Press Release
November 8, 2013

"Umagang kay ganda" transcript of interview with Sen. Chiz

Interview with Sen. Francis Guevara Escudero (FGE)

Program: Umagang Kay Ganda Anchors: Anthony Taberna & Bernadette Sembrano

-Mga Senador, hindi napiga si Janet Napoles na aminin kung sinu-sino ang mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam -

TABERNA: Senator Chiz, umagang kay ganda sa inyo!

FGE: Magandang umaga din po sa inyong lahat!

TABERNA: Bakit po hindi napiga ng Senado si Janet Napoles? Bakit hindi niyo napakanta , sino po ang nagkulang, o magaling lang po talaga si Napoles?

FGE: Unang una, magaling talaga si Napoles, hindi naman niya magagawa yun kung hindi siya magaling. Pangalawa, may karapatan siya sa ilalim ng saligang batas na walang magagawa sino pa man, hindi namin pwede piliting ang isang tao ayaw magsalita dahil protektado yung karapatang yun. Pero Tunying, para sa akin alam mo gumastos PNP ng P150, 00 para dalhin siya sa Senado. Prinotektahan siya at may bullet proof vest pa, nakakulong pa sa Sta. Rosa, wala sa City jail dahil akala ng lahat lalo na nung sumuko siya kay Pangulong Aquino, akala ng lahat magsasalita siya sasabihin niya ang totoo, yun pala, ganyan lang ang sasabihin niya, right against self-incrimination, hindi ko maalala, hindi ko alam, kung ganun lang din pala bakit may special na treatment pa siya.

TABERNA: So, wala pala siyang nalalaman kung paniniwalaan natin siya, ano pa ang silbi ng special treatment? Ano ang dapat gawin ng gobyerno?

FGE: At wala palang threat sa buhay, sino naman ang papatay sa kanya. Wala naman pala siyang sasabihin, dapat gawin ng gobyerno para sa akin hilingin ng DOJ, ilagay na siya sa ordinaryong piitan, huwag gastusan ang seguridad niya, tutal magde-deny lang naman siya.

TABERNA: Ano po bang magandang ibubunga nun, kung sakali? Puwede na po ba kumanta kapag katabi na niya ang mga snatcher, mga holdaper, mga babaeng preso halimbawa sa City Jail ng Makati.

FGE: Hindi naman para sa kumanta siya, Tunying. Para sa akin, para pantay-parehas ang trato ng mga akuasado ng krimen. Yun nga nag-nakaw ng cellphone nakakulong sa ordinaryong city jail, yung nagnakaw ng bilyon e may sariling kuwarto. Hindi naman yata tama yun.

SEMBRANO: Kung may threat kagaya ng kanyang unang alibi, di naman kaya delikado rin naman mailagay siya sa regular na cell?

FGE: Bakit, di ko makita kung bakit ang threat na naiisip ko, diba sumuko sa Pangulo, may threat daw sa kanya, ineskortan pa nga ng Pangulo, akala ng lahat pag ito nagsalita o nabigyan ng pagkakataong magsalita sasabihin niya lahat, ituturo niya lahat. Kung di naman pala, para ke pa yun.

TABERNA: Bago ko lang po makalimutan, Sir, naniniwala po kayo na meron pa talagang dapat pang sabihin si Napoles, ayaw niya lang sabihin?

FGE: Maliwanag yun, sa pag-invoke nalang ng kanyang right against self-incrimination, ba't mo naman i-invoke yun maliban nalang magsalita ka e talagang mai-incriminate ka o may krimen kang aaminin.

SEMBRANO: Palagi nalang sinasabi, paulit-ulit na since yesterday ano ang napala, sa inyo manggaling anong napala natin?

FGE: Well, babaligtarin ko, ano ang napala ni Janet, sayang at tinapon niya ang pagkakataon na hindi makapagsalita, hindi makompronta yung mga testigo laban sa kanya at maipaliwanag yung kanyang panig trabaho at obligasyon ng Senado, bigyan ng pagkakataon yung inakusahan ng parehong forum at venue para harapin yung nag-akusa sa kanya at bigay yung panig niya. Sa parte ng Senado, at least nalaman natin yung posisyon niya kaugnay sa bagay na ito at hindi naghahaka-haka para makapag concentrate din tayo Tunying, B sa bagyong tumatama sa atin ngayon.

TABERNA: Totoo po yan. Hindi po kaya nagkulang din naman ang Senado sa pamamaraan o stratehiya para pakusahin siya?

FGE: Well, sinigawan siya kahapon, pinakain siya kahapon, pinapahinga siya kahapon, malumanay na pagtatanong, mataas na boses na pagtatanong. Hindi po yun kakulangan sa palagay ko ng mga nagtanong. Bilang abogado nagpractice din naman ako, pagmagaling talaga yung testigo kahit gaano pa kagaling pa yung abogado (SEMBRANO: Tinakot na nga) Dinuro na, (TABERNA: Pati bible ginamit na ni Senator Miriam Santiago) Pero hindi yun kakulangan ng sino man, sa palagay ko, sa parte ng Senado, pag galang lang yun sa karapatang ginagarantiya ng saligang batas sa kanya, gano man kaguilty ang tingin natin sa kanya.

SEMBRANO: Kailangan ba siyang ipatawag ulit? After what happened yesterday?

FGE: Sa panig ko hindi na, maliban nalang sa mga Senador na hindi na naka-attend na nais magtanong mas hiniling ko pa nga mag-attend, panay turo niya sa aasawa niya, hindi ko alam yan, asawa ko yan e, kaya pinatawag ko nalang kahapon yung asawa nalang at least wala pang kaso wala siyang pwedeng i-invoke tulad ng sinabi ni Janet kahapon na karapatan niya dahil hindi pa naman pumapasok yun.

TABERNA: Okay, maiba naman tayo, tutal kayo po ay galing sa probinsyang binabayo ng bagyo, ang Sorsogon. Kamusta na po ngayon sa Sorsogon?

FGE: Hanggang kaninang umaga mula alas-dose ng gabi minomonitor namin, humigit kumulang dalawang libong pamilya sa iba't ibang Munisipyo ng Sorsogon na nilikas ito yung mga nakatira sa coastal areas ng lalawigan ng Sorsogon. At as of 5 this morning wala pa namang malakas ng ulan naramdam bagaman signal number 3 ang naka-hoist sa Sorsogon at pabugso-bugso daw yung ulan pero yung hangini ay medyo lumalakas na raw.

TABERNA: Maraming salamat po, Senator Chiz!

FGE: Mag-ingat na lang po lahat sa bagyo at sana matapos po ito sa lalong madaling panahon!

News Latest News Feed