Press Release November 5, 2013
Transcript - Senator Nancy Binay (SNB) interview
Q: Sa minority Ma'am, pupunta kayo sa November 7, kung tuloy po yung hearing? SNB: Kung tuloy, inaayos ko lang yung previous appointment ko. Mukha namang maaayos so chances are baka mag-attend ako ng hearing. Q: Ma'am, may information kasi na ipinapamove daw ni Napoles ang hearing kasi wala siyang lawyer. Agree ba kayo dun, na i-move yung hearing? SNB: Actually, nabasa ko nga yung letter, pero pinapacheck ko pa kung saan nanggaling yung sulat kasi usually pag may nakukuha kaming sulat, may cover letter either coming from Sen. Guingona. Itong letter na ito, wala e, letter lang siya so hindi ko alam kung anong source. Kung may request man siya, siguro pwede na rin to give her right to a counsel, di ba? Tutal may move din naman si Sen. Osmena na baka mas maigi na Nov. 18 na lang ang hearing para mas marami kaming senator na nandito ngayon. Q: Ma'am, ano po mismo yung nakalagay sa letter? SNB: Assuming kung totoo talaga yung sulat, hindi ko alam kung galing sa kanya yun e, parang sinasabi niya doon sa sulat na since nag-resign si Atty. Kapunan, wala pa siyang abogado. So naghahanap pa siya ng abogado. So kung pwede, i-postpone muna yung hearing sa 7 to give her ample time to look for a lawyer. Q: Pero ma'am, magmimeet ba kayo? Ano ba, may meeting ba ang mga senators about it, may ipinatawag ho bang ganun? SNB: Hindi ko alam, hindi ko nga rin alam kung andito si Senate President kasi alam ko yesterday si Senator Koko nga ata ang acting Majority Floor Leader. Q: Kailan nyo nareceive yung letter? SNB: This morning. Q: Ma'am, kung wala si Senate President, sino ang magdedecide? SNB: Hindi ko alam kung pwede na magdecide si Senator Guingona. Baka si Senator Guingona na lang yung magdedecide whether to move it or not. Q: Pero Ma'am for you it's better to move it on the 18, para lahat ng senators nandito. SNB: Ako, whether it's November 7 o November 18, basta nandito siya. Ang importante e nandito siya. Saka I think, ewan ko, parang may padating din na bagyo ata this Thursday. So baka factor din yun. Q: Hindi ba pwedeng mag-provide ng lawyer, o kaya'y matagalan o sinasadyang hindi magkaroon ng lawyer, hindi ba nating pwedeng i-provide siya ng lawyer? SNB: Actually, isang option din yun na pwede rin siyang bigyan ng PAO, ng Public Attorneys Office, e kaso baka hindi naman siya... Q: Mayaman po siya e.. SNB: Para lang mabigyan siya agad ng abogado di ba? E kasi parang sa tone ng letter niya e nahihirapan siyang makakuha ng lawyer. Q: Ano kaya ang dahilan Ma'am? SNB: Kelan ba nagresign si Atty. Kapunan? Last week. Hindi ko alam kung kinoconvince pa niya yung isa, I think, yung isa pa niyang lawyer e for the illegal detention so hindi yan yung lawyer niya for sa mga kaso niya rito sa PDAF. Siguro pagbigyan na lang natin siya kung gusto niyang maghanap ng abogado na kapalit ni Atty. Kapunan. Q: Ma'am, sa minority, syempre ilan na yung hindi makakapunta, di ba? SNB: Actually kami na lang nina Senator JV yung hindi pa, more or less, nag-iinhibit. Q: May mga bilin ba sa inyo? At least tulong sa questions, strategy? SNB: Wala naman. Q: Kayo Ma'am, particularly ano yung gusto ninyong itanong sa kanya? SNB: Secret.
|
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|