Press Release
October 29, 2013

Ambush interview transcript with Sen. Alan Peter S. Cayetano
Anti 5-6 Campaign, Murphy Market, Cubao
October 29, 2013

Huwag natin kalimutan ang everyday problems ng mamamayan

ASC: Well, napaka-importante na i-discuss at napaka-importante yung corruption issues lalo na yung pork barrel scam at Malampaya Scam. Lumabas lahat ng ito.

Pero habang lumalabas ang lahat ng issues, (naiiwan) yung pang-araw-araw na buhay ng ating kababayan at yung kakainin nila at pang matrikula . Halimbawa itong palengke, ang problema nila ay yung mga naglalakihang mall, so humihina ang kita nila.

So kailangang maipakita natin na inaasikaso natin ito at dapat ipakita natin na ang gobyerno ay pwede pa rin nilang pagkatiwalaan kahit maraming corruption issues.

Isa sa pinakamalaking mga issues na hinaharap ng ating mga kababayan ay yung "5-6" o kawalan ng kapital.

Kaya ni-launch natin ito today, malaki na rin ang halaga na ito sa atin. P250,000.

Pero malaking bagay kasi 20% ang interest ng 5-6 per month. Malaki ito para sa mga maliliit nating mga kababayan samantalang ang mga malalaking negosyo, napakababa ng mga interes sa mga bangko.

Isa itong paraan para ipakita natin sa mga kababayan natin na mamayan man, o kagawad, o senador ay natutugunan ang pangangailangan sa Presyo, Trabaho, Kita (PTK) o sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Pagtulong possible pa rin kahit walang pork

ASC: Yes. None of these came from the pork barrel. This is not from the government.

Ang gusto nating patunayan na kahit walang pork barrel, kung may tiwala ang tao, may mga proyektong magagawa ang mga pulitiko.

We don't need discretionary funds or pork barrel for projects.

People will help kapag nakita nilang sincere o gumagana ang programa.

Si Ate Liway, natanggap nila ay 100,000 noon. Pinakita nila kaagad yung logbook nila para maipakita kung saan napupunta at tayo naman gusto nating mabuo ang tiwala ng donors.

Donation through text

ASC : That's one reason why I'm pushing for the donations through text.

Hinihiling ko na mag-meeting ang Globe, Smart, at Bangko Sentral para ang mga lugar na apektado ng kalamidad at direktang makatanggap ng tulong sa pamamgitan ng mga donasyon gamit ang text messaging.

Kung ito ay magwo-work, hindi lang ito gagana sa mga kalamidad kung hindi na rin sa iba pang proyekto tulad ng livelihood.

So imaginin mo, kung may kababayan tayong nanonood ngayon o abroad, pwede nang mag-donate.

Yung spirit ng bayanihan, nasa Pinoy 'yan. Pero kadalasan, ang donation ay napupunta sa bulsa ng pulitiko.

To Napoles, clear your conscience, tell all!

ASC: Unang una, ang focus ay yung hearing kay Napoles.

Ako ay 100% against na bigyan siya ng kahit anong immunity dahil wala na itong magiging silbi.

Unang una, kumpleto ang gobyerno ng ebidensya laban sa kanya. Pangalawa, it will send a wrong message para sa mga whistleblowers. Pangatlo, wala na tayong makukuhang bagong ebidensya sa kaniya na hindi pa natin nakukuha.

I still advice her to tell all. I still advice her para sa kanyang konsensya, para sa kanyang pamilya, para sa katahimikan ng kanyang puso't isipan, magsabi siya ng katotohanan.

Pero huwag na siyang humingi ng kapalit na immunity. Dahil sa tingin ko, hindi ito magiging magandang para sa image ng Senado.

Bagamat nakapokus tayo kay Napoles, mga bogus NGO at pondong napunta sa kanya, tandaan natin na 10% lamang ito ng mga fake NGO's na napunta kay Ms. Napoles.

May 90% pa na hindi naiimbestigahan.

Pangalawa, 2007-2009 pa lang ito.

Sabi sa privilege speech ni Sen. Koko, sa 2011-2012 may pondo pa rin na napunta Dept. of Agriculture na sa tingin niya ay may problema kasi feeling niya, pineke ang pirma niya.

So I'd like to say na konti pa lamang ang naiimbestigahan, konti pa lang ang naisisiwalat.

Sana maipakita natin sa mamayan na patuloy ang pagsisiwalat para lumabas ang katotohanan.

Sabi nila marami ang nawalan ng tiwala sa Senado. Pero naniniwala ako na may mga nagbalik tiwala sa Senado sapagkat maraming naisisiwalat at kahit nagaaway-away ang mga senador, may mga taong lumalaban pa rin para sa kapakanan ninyo.

Mga kaso dapat i-file na

ASC: Nakikita ko yung legal basis ng Justice (Secretary) sapagkat madalas nating sabihin sa gobyerno na aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

Pag hahabulin na ang pera, na-withdraw na sa bangko.

Pag hahabulin ang properties, naibenta na sa iba.

Kapag hahanapin na yung tao, nakatakas na.

So yung sinasabi niyang may threat sa national security dahil may kinalaman ito sa korapsyon, naiintindihan ko iyon.

Ang problema ay yung safeguards o guidelines na di popular at hindi pwedeng i-apply lang ito sa iba.

Kailangan ang batas ay laging applicable sa lahat. At hindi pa handa ang gobyerno na sabihing ang lahat ng may kaso sa graft ay dapat kanselahin ang passport.

So dapat pag-aralan ng kongreso kung paano habang pinag-aaralan pa lang ang kaso ay mapigilan nang umalis ng bansa.

Kung hindi, balewala rin. May mga batas nga tayong pinoprotektahan ang taong ma-harass pero yung may kaso, makakaalis kaagad.

Di ba yung mga Chief-of-Staff ng ibang senador, nakaalis na ng bansa.

Unawain natin na kailangan may proactive na paraan ang gobyerno.

So tanungin natin ang DOJ at ang DFA sa legal basis ng kanilang balak gawin.

News Latest News Feed