Press Release
November 9, 2013

STATEMENT OF SENATOR NANCY BINAY ON SUPER TYPHOON YOLANDA

Muling sinubok ang ating katatagan at pagkakaisa bilang isang bansa ng Super Typhoon Yolanda. Sa tulong ng maagang paghahanda at paglikas ng mga posibleng maapektuhan, nabawasan ang dapat sanang napakalaking pinsala sa ating mga kababayan.

Patuloy po ang pag-oorganisa ng relief operations sa mga apektadong lugar, partikular na sa Central Visayas - Cebu at Bohol - na muli pa lamang bumabangon sa nakalipas na kalamidad na tumama sa nga lugar na ito.

Patuloy tayong manalangin sa Panginoon na sa kabila ng mga sakuna, mayroon pa ring naghihintay na pag-asa at bigyan pa tayo ng sapat na lakas na malampasan ang lahat ng nagdaang mga pagsubok at yaong mga darating pa.

News Latest News Feed