Press Release
October 12, 2013

Transcript of Interview with Senator Grace Poe
Iyo ang Senado, Akin ang Kongreso at dwIZ with Cely Bueno and Jill Resontoc
Saturday, October 12, 2013

Cely Bueno: Kasama natin ngayon sa ating talakayan ang chairman ng Public Information and Mass Media na si Senator Grace Poe. Sen. Poe magandang hapon po.

Bueno: Anyway, Mam handa na ba kayo dahil sa resumption ng session ay sisimulan na ang plenary debate tungkol dito sa FOI Bill?

Sen. Poe: Alam mo actually nagsasanay na tayo pero ang mangyayari kasi, meron pang magco-sponsor ng FOI. Ang talagang nasa schedule ko sa Wednesday ay ang start ng plenary debate. Pero Ms. Cely talagang pinaghahandaan na natin ito.

Bueno: Sino po ang magco-sponsor?

Sen. Poe: Ang alam ko kasi ,11 na senador ang nagsumite ng kanilang FOI version. Iniiwan natin na bukas ang plenaryo para doon sa mga gustong magbigay ng kanilang sponsorship speech. So marahil nandiyan si Senator Trillanes, Sen. Gringo Honasan na last 15th congress siya ang namuno ng public information, tapos si Sen. Chiz hindi pa din nagbibigay ng sponsorship.

Bueno: Para po sa kabatiran ng ating mga tagapakinig, ano po yung mga pangunahing provisions na nilalaman nitong inyong sinusulong na FOI na senate version kasi consolidated na po ito noong napakaraming bill na nai-file sa senate?

Sen. Poe: Unang una kahit sino ay pwedeng humingi ng impormasyon. Pangalawa, lahat ng branches ng government na sinasakupan ay kasama dito--ang legislative, judiciary at executive. Tapos kung ikaw ay isang kawani ng gobyerno at may malisya kang hindi mo ibinigay ang impormasyon na hiningi sa'yo o kaya sinira mo, meron talagang kaukulang punishment o kaya parusa. Mahirap naman Ms. Cely na walang ngipin ang isang bill lalo na kung wala ka namang parusa. Ang kaibahan nitong bill na ito ay wala itong right of reply provision. Meron din tayong panukala doon na dapat ituro sa Hekasiya at Social Studies ang importansya ng FOI sa bata pa lamang dahil sabi natin ang korupsyon ay systemic. Kaya nga sinasabi natin na dapat ituro sa mga bata itong karapatan sa FOI so ilalagay yan. Pangatlo, yung plain writing sapagkat balewala naman ang FOI manual kung hindi naiintindihan ng pangkaraniwan nating mga kababayan so dapat kahit nasa tagalog siya o meron siyang translation in major dialect halimbawa Cebuano ay kailangan madaling maintindihan so yun po ang mga probisyon natin doon.

Jill Resontoc: Ito lang po yung concern ko, sa House po kasi ganito yung issue ng state secret and national security medyo iniingatan nila dati nung last Congress, paano po gagawing treatment ng Senado sa state secret hanggang saan po ang limitasyon na pwedeng ibalita ng media ang isang balita na merong national security color na mag-iinvolve yung state secret, hanggang saan po ang limitasyon?

Sen. Poe: Kahit naman sa America na nagpa-umpisa nitong FOI, pag meron talagang national security significance nasa judgment yan ng executive o kung sinumang namumuno ng ahensya. Well may mga test diyan--clear and present danger if it could jeopardize military operations. Kung merong masasaktan na private individual and it could jeopardize the position of our country in foreign relations or treaties lahat yan nandiyan. Pero ang kaibahan nito, there's always a presumption for the release of information. Ibig sabihin, kunwari nagkakaroon ng debate pwede ba ito o hindi, dadalhin mo sa Ombudsman sasabihin mo hindi naman national security yan, mali naman yan at hindi dapat yan i-invoke. Pag nagkaroon ng debate, ang korte they will always have to favor the right to information which is enshrined in our bill of rights. Ngayon, when it comes to the president, if he invokes the executive privilege, the President himself has to give a timeline when the information will be declassified. Ibig sabihin pag kunwari merong operasyon tungkol sa MNLF pero hindi namin pwdeng ibunyag sa'yo subalit pag nahuli na ang mga nabigyan ng warrant halimbawa si Malik o kaya si Nur Misuari pwede na naming sabihin sa inyo at kailangan namin ibigay sa inyo ang mga hinihingi ninyong impormasyon. Ngayon pagdating sa budget ng AFP, halimbawa yan po ay unconditional nakasaad po yan, hindi pu-pwedeng gamitin ang national security issue para doon sa mga budget.

Bueno: Baka kasi ho lagi na lamang gamitin yun na palusot, yung may national security.

Resontoc: Meron pong safeguard para tiyakin na hindi gagawing dahilan yung national security para itago yung impormasyon sa media, may probisyon po kayong ganun?

Sen. Poe: Pwde kang pumunta sa Ombudsman para kwestyunin o sa regular courts. Pangalawa, kailangan may period of declassification. Ibig sabihin, sasabihin ng pangulo kung sinuman kung kelan yan pwedeng ma-declassify at pangatlo, kailangan kung merong pagdududa at saka sa tingin natin ay ginagamit na mali ang national security as an excuse, palagi ang korte are directed to favor the right to information. Meron ding clause doon na you cannot use the withholding of information to cover graft and corruption. So pag nahuli na kaya pala gusto mong i-classify ito dahil sa anomalya, eh di pag nawala ka na sa pwesto o kaya kahit nasa pwesto ka pa pwede kang habulin.

Bueno: Under Senate version ng FOI bill, may certain period ba na dapat ay mai-release yung mga nirerequest na mga dokumento o information, kasi yung iba halimbawa kalahating buwan na nagre-request hanggang ngayon hindi pinapalabas?

Sen. Poe: Opo, 15 days from the time that you submit your request. Kunwari pag na-deny yan, 'di mag-reapply ka. They have five days to be able to respond kung bakit nila dineny o kaya kung irerefer sa ibang ahensya. Ngayon tungkol sa media, ito ang tinatanong din, 15 days sa media parang lumang news na yan. Kailangan natin malaman kaagad parang napakatagal ng 15 days. Ito namang 15 days kasi administrative lamang ito. Yung sa media, ang makakatulong sa inyo pag napasa na ang FOI bill, ay marami tayong mga data na kailangan nang naka-upload agad sa internet. Halimbawa yung bidding process, yung SALN ng ibang mga nasasakop dito. In short meron na rin tayong mga naka-mark na mga impormasyon na talagang dapat nakalabas na sa internet. Pangalawa, pwede pa rin naman kunwari may tanong kayo tungkol nga dito kay Napoles. Halimbawa, hindi ilalabas ang dokumento dahil may judicial proceedings, pwede pa rin naman kayong mag-ambush interview. So there's check and balances, of course we always have to balance our responsibility also a citizen

Bueno: Isa lang pong pahabol. Kasi Monday may caucus doon sa subpoena kay Janet Lim-Napoles. Kung magkakabotohan, ano ang inyong magiging boto?

Sen. Poe: Klaro naman sa akin iyon nung umpisa pa lang. Sinasabi ko na rin sa inyo, na importante talaga na matawag siya. Kasi tingnan nyo hindi naman immune, kahit na si Supreme Justice Corona na magpakita doon kasi nga judicial proceedings should not be able to impair Congressional reason in aid of legislation. Iba naman ito, Napoles can always invoke her right against self incrimination and we will respect that. But if there's even a remote possibility that we can learn anything in aid of legislation, we should not waste that opportunity.

Bueno: Mam, maraming salamat po at good luck sa inyo.

Sen. Poe: Salamat

News Latest News Feed