Press Release
October 24, 2013

Session Hall Interview Transcript
with Majority Floor Leader Sen. Alan Peter Cayetano

GRAND REUNION NOT COMPLETE UNLESS...

Q : Grand Reunion daw ang pag-attend ni Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee?

Sen. Alan S. Cayetano (ASC) : As far as the whistleblowers are concerned at si Janet Napoles, magkakaroon ng grand reunion.

Pero sa tingin ko, hindi mako-kompleto ang cast kung ang mga Senador na tintutukoy nila ay hindi mag-aattend.

Pero pwede pa namang magbago yun so depende na lang po yun.

So kung ako ang tatanungin, kunwari 'kay Senator Recto, (binanggit sya sa COA report, nandun sya sa hearing), nasagot niya at COA pa ang nagsabi na clear na siya at wala po kayong sinabing masama.

So kung sinasabi nilang tamang venue, sino bang nagsabing ang maling venue ay ang Blue Ribbon Committee?

So kung ako ang tatanungin, magkaharapan na para tapos na ito.

IMMUNITY FOR NAPOLES ?

Q: May mga balita ng panukalang baka alukin ng immunity si Janet Lim Napoles in case humarap sa Blue Ribbon Committee. Pabor po ba kayo doon?

ASC:

Hindi na dapat (bigyan ng immunity si Napoles).

Kung magsasabi naman siya ng totoo, hindi mo na dapat bigyan pa ng immunity.

Nagulat din ako sa suggestion na iyon.

Kaya napagusapan naming mga senador kanina (Wednesday caucus) na kapag legislative inquiry na tinatawag, yung lang sinabi niya sa loob ng committee (and pwedeng may immunity).

Tuloy pa rin ang lahat ng kaso laban sa kanya at lahat ng ebidensiyang laban sa kanya ay pwede pa ring gamitin laban sa kanya.

Sa ngayon, pinagaaralan ko ito nang husto.

Ang binibigyan mo ng immunity ay yung whistleblower at yung hindi pinakaguilty. Yung kailangan mo po ng testimoniya.

Pero sa pagkakaalam ko po, sa dami ng ebidensiya, hindi mo kailangan ng testimoniya.

Ngayon kung sigurado kang magsasabi siya ng totoo, paano ka magkakaroon ng guarantee na kapag may immunity na siya ay tama at totoo ang sasabihin niya?

Paano kung ang mga sinasabi niya ay para magulo ang sistema ng hustisya sa bansa?

Ako, pinagaaralan ko ito nang husto.

Makakaasa ang taong bayan na hindi usapin ang mababawasan ng kaso si Mrs. Napoles.

ON CAUCUS : WHERE SHOULD PDAF GO

Q: Ano ang napagdesisyonan sa caucus, meron na bang desisyon sa abolition ng pork barrel at kung may paglalagyan na ba nito?

ASC:

Pinag-usapan po namin sa pork barrel na number one, definitely tanggal na yung PDAF. Number two, wala na pong papalit dito. Meaning wala na yung lump sum at wala na rin yung discretion (ng mga senador).

So ang pinaguusapan na lamang po ay yung 4.8 billion pesos o yung P200 million times 24 (senators). Ito ba ay isu-subtract sa budget or ililipat sa calamity fund.

Or individually magsasabi sila kung saang ahensiya ilalagay pero hindi pwedeng lump sum at hindi pwede silang makialam (na senador).

Halimbawa, binigay sa military for equipment o kaya ay combat boots, or police for CCTV po, hindi po pork iyon. Pero kung ilalagay mo sa DPWH at hindi mo sasabihin kung para saan yun, pork barrel pa rin 'yun.

Ayaw po namin ng lump sum. Kasi sa lump sum, madaling sabihin na wala kang diskresyon pero sa totoo, tatawagan mo lang yung secretary. Kunwari sa CHED pero hindi naman masusunod ang guidelines ng CHED, legislators din ang magtuturo kung sino ang beneficiaries ng scholarships.

Pero kung sinabi mong ito para sa mga mahihirap, eh di wala nang diskresyon ang mga congressman o senador

Siyempre yung iba gustong ibalik yung public trust sa Senado at yung iba naman gustong tanggalin pero naniniwalang walang makikinabang dito. Oo, tatanggalin ngunit marami tayong mga kababayan na galing sa Nueva Ecija, Bohol, Aurora at iba pa na nangangailangan.

Medyo iba't iba ang nasa isip ng mga senador kaya't gusto ni Senator Escudero na alamin in a few weeks kung ano ang stand ng bawat isa at magco-caucus ulit kami sa November 18.

Q: Pwede po bang maging individual ang decision ng bawat Senador tungkol sa pork barrel nila?

ASC:

Yes for as long as hindi pa rin pork barrel.

Meaning kung yung isang Senador sasabihing ayaw kong tanggalin yung pork barrel, ayaw kong ilagay sa calamity pero gusto kong ilagay sa DOST para sa mga magsasaka, kailangan i-specify nila kung anong programa at kung anong priority ito.

Pero kung lalabas na pork barrel pa rin ito, hindi papayag ang ibang Senador dito. Kahit yung indibidwal na iyon ang nagdesisyon.

Q: Ang sabi po ni Senate President Franklin Drilon, pinasasubmit ang bawat Senador ng kanilang stand sa kung saan mapupunta yung pork barrel?

ASC:

That's right po pero may caucus pa rin po sa 18 before getting a consensus.

Q: So ang aalis ay ung discretionary o hindi na pwedeng magdesisyon ang mga Senador na mag-identify kung saan mailalagay ang kanilang pork barrel?

ASC:

Yes. Wag nang lump sum para wala nang duda sa ating mga mamayan na may discretion pa rin ang mga senador.

Q: So November 18, doon po natin malalaman kung saan mapupunta yung pork barrel?

ASC:

Opo. At ilalagay po natin sa isang dokumento na tinatawag nating committee report. After that, pupunta pa ito sa plenaryo at marami pa rin paguusapan ang senado. Yung sinasabing presidential pork, priority programs. Lahat yan ay paguusapan.

News Latest News Feed