Press Release
January 4, 2014

DZRH INTERVIEW WITH SEN. GRACE POE
Barangay RH hosted by Mr. Nino Padilla and Atty. Rhina Seco

Mr. Nino Padilla: Magandang Gabi po Senator

Atty. Rhina Seco: Senator

Sen. Grace Poe: Magandang gabi Nino and Magandang gabi Rhina at sa lahat ng nakikinig ng Barangay RH

Nino: Senator, kamusta naman po ang mga unang anim na buwan diyan sa Senado?

Sen. Poe: Naku ang nararamadaman ko ay parang ilang taon na kami diyan kasi po sa totoo lang nung umpisa sabi namin, it could be the best of times or it could be the worst of times, totoo po yun. Siyempre malungkot po yung mga pangyayari, yung mga kakilala mo mga kasama mo nasasangkot sa mga ano anong anumalya, gayunpaman pagkakataon din natin ngayon na sana magkaroon ng tunay na pagbabago para hindi maulit ang mga bagay na ganyan... Kaya nga sinusulong po natin ang Freedom of Information, kasi nga yun ang una nating sandata para malaman kung ano ang nagyayari.

Rhina: Senator Grace Poe kami po ay sumusuporta sa inyo pong isinusulong. Isa po sa inyong isinusulong ay ang pagpataw ng mataas na kaparusahan sa paggamit ng firearms indiscriminately?

Sen. Poe: Totoo po yan, suporta po ako sa ganyang panukala. Ganito po yun Ms. Rhina, ang tatay ko alam niyo naman ay mahilig sa baril, maraming koneksyon sa baril, pero lumalaki pa lang ako katulad ng may mga eksena sa kanyang pelikula na may mga bata, sinasabi niya na ang baril ay hindi pinaglalaruan, ang baril ay pwede mong kaibigan pero masama mong kaaway. Alam mo ang nakakalungkot talaga dito sa indiscriminate firing, ibig sabihin paputok lang nang paputok yung mga taong ganyan, para sa akin hindi lang makitid at walang pakundangan sa iba at napakasama. Kung ano man ang ibinaril mo pataas, bababa talaga yan, with as much force. Kaya nga yun nangyari sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, di po ba sinasabi ng pulis dun na kung yan ay tumama sa bubong ng bahay na yan malamang wala pang 100 meters ang layo ng taong nag paputok niyan. Kaya lang tama ang sinabi mo Nino na paano kung itinago ang baril, napakahirap. Katawa-tawa ang ating Revised Penal Code ngayon sapagkat meron nga doong panukala for the illegal discharge of firearms pero 30 days lamang ang pag kakulong dito. So sinasabi natin na dapat ma-amyendahan para masama ang indiscriminate use of firearms at siguro naman wala namang matatakot kung 30 days lang ang pagkakulong, dapat naman siguro taon ang bibilangin para naman mangilag-ngilag ang iba diyan. Nakakalungkot na marami tayong pulis na responsable, pero marami rin tayo na pag nakakainom, nawawalan ng control sa sarili.

Nino: Ma'am yun po sa sinasabi niyo kanina, Iba po ang parusa doon sa civilian na pagpaputok doon sa uniformed personnel?

Sen. Poe: Alam niyo po sa ngayon wala namang pagkakaiba pagdating dito sa ating Revised Penal Code sa pagkakaintindi ko. Kaya lang may mga administrative cases pag ikaw ay uniformed personnel, maliban doon sa Revised Penal Code pwede pang magpataw ng iba sa PNP halimbawa.

Rhina: Administratibo?

Sen. Poe: Opo pwede din na administrative case, pwede rin na madismiss ka. Pero yun nga po ang dapat na maging klaro para madaling maipatupad ang isang batas kasi mahirap kung ang gulo-gulo ng batas, hindi maayos ang pagkakasulat. Sabi nila indiscriminate firing, ano ang ibig sabihin nun? Ibig sabihin ba nun na pag nagpaputok ka kahit saan na wala kang permit, kailangan ba may permit ka para magpaputok ka? May designated areas ba? Lahat yan ay dapat pinaplantsa nang mabuti dahil kung hindi, subject for interpretation.

Rhina: Magkakaroon ng confusion naman.

Nino: Itong Revised Penal Code 1930 pa ito, dapat iyan ay irevise lahat.

Rhina: Oo, Senator Grace Poe pwede ho ba kahit ako na ang tumulong sa inyo, pwede ho ba? Aamyendahan niyo po ba itong probisyon ng concubinage and adultery pero separate topic po yun.

Nino: Kasi daw dati ang mga mambabatas ay karamihan lalaki, pagdating sa adultery mukhang pabor sa mga lalaki.

Rhina: Actually Senator sa ating Revised Penal Code kapag ang lalaki ay nagkaanak sa ibang babae at hindi sa kanyang misis ay hindi yun sapat na ebidensiya sa kasong concubinage dahil mayroon tatlong instance lamang pwedeng parusahan ang lalaki sa pangangaliwa.

Sen. Poe: Hindi pa nga ako nagagawi sa ganun, ang totoo lang ay kompanyera naman kayo so kaya niyong ayusin ang pagbibigay ng proposal ninyo. Alam niyo ang magiging kakaiba dito sa mga batas na ipinapasa noon yun sinasabing social media natin nagbibigay ng saloobin ngayon. Ang mga ordinaryong mamayan mas nababantayan ang ating kongreso. Hindi katulad noon, siyempre yung media hindi naman lahat bumibili ng diyaryo, so hindi masyadong active ang participation. Ang daming babaeng nagtratrabaho ngayon meron silang sariling karera, may kakayahanan tumindig sa sariling paa. Di ko naman sinasabi na di kailangan ng lalaki sapagkat malaki ang utang na loob ko sa aking asawa.

Rhina: Pagkapantay-pantay po lamang.

Nino: I object.

(laughs)

Rhina: Senator Grace, ako ay more than willing makipag tulungan sa inyo.

Sen. Poe: Naku maraming salamat po ma'am, malaking bagay po yan.

News Latest News Feed