Press Release
November 26, 2013

Transcript of interview after the approval of the budget

Sir paanong nangyaring na-approve yung second at third, at magkano?

Mya tradisyon namang sinusunod ang senado, gayundin ang Kongreso kaugnay nang pag-approve tulad nyan lalong-lalo na kung hinahabol na maaprubahan ang budget, partikular para makapag-allocate ng pondo sa mga tinamaan ng ilang mga kalamidad na tumama sa ating bansa, sa katunayan ang 2014 budget as approved by the Senate may pinapanukalang P100 billion reconstruction and rehabilitation program para sa tinamaan ng iba't-ibang kalamidad na pinagdaanan ng ating bansa at ng ating mga kababayan; P20 billion mula sa programmed funds at P80 billion mula sa unprogrammed funds .

Sir magkano yung inapproved?

Ang inaprroved namin as proposed P2.268 trillion minus P3.2 billion, itoý katumbas don sa PDAF ng 15 senador at Office of the Vice President as originally proposed in the NEP, in the National Expenditure Program, net of that yung inapproved namin na budget para sa 2014.

Ano yung assurance na walang mga insertion...

In fact we have reviewed the budget and we have stated on the floor that we will introduce amendments and we asked authority to introduce amendments to make the budget compliant with the recent Supreme Court decision on PDAF and on the participation of the legislators, in particular tatlong provision ang nakita namin, una yung sa school building program, pangalawa don sa excise tax, pangatlo don sa coco funds na may nakalagay na consent of prior approval ng Kongreso o ng kongresista bago marelease ang pondo.

Pagdating sa bicam sa tingin nyo mahihirapan, marami bang mga disagreeing provisions?

Malaki ang pagbabago ng budget as approved by the senate kumpara sa inaprubahan ng House, pero yung malaking portion ng pagbabago, yung P100 billion rehabilitation at reconstruction fund sa pananaw at palagay ko naman ay hindi ito tututulan ng House of Representatives dahil alam, tanggap at kinikilala naman nila na ito ay kinakailangan para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa taong ito.

Ano yung pangyayari doon sa sinasabing ipinark lang ng House sa mga agencies?

Sa decision naming sa caucus, ginalang ang alokasyon ng Kamara kaugnay non at ang alokasyon ng kada senador kaugnay din sa original PDAF na tinanggal na nga, kaya nga may net deduction yung budget na P3.2 billion mula sa senado. Sa parte ng Kamara hindi pa rin PDAF yon dahil kung mapapansin ninyo, wala na lahat ng probisyon na nagbibigay ng partisipasyon ng isang mamababatas kaugnay sa implementasyon ng mga proyektong pinark don sa mga ahensiyang yon sa pamamagitan ng lump sums. Additionally nirequire namin sa senado na naunang lump sum, kabilang ito, kailangan ay magbigay sila ng separate budget sa DBM para nakita yung itemized utilization. Pangalawa kinakailangang magsubmit sila ng report sa COA, sa Kongreso, sa House of Representatives at sa senado ibig sabihin at i-post nong ahensiya sa website yung availment ng lump-sum items na nakalagay sa ahensiya nila.

Yung sa Lower House, ni-line item nila sa agencies?

Hindi, naka-lump sum yon kaya nga may special provisions kami kaugnay ng pag-utilize nong lump sum kabilang yon, para makikita pa rin natin yung line-item utilization after we approved the budget without the participation of the legislators.

But you're allowed to identify before...

Paano nila ia-identify kung hindi naka-line item. Unless i-line item nila sa bicam which I do not know.

Anong items doon sa program funds and anong program funds ang nagalaw para naka-form ng 100?

Sa program funds, ang 20 billion karamihan doon ay kinuha mula sa MPBF. Ang detalye isusumite naming sa plenary pag natapos namin ang amendments. Ang 80 billion ang pinagkunan niyon ay ang support to infrastructure projects, ang risk management, at debt management funds ng administrasyon para makabuo kami ng 80 billion pesos base sa hearing na ginawa ng Senado. Hindi naman kinakailangan at pwedeng kaltasin ang mga pondong iyon para makabuo kami ng ganito kalaki na amount na equivalent roughly kulang pa nga sa damage na tinamo natin nitong nakaraang lingo at buwan.

Before the bicam magsasubmit ang NDRMC ng assessment. Possible pa bang magbago?

Iyon ang hinihintay ng...magbabago siguro ang allocation into the different departments. Indicative amounts pa lamang ang nilagay namin doon based on the initial reports. Pwedeng magka-reallocation within the 80 billion in the various departments. Pero iyong amount na 80 billion iyon na ang isususmite namin sa bicam.

Io-open ba to the public ang bicam?

Yes. Sinabi ko na iyon. Ang bicam namin ay Lunes o Martes depende kung kelan naming matapos ang amendments at pagpasya kaugnay ng amendments. But tentatively we have set it Monday.

When will it start?

Hopefully Monday or Tuesday.

Saan gagawin?

Dito sa Senado.

Ah talaga. E dib a walang pasok ng Monday dito?

Meron pero pwede naman kaming mag-bicameral conference committee dito at kung abutan ang plenary at session hihingi kami ng permiso sa plenaryo na payagan kami na ipagpatuloy ang committee hearing.

Sir, Pasay City Day sa Monday. Holiday dito.

Ah, holiday dito? Nge.

Pumayag ang House contingent na open to the public?

Kausap ko sila. Oo.

Sino nga ang sa majority noong nag-bicam kayo?

Ang members ng bicam panel on the part of the majority ay, maliban sa akin, Sen. Cayetano, Sen. Recto, Sen. Legarda, Sen. Guingona, at Sen. Osmeña. Sa parte ng minority sina Sen. Sotto at Sen. Estrada.

So by Thursday sisimulan nyo na ang sa supplemental?

Thursday maghi-hearing kami sa supplemental budget na 14.6 billion pesos pero ayon sa Kamara baka maaprubahan nila ang mga version nila Monday or Tuesday pa at kailangan naming antayin iyon bago kami makapag-submit ng committee report. So siguro earliest na makaka-submit kami ng committee report on the supplemental budget for plenary debate will be on Tuesday or Wednesday next week.

Sa isa-submit sa inyong individual amendments, ilan ang sa tingin nyo maa-accept, ilang ang mare-reject?

Karamihan naman medyo alam ko na ang amendment na ipo-propose nila base sa interpellations at interventions nila sa komite at sa plenary. Halos alam naman naming ang tatanggapin naming. Ang amounts lang siguro ang magiging variable at ia-adjust dahil syempre kailangan naming sundin ang maximum na itinalaga na prinopose ng Pangulo na budget. Hindi kami pwedeng lumampas doon. So ang item pwedeng ma-create. Wala akong nakikitang problema doon. Ang amount lang ang magiging variable. Hindi siguro maibibigay lahat ng kahilingan dahil sa maximum amounts at limitations na naka-impose sa Kongreso kaugnay sa pagbabawal increasan ang budget mula doon sa prinopose ng Pangulo.

Kung maibibigay ang amendments ng 5pm, kailan ninyo siya balak ilabas?

Hopefully by Thursday.

Sir, kunwari may isang senador na ayaw nya yung centain amendment? Wala na?

Bicam. Pwedeng mag-adjust sa bicam.

First time bang ginawa na ganyan na lang yung individual amendment? Submission nalang?

Hindi naman. May si-nite na precedent ang majority leader kanina na isinagawa ng Senado noong 1992 at ako dahil galing ako sa Kamara, ginagawa namin ito sa Kamara palagi, kung saan ino-authorize yung committee chair or yung committee na pagpasyahan yung proposed individual amendments para makahabol sa panahon lalo na kung gahol na.

Gahol na ba talaga sir? Meron pang hanggang Dec. 20 yung Congress. Or certified urgent sya?

Meron kasi kaming one week para i-print at least, makapal yung libro. Lalo na nakadetalye yung sa House of Representatives. We need one week to print it, proofread it before, print it, proofread it after. And you have to understand even if we'll end on the 20th we can't give it to the President on the 20th. He still has to read it too to decide on which items he will use his line item veto. So inaasahan namin na mabigyan man lamang ang Pangulo ng 15 araw minimum para ma-review nya yung budget, para mapirmahan nya within the year at nang hindi tayo reenacted budget maski na unang araw o unang linggo ng darating na taon.

Sir bakit hanggang 20B lang yung sa programmed fund , kasi diba pag unprogrammed subject to the availability of funds, Tama po ba?

Hindi. May ii-insert kami na special provision na ang sinasaad, yung unprogrammed funds maliban sa excess sa revenue targets pwede ring mapondohan from savings mula sa programmed funds at borrowings, dahil kung maaalala ninyo nagsimula na ang pledging sessions ng world bank kaugnay sa pondong pang rehabilitate at construct ng mga nasira ng nagdaang bagyo. Ang initial fund nila ay $1-B, ang kanilang sinimula, baka lumaki pa. So ino-authorize namin ang administrasyon na pondohan yung unprogrammed funds maliban dun sa excess and revenue targets dun sa dalawa pang sources--savings and borrowings. At least ito yung pagpupuntahan ng savings nakadeklara na at nakalista sa unprogrammed hindi tulad nung savings na nagagamit sa mga proyekto na ni hindi natin alam kung ano.

News Latest News Feed