Press Release
January 29, 2014

SPEECH OF SENATOR GRACE POE
Destruction of Dangerous Drugs
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
29 January 2014 (Wednesday)
Brgy. Aguado, Trece Martirez, Cavite

Labis ko pong ikinatutuwa na nandito ako ngayon para saksihan ang destruksyon ng mga ilegal na droga na nasamsam. This is my first time to witness such an event, and I am sure that this is not going to be my last.

Sabi sa akin ni Director General Cacdac, 238 kilos of assorted drugs will be incinerated this morning with an estimated street value of 643 million pesos. Talagang nakakamangha kung iisipin ninyo. Imaginin ninyo kung ilan ang mapapakain sa ganyang halaga at isipin din ninyo kung ilang pamilya ang nagulo kung sakaling iyan ay nabenta. Ilang nanay at mga anak ang nag-away. Ilan ang nanakawan ng ari-arian. At higit sa lahat ilan ang krimen na nasugpo dahil nakuha ng ating PDEA, kapulisan at NBI ang mga drugs na ito. Ito ay isang simbolo ng pagwawagi nila sa serbisyo. Marahil hindi perpekto ang ating sistema pero hindi natin pwedeng maniin ang ganyang klaseng serbisyo.

For this significant victory, I salute the men and women of PDEA. Palakpakan po natin ang ating mga sarili! Saludo po ako sa inyo! Congratulations for a job well done and more power to PDEA.

As Chair of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs in the Senate, I am in constant coordination with your Director-General. Tinanong ko po si USec. Cacdac kung anu-ano pa ang kailangan ng PDEA upang lalo nating mapa-igting ang kampanya laban sa bawal na gamot, at heto po ang mga hiniling niya sa akin at tutulungan po natin:

1. Amendahan ang Anti-Wiretapping Law (RA 4200) to include not only terrorists but also suspected drug lords under court-sanctioned wire-tapping; sapagkat po kahit sa amerika pinapayagan po ang wire tapping kapag involved po ang drugs at 80% ng wire tapping results ay tungkol sa drug transaction.

2. Amendahan ang "Two-Witness Rule" ng Dangerous Drugs Act (RA 9165) para naman hindi ganun kahirap bumuo ng partido na sasaksi sa isang bagay na gagawin nila. Kasi minsan magtatawag ka pa, yung impormasyon ay kumakalat na. Isa yan sa ating susuportahan;

3. Bigyan ng "Hazard Pay" ang lahat ng PDEA agents at taasan ang "Reward Money" sa mga informers / tipsters ng PDEA. Kahit informer ng mga pulis, kailangan din nating taasan ang reward money. Kung ang kinikita ninyo ay magkano lang at ang nasa harapan ninyo ay milyon, napakalaki talaga ng temptasyon. Dapat naman may kaukulang reward sa kanila for a job well done;

4. Last, hiningi rin ni USec. Cacdac na payagan ang PDEA na gamitin ang kanyang Regulatory Fee Income.

I am all for providing all the financial needs for you to be able to do your part. Hindi ko po maipapangako na maibibigay ito agad-agad. Pero sinisikap ko po na ito ay gawing prioridad at lalo na ako ay namumuno ng public order committee. Pag nagsubmit kayo ng position paper, ang kasunod ay committee report. Gagawin na namin ang dalawang hearing tapos committee report dahil matagal naman nang pinag-uusapan ang bagay na ito, hindi na kailangang patagalin pa.

By way of closing, I would like to inform you that I am planning to file a resolution in the Senate calling for an investigation into the Siniloa Drug Cartel. I think it is very important that we conduct a public hearing on this in order to generate media attention and generate public support for our fight against illegal drugs. Hindi para ibigay ang ating stratehiya pero para ipaalam sa ating kababayan na may ganitong banta sa ating bansa.

I believe that it would be beneficial for our cause to discuss this in a televised public hearing, so that our people will be alerted about this notorious international drug ring arriving in our shores.

Nanggaling po ako sa isang conference sa Mexico para sa Asia-Pacific Parliamentary Forum. Ang aking natutunan ay ang mga bansa sa Asia Pacific pareho rin ng problema, tumataas din ang problema nila sa droga. Hindi ito problema lamang ng gobyerno natin, problema ito ng maraming bansa at isang sinabi nila, dapat mapag-aralan natin ang teknolohiya kung paano ginagamit ng drug syndicates ang cyberspace. Kaya mga kababayan, hindi po tayo nag-iisa sa problemang ito. Sa araw na ito, maraming salamat po sa nag-ambag ng kanilang tulong para ito ay maging posible. Ipaglalaban na ang reward money ninyo para sa informers ay lalo pang tumaas. Again, congratulations to all of you and more power to PDEA!

News Latest News Feed