Press Release
October 29, 2013

(EXCERPT) Transcript of UKG interview with Sen. Alan Peter Cayetano

There is a legal basis behind the DOJ Secretary's claim. The international convention states that corruption is also a threat to our security.

Siguro, hindi tayo magdadalawang isip kung halimbawa ang pinapakanselang pasaporte ay kay Nur Misuari, dahil nilusob nila ang Zamboanga, kung saan rebelyon ang pinag-uusapan at kumuha ng armas. Medyo klaro yun.

But since what De Lima has filed is related to corruption, others claim that this is somewhat unclear.

Ang problema naman natin ay baka naman lahat ng kasuhan dahil sa korupsyon, kahit na peke ang mga kasong ito, ay ipakansela na (ang pasaporte). Mahirap nga naman. Pero ang hinaharap ng gobyerno ay simple. Sa oras na maglalabas na ng damo ang gobyerno, patay na ang kabayo. Ibig sabihin, kapag hinahabol na ang pera, nalustay na ito.

Kapag hinahabol na ang mga bahay at kotse na binili ng mga corrupt, naibenta na, nasa ibang pangalan na. Kapag hinuhuli na, wala na.

Nakailang mga pangalan na tayo. Like the Reyes brothers, for example, or one of the senators' chiefs-of-staff, Gigi Reyes, who already reportedly left the country...

Sa ngayon, wala pang balakid para umalis si Senador Jinggoy. Dahil naiintidihan din natin siya dahil may sakit ang kanyang asawa...

Pero hindi tayo pwedeng parating ganito. Dapat klaruhin ang batas, ke mabango, ke popular o hinde... Ngayon, napakadaling sabihin na lahat ng nakaugnay ni Napoles, gisahin na lang. Pero kailangan may batas pa ding nasusunod.

The Ombudsman should speed up its fact-finding probe and file cases against responsible for plunder of public funds

Maybe the government is also pressured... Pero may solusyon din ito. Ito ay ang bilisan ng Ombudsman at simulan na ang preliminary investigation at kasuhan na ang dapat na kasuhan.

I sympathize with the Ombudsman. Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho ng Ombudsman. But we have to remember that all she needs to see is that there is a substantial evidence to push through with the preliminary investigation.

Kapag naumpisahan na ito, masasabi ng ating mga kababayan na hindi lang may nangyayari, kung hindi seryoso ang gobyerno. Pero habang hindi nasisimulan ito, ang tingin ng marami ay moro-moro o drama lang ng mga politiko ito. Kunyari may hahabulin ang mga kakampi o kalaban, eh pero wala namang nakukulong.

Bawal magnakaw ng konti sa Pilipinas, pero kapag madami, nakakatakas. Ang dapat gawin, bukod sa pagkansela ng pasaporte, ay gawing madali ang proseso ng pagusisa sa ebidensya para sa preliminary investigation.

Court, however, should put safeguards to avoid passport cancellation being used for harassment

Mahirap [na magkaroon ng polisiya kung saan kakanselahin na agad ang mga pasaporte kapag nadawit ang pangalan sa kaso] dahil maraming aangal. Hindi lang opisyal ng gobyerno ang pwedeng makasuhan ng graft and corruption dahil pwede mong sabihin 'kakontsyaba iyan'. They can say that you were in on the scam with certain personalities and that your passport will have to be cancelled - this can be a form of harassment.

Kailangan lang malinaw, ano sa graft and corruption (ito dapat applicable)? Mas mabuti diyan kung korte na mismo ang magsasabi.

[Ang kanselasyon ng pasaporte] kasi kailangan may court order ka na o kaya naman ay convicted ka na sa husgado. Katulad nga ang pinaguusapan natin ay ang kasalukuyang batas. Pwede namang pumunta ang Ombudsman at DOJ sa amin para sabihing 'Kongreso, aanhin ang damo kung patay na ang kabayo?' baguhin natin ito.

Pwede naman gawin ito pero ano ang safeguards?

On texting as a means to donate: There should be a mechanism for sending donations through text messages

Unang una, ginagawa na ng gobyerno sa pamamagitan ng Red Cross at ng ibang mga organisasyon na pwede kang magtext ng donasyon mula sa piso hanggang sa isang libong piso.

But we are calling on the NTC, the Central Bank, Smart, Globe and other telecom companies to make this available to the public. Sa pamahalaan, halimbawa, ng Nueva Ecija, Bulacan, Zamboanga, Bohol o Cebu, kung saan magiging madali ang pagbigay ng donasyon...

Ang Pilipino ay likhang mahilig sa bayanihan o sa pagtulong. Pero napakahirap magpadala ng pera, lalo na kapag nag-oopisina ka, hindi mo alam kung saan maipapadala. I'm hoping that before the month of November ends, this can be done not only through Red Cross or DSWD, but also through NTC.

Ang importante dito ay ang kultura ng pagbibigayan na likha naman sa ating mga Pilipino.

News Latest News Feed