Press Release
November 28, 2013

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero in the Senate

On the approval of the supplemental budget

Inaprub ng komite yung P14.6 billion supplemental budget, hindi ito lump-sum amount na bahala na sila, iaallocate namin ito per department, specificially sa QRF ng kada departamento. Yung remaining balance pagkatapos non kung magkamo man ang kailangan nila ay sa calamity fund. Pinapa-identify namin yung QRF dahil ang QRF ang designation at definition ng pondong yon immediate need. Halimbawa sa DPWH critical infrastructure , sa DOE critical na mga linya, sa DOH potential for an epidemic don sa mga areas concerned and so on and so forth. This will address the immediate needs in the area.

Bakit wala pa ang DOH at DOTC na QRF?

Wala, dinagdag pa lamang namin yon sa 2014 budget at dito sa supplemental budget kini-create na rin namin yon.

Ano yung mga meron?

DPWH, DSWD, DOE, DA, walang DENR, DTI wala, DOF wala. DepEd meron, may QRF ang DepEd. So lima plus two, yung DOH at DOTC. At inaprubahan na rin namin yung resolusyon na nagpapalawig sa effectivity ng 2013 budget para yung available appropriation in the form of savings or otherwise ay magamit pa at may effectivity pa pero limitado lamang sa calamity at calamity-related programs and projects.

Lahat ng savings effective hanggang 2014, December 31?

Dahil under existing budget valid lang siya hanggang December 31, 2013. So in-extend namin hanggang December 31, 2014 but only for calamity-related expenditures and projects.

Magkano sir yung nakikita nating savings?

According to Secretary Abad as of now hindi pa naman tapos yung taon, so as of the end of October, that's the beginning of the last quarter, P12 billion, (coming from) various agencies. Yung mga projects na hindi napatupad, this is on top of the P14.6 billion na ini-strike down ng Supreme Court. Mga projects na hindi napatupad, nagbid ng project na ang indicative amount mas mataas kaysa doon sa awarded project, mga counterpart sa pondo na hindi natuloy yung project o hindi dumating yung foreign-assisted counterpart, doon nanggagaling yung savings.

Anong tamang term dito since savings sya, irerealign sya to all calamity-related projects?

Ire-realign yan, not to calamity-related projects but two items in the 2013 budget, namely the QRFs of the various agencies and the calamity fund of the President.

Yung P5.66 billion na sinabi ni Secretary Abad para sa ayan?

Initialy para sa QRFs at yung balance sa calamity fund, pero tinanong ko nga siya dahil ang alam ko mas gusto nila na mas malaki yung QRF, so we will await the amount because as you know also pag calamity fund, dahil disaster risk reduction fund yan, kalilangan may approved resolution ng NDRRMC bago magastusan yung project, unlike QRF mas mabilis, kaya nga Q, quick, mas mabilis makakagalaw yung mga ahensiya.

Saan manggagaling yung P5.6?

Doon sa P14.6 billion. Carved out from the P14.6 billion.

May sinasabing transparency na provision...

Meron kaming nilagay na mga probisyon sa 2014 national budget na ilalagay din namin don sa supplemental budget dahil wala yon sa 2013. Number one reportorial requirement sa parte ng DBM, ng agency na mag-iimplement nong pondo sa pamamagitan ng pagpost sa website nila. Number two report sa Kongreso at COA. Number three probisyon na isasailalim yan sa Section 35 ng Revised Administrative Code kung saan kailangang ibigay nila yung specific utilization at programs nong item na paggagamitan nila dahil lump sum ang pagkakaallocate namin at pang-apat probisyon na naglalagay at nakalagay na maximum ang penalty na iimpose sa sinumang magmi-misuse ng pondo as provided for in the Revised Penal Code, the anti-graft law and the plunder law.

DBM will be the one to report?

DBM, the agency, in the website, and they will report to Congress and to COA.

Comment nyo lang sa pagreport ng NDRRMC sa situation

Well NDRRMC man o DSWD nakakafrustrate, naiintindihan kp kungbakit napufrastate din siguro o umiinit ang ulo ni Pangulong Aquino sa ilang mga pagpupulong nila. Wala silang standard definition ng mga bagay-bagay, kumbaga miles ang usapan, biglang magigign kilometers; kumbaga pounds biglang magiging kilo. Yung definition na lamang nila ng affected persons, sabi nila nong una ito raw yung walang kuryente at tubig, 13 million naging 9 million biglang umakyat uli ng 10 million so yung sinasabing nila yung dating may tubig na sana na wala pa, yung dating may kuryente na sana na wala pa. And then they had to say na babalikan kami kung bakit ganoon. DSWD we asked them too, bakit two days lang yugn relief packs, bakit hindi three days, bakit hindi five days? Bakit anim na kilo, bakit apat na lata ng sardinas, bakit apat na lata ng karne norte, walong kape at kung ilang noodle? Yan ba ay base sa pangangailangan nong biktima o base sa kung anong meron tayo. Dahil nong mga sinaunang panahon at tinitingnan natin sa relief packs na as early as 30 years ago ay ano yung average daily nutrient requirement ng tao. Ito ni hindi yata kinonsidera yon, kaya nga nong tinanong ko, paano mo hahatiin yung nasa isang bag na yan sa anim na meals. Doon pa lang sila magko-compute di ba dapat sana alam natin, ito ang ibinibigay natin dahil ganito. Dahil sabihin nila ito lang kasi ang meron, dahil ito yung pangangailangan para mabigyan ng tamang sustansiya ang isang pamilya of five. I would have expected more. May gastos daw yung logistics, mas mahal daw dahil yung cost na sinasabi nila sa akin ay P380 kada bag which is good for a family of not more than five for two days. So kung P380 yon ayon kay secretary Abad may malaking component pa ng gastos yung logistical delivery, dahil yung presyong P380 delivered yon dito sa Metro Manila, so kung ipapadala mo pa ron sa affected province, ipapadala mo pa sa affected municipality, ipapadala mo pa sa affected barangay, may logistic cost yon, kaya ang tanong na naman so bakit two days, bakit hindi three days, mabigat pag one month, pag one week mabigat. So ano yung tama, perfect, na pinag-aralan na pinaka cost efficient na laman yung bag para nababalanse natin lahat yon, yung bigat, yung logistic cost at yung delivery cost at yung pangangailangan, dahil ang lalabas nito kung two days lang yung nirerepack natin, every two kailanagng pumila, every two days kailangang magdeliver.

This somehow worry you na parang walang plano yung pinaggagawa nialng relief operations?

It's both frustrating at nakakaalala, sino ba naman ang hindi mag-aalala, so it now begs the question and would be asked of course na rin, pagsinabing served ano bang ibig sabihin non, nabigyan na yung mga tao sa munisipyong iyon, ng an, ng for two days? It's been nearly a month. Ibig sabihin ba non continuous na ng pagserved tuloy-tuloy na yon every two days nabibigyan, hindi naming makuha yung sagot don.

Sino sir ang dapat maging in-charged don?

We required in the performance indicator at agency output ng NDRRMC, OCD, lahat ng ito. Sana matagal nang nagawa, 20 years or 30 years ago pa, pero ngayon pa lamang namin hinihiling, kamukha nang sabi ni Senate President Drilon, ano ba ang depinisyon ng lahat nang pinagsasabi ninyo, ano ba ang ibig sabihin ng storm surge, ano ba ang ibig sabihin ng signal number one, ano ba ang aibig sabihin ng signal number four? Ano ba ang ibig sabihin ng technical description mo ng mga ginagamit nating terminologies? Ano ba ang ibig sabihin ng displaced? Ano ba ang ibig sabihin ng affected? Ano ba ang ibig sabihin ng disastrous? Ano ba ang ibig sabihin ng not so disastrous? Ano bang classification kung meron man natin sa kada area na tinatamaan ng kalamidad

After this ano na ang next, approved na dito?

Approved in principle because we have to await the submission of the House of Representatives because this is an appropriation measure, so it must emanate from the House. Naghahanda lamang kami para pagsinumite sa amin nakahanda na kami, at kung aprubahan nila yan ng Martes, we can approve it on Tuesday afternoon, too, or at the latest Wednesday afternoon, para magamit na ang mga perang ito para sa pangangailangang pinag-uusapan natin.

As a long term solution do you think it's high time para yung sa separate agency...

Hindi kailangan ng separate agency pa rin dahil kakailanganin mo yung tulong at assets ng ibat-ibang ahensiya. Sa pananaw ko, dahil kung magki-create ka ng separate agency for disaster response, eh di dapat may sarili silang C-000000130, may sarili silang truck, may sarili silang barko, may sarili silang relief and aid workers and rescue workers. Hindi naman kinakailangan ng ganoon, pwede mong bunutin yung rescue workers mula sa iba't-ibang ahensiya, gamitin mo yung assets ng iba't-ibang ahensiya. This' done in order to maximize all available resources from all departments, dahil kung iisang departamento lang yan makikiusap pa rin siya sa ibang ahensiya, anong poder nya eh counterpart lang nya yon, kaya nga may chairman, may vice chairman, may head, at may mas mababa, para at least lahat ng resources mulat sa iba't-ibang ahensiya mamamaster nya para maka-address ng anumang disaster o pangangailangan.

When it comes to accountability sir sino yung pwedeng ituro na isang tao lang na accountable?

Para sa akin ang mas importante may resources tayong kailangan para ma-address yung disaster kaysa sa manisi tayo kung sino ang may kasalanan. Kahit kanina, I'm not engaging in a blame game. As I've said I'm only frustrated at pinupukpok ko sana sila na magkaroon ng mas maayos na paraan. Hindo ko sila sinisisi, sabi ko nga okay lang kung supply-driven kaya ganyan, okay lang din kung demand-driven but tell us, we want to know. It's not my objective nor point, at any point in time na manisi, pero hanapan natin ng paraan kung paano natin mapapabuti yung sistema.

Sa bangayan sir ng kapwa nyo senador...

Well nakakalungkot syempre yon na dumadating sa level na yon sa kabila ng mga problemang kinakaharap natin, syempre hindi natin maiiwasan, tao pa rin, may nasasaktan, may nananakit, at kailangang ilabas yon. Nakakalungkot lang na kung bakit kailangang humantong at dumating sa puntong yon para sa magkabilang panig.

Should the senate leadership step in at some point to end this?

I leave it to the senate leadership, both the senate president, the pro tem and the majority leader, pero karapatan kasi ng kada miyembro na magsalita sa kung anong bagay. Pagpinigilan mo kasing magsalita para sa isang bagay baka sa susunod sa ibang bagay naman, susunod ibang bagay naman at wala nang magsasalita. At the end of the day, each one is accountable, each one is responsible for whatever he will say or not say, do or not do in the plenary and as a member of the chamber.

News Latest News Feed