Latest News Feed