Press Release
November 7, 2013

Transcript of Senator Grace Poe's questions during PDAF Probe

Senator Grace Poe: Sinasabi na may banta sa buhay ninyo dahil nga mga makapangyarihang tao ang damay sa PDAF scam na ito. Ang mga ordinaryong mamamayan... sila dapat ang isipin n'yong may poot sa inyo. Kung naniniwala kayong inosente kayo sa lahat ng mga paratang laban sa inyo, ito ang pagkakataon para depensahan po ninyo ang inyong sarili. Ang isang taong inosente, kadalasan yayakap 'yan sa pagkakataon na ipagtanggol ang sarili niya. Pero sa inyo po, 'pag tinatanong kayo, ang sagot ninyo "ewan ko sa kanila." Hindi po 'yan ang normal na reaksyon ng isang taong nagngingitngit dahil may hindi makatwirang ginagawa sa kanila. Katulad nyan, diba po tinanong kayo ni Sen Santiago kuung kayo po ay may kinalaman sa PR strategy sa DAP at sinabi ninyo wala kayong kinalaman dyan.

Nakita ko talagang para sakin wala kayong kinalaman kasi parang ang lakas ng loob nyong sabihing wala. Pero sa ibang bagay parang di kayo masyadong kumbinsido sa sagot ninyo. Kahit sabihin n'yong I invoke my right, marami namang pwedeng sagutin na di makakasama sa inyo. Halimbawa, ano ba talaga ang trabaho ni Behur Luy. Di naman makakakasama 'yan sa inyo. Sabi nyo galing kayo sa hirap. Kahanga-hangang meron kayong lakas ng loob na iahon ang inyong pamilya. Sa kaibuturan ng puso nyo, meron po ba kayong damdamin para sa mahihirap sa ating bayan?

Janet Lim Napoles (JLN): Opo

Sen. Poe: Sa isyu ngayon, pinagnanakawan ang pinakamahihirap na kababayan natin. Kahit nagkasala sa Panginoon, napapatawad din. Pero hindi naman ibig sabihin pag pinatawad na di ka na magbabayad utang. Merong kabayaran ang lahat ng ginagawa natin. Kung merong pagsisisi, sa tingin ko, mapapatawad naman ng taumbayan sakaling mapatunayan.

Kung kayo po ay pagbibigyan na maging state witness, sa tingin nyo po ba mas marami kayong masasabi sa nangyayari ngayon?

JLN: Wala naman pong scam kaya wala po akong masasabi.

Sen. Poe: Napatunayan din nung 2004 na ang inyong Jo-Chris trading ay nagsupply fertilizer, hindi po ba?

JLN: Hindi ko po alam.

Sen. Poe: Nagsupply ng fertilizer pero pang-ornamental plants. Kaya ko nasabi yan, dahil ang fertilizer fund scam ang naging behikulo para bilhin ang pabor ng maraming tao sa iba't ibang panig ng Pilipnas para matuloy ang pandaraya noog 2004 sa presidential elections. Ang masakit dun sa fertilizer fund scam, napagnakawan ang mga magsasaka kasi po pang-ornamental ang ibinigay para sa nagtatanim ng bigas. Hindi ba isang krimen yan?

JLN: Wala akong kinalaman dyan.

Sen. Poe: Sa totoo lang kung pagbabasehan ang naging sagot ninyo at kilos ninyo , parang totoo lahat ng paratang sa inyo. Kung meron kayong pinagsisihan, ano po yon?

JLN: [No answer]

Sen. Poe: Baka wala naman masyadong pinagsisihan. Yuin na lamang po, your honor.

News Latest News Feed