Press Release
October 23, 2013

Ambush Interview Transcript with RMN
Senate Session Hall

ASC:

On PDAF

Ka Rogie, good afternoon po ulit.

Malinaw na pinagusapan na hindi na pwede iyon. At least sa Senate side.

Tatlo ang piliin niyo.

Either tanggalin niyo completely sa budget, pangalawa ibigay niyo sa calamity, pangatlo, kung ibibigay sa ahensya, hindi pwedeng lump sum ang meron kayong say.

So for example, ilalagay niyo sa pulis at sasabihin niyong para sa CCTV o pambili ng combat boots, hindi na pork barrel yun.

Kunwari ilalagay mo sa DPWH at hindi mo sasabihin kung para saan yun, pork barrel pa rin 'yun.

Well, that's why ang pinagusapan pa lang namin ay ang sa Senate lang muna.

Pero kapag natapos ang committee report, may tinatawag ka pang congressional at presidential pork

Hindi pa natin pinaguusapan yung sa iba. Ang pinaguusapan natin ay ang sa Senado pa lang.

Kung sa committee report, meron oposisyon, administrasyon, at independent kaya maitatanong 'yun.

May committee tayo na dapat itanong ang dapat itanong o kaya'y depensahan yung budget.

Yung iba po gustong tanggalin.

Ayaw din po namin ng papel at kung may papel, ayaw po namin ng lump sum.

Kasi kung lump sum, madaling sabihin na wala kang diskresyon pero sa totoo, tatawagan mo lang yung secretary.

Kunwari sa CHED pero hindi naman masusunod ang guidelines ng CHED, legislators din ang magtuturo kung sino ang beneficiaries ng scholarships.

Pero kung sinabi mong ito para sa mga mahihirap, edi wala nang diskresyon ang mga congressman.

On immunity for Napoles

Well, pinagusapan naming mga senador 'yan informally. Definitely, definition of terms muna.

Ang immunity na pwedeng ibigay lang ng senado ay yung immunity na kasuhan siya base sa sinabi niya sa senado.

Meaning yung iba pang ebidensya laban sa kanya, hindi yun mawawala at makasuhan pa rin siya.

Hindi katulad ng sa Amerika na kapag sinabi ng Atty General na "I'm giving you immunity", eh hindi mo na pwedeng kasuhan.

Ang sinasabi ng mga senador, halimbawa, ayaw kong magsalita kasi maiincriminate ko ang sarili ko, sasabihin lang sa kanya ay, "Eh paano kung bibigyan ka namin ng immunity?" Magtuturo ka na ba?

Base iyon sa dalawang bagay. One, hindi mo lang siya kakasuhan doon sa sinabi niya doon sa loob. Pangalawa, magsasabi siya ng totoo.

Pero ako, pinagaaralan ko pa rin kasi napakapangit ng magkaroon ng precedent na bibigyan mo siya kaagad ng immunity kung hindi mo kailangan ang kanyang testimonya.

Kasi kumpleto naman tayo sa whistleblowers eh.

Usually, nagbibigay tayo ng immunity under the conditions na hindi siya ang pinakaguilty at pangalawa, wala ka nang ibang ebidensiya na makuha.

Pero, kung kumpleto ka naman sa ibang ebidensya...

Kasi alam mo na na siya ang pinakaguilty. Bakit natin ieexpect na magsasabi siya ng totoo.

Ako po, masusi kong pinagaaralan yung transactional immunity na tinatawag based doon sa sinabi niya sa Senado.

Paano kung sinabi niya sa labas pero inulit niya sa Senado?

Baka magkaroon pa ng rason ang judge na harangan ang pagdalo niya.

Ako, tinitignan ko pa nang mabuti kung ano ang dapat gawin.

Pero sa tingin ko, kung gusto niyang magsabi ng totoo, wala dapat pumigil sa kanya. Magsabi na siya.

Senate resolution on PDAF

Yun po ang inexplain ko kahapon. Kung ako po ang masusunod, mas gusto ko po ang joint resolution o isang bill na sa Senado na ire-align.

Pero dahil po wala nang time at nag-adjourn na ang house kahapon, ang pinasa po naming resolusyon na kanilang hinihingi sa Presidente na siya ang mag-realign.

So ang problema, ang pinakita sa resolusyon na iyon sa presidente ay ayaw na namin sa PDAF.

Ibig sabihin, kahit sabihin ng Supreme Court na legal ito, hindi na namin gagamitin ito so safe na ito.

Pero option pa rin ng presidente kung sa calamity niya gagamitin ito o hindi.

Siguro ang pwedeng mangyari diyang ay kapag bumalik na tayo sa 18, kapag di pa rio nire-realign ng presidente, pwede pa tayong may-file ng joint resolution na amendahan ang GAA it ilipat ang pondo.

On Napoles appearing before the Senate Blue Ribbon Committee

As far as the whistleblowers are concerned at si Janet Napoles, magkakaroon ng grand reunion.

Pero sa tingin ko, hindi mako-kompleto ang cast kung ang mga Senador na tintutukoy nila ay hindi magaattend.

Pero pwede pa namang magbago yun so depende na lang po yun.

So kung ako ang tatanungin, kunwari 'kay Senator Recto, tinanong siya, nasagot niya at COA pa ang nagsabi na clear na siya at wala po kayong sinabing masama.

So kung sinasabi nilang tamang venue, sino bang nagsabing ang maling venue ay ang Blue Ribbon Committee?

So kung ako ang tatanungin, magkaharapan na para tapos na ito.

News Latest News Feed