Press Release
September 26, 2013

Transcript of Sen. Grace Poe's interview at NBN Live

September 26, 2013 / Thursday
Pagsisiyasat: PDAF SCAMdalo

Kathy San Gabriel: We are join by Senator Grace Poe. Magandang hapon po Senator. Mam, your thoughts on the testimonies of the whistleblowers today, mas marami pa tayong napag-alaman ngayon sa kanilang mga testimonya?

Senator Grace Poe: Alam niyo tapat naman ang mga sinasabi nila, makikita mo naman na komportable sila sa sarili nila kasi ang pinakamahirap talaga ay yung magsabi ng hindi katotohanan. Pag katotohanan yung sinasabi mo very casual makikita mo naman si Benhur di ba, komportableng komportable. Nakita ko pagkatapos ng kanilang pagdinig ay nag-krus ang marami sa kanila. Siyempre alam mo hindi madali ang ang kanilang pinagdadaanan. Kaya nagpapasalamat din tayo na meron tayong ganyan, kaya dapat pagtibayin natin ang Whistleblowers Act. Kasi hindi lang naman dapat natin ngayon silang alagaan, dapat ilang taon matapos itong kaso na ito o habang dinidinig ang kaso na ito ay hindi mawawala ang suporta ng gobyerno.

Atty. JJ Jimenez: Napansin namin na nagtanong kay DOJ Sec. de lima kung kamusta naman ang pondo sa witness protection programa natin at naramdaman namin na mukang malapit sa puso niyo ang ganitong usapin regarding security of witnesses. Ito ba ay dahil lang sa imbestigasyon na ito or is it all about the witness protection in general?

Sen. Poe: Alam mo ilang taon ang pinagdaanan natin sa nagdaang administrasyon na napakahirap kumuha ng katotohanan at ang naging tulay natin sa katotohanan ay ang mga nag-lakas ng loob para magsaad nito yung mga witnesses natin. So nagdaan na diyan sina Sammy Ong, Jun Lozada at kung sino-sino pa, marami na, si Sandra Cam nandiyan din so lahat yan tinitingnan mo ang sitwasyon, ano ang nangayari sa kanila pagkatapos?

San Gabriel: Sen. Grace are you still hoping that Janet Lim-Napoles will come to the senate and give her testimony and what would you want to find out? It seems na unting-unti nakukumpleto yung kwento, for you ano pa po ba yung missing link na kinakailangan para makumpleto itong imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee?

Sen. Poe: Yes. Well siyempre yung mga salaysay ni Janet Napoles dahil yung iba sinasabi ni Benhur alam niya na kausap , tawag niya Mam Janet o madam pero hindi niya naman mismong nakikita. So pwedeng tanungin siguro ide-deny ni Napoles pag pumunta siya dito, hindi natin alam kasi she has the right to protect herself against self- incrimination. On the other hand, alam mo nagiging forum ang senado para makita ng taong bayan ang reaksyon ng mga tao. Para bang titingnan pa lang ay guilty na ito, pero alam mo we need a participative society. We need our constituents to be taking part in all of this thing. So if the senate can encourage that, why not, di ba kasi yung hearing sa mga korte sarado yan, ito lang yung nakukuha natin na kahit papano ay nakikita natin na may ginagawa naman pala ang gobyerno, meron naman palang progress.

Atty. JJ: So dahil po dito sa inyong paglalahad masasabi natin na kayo ay in favor na sa mga susunod na imbestigasyon, the whistle blower should name names, kasi kanina ay in-express ni Senator Alan Peter Cayetano

Sen. Poe: Para sa akin meron naman silang mga kasamang abogado. I don't think your statement in the Senate, unless its contrary to your sworn statement in court, would be a basis to discount your testimony. So my feeling is that your sworn statement with the Ombudsman is exactly the same as your sworn statement in the Senate it shouldn't be used to diminish your case. It should actually strengthen your case.

San Gabriel: In relation to that Senator Grace marami pa pong ibang mga lawmakers na pinangalanan si Senator Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech kahapon. Ano po ang masasabi niyo dito sa mga idinadawit pa niya na sinasabi niya na umano'y kailangan ding imbestigahan. Do you feel that there is a need also for the Senate to investigate on your fellow lawmakers?

Sen. Poe: Either a problem or a good thing about an investigation like this is you discover more things. Para bang pag may nakita kang tumutulo sa bubong mo, sa ceiling mo pag binuksan mo ay hindi lang pala yun ang problema, marami pang problema yung sa tubo, yung gutter mo sira. Ganyan ang nangyari dito, nag-uncover tayo doon sa ibabaw, malalim at ma-ugat na ang problemang ito so lahat ng pinangalanan na iyan ay... whether it was right for him to do so or not, I mean he can do so and he did. So at least yung sinasabi niya na walang opportunity to be able to present his side, the fact that his statement was covered by most network live, and all radio stations and even the print media, it just proves that our democracy is alive and well and if that is national interest to know what are you talking about, it will be covered by media.

Atty. JJ: Kayo na rin po ang nagsabi na yung binuksan natin yung ibabaw pa lang ng imbestigasyon na ito ay napakarami nating nadiskubre sa ilalim pa, na problema pala at nakita rin ng taong bayan na karamihan ng mga involve ay mga kapwa niyo rin lawmakers, lower house man o dito sa senado. What are your thoughts on this, considering na kayo ay isang bagong kasamahan nila? Is there anything that a Senator Grace Poe could do to avoid all of this things or at least ma-vindicate ang mga malilinis na lawmakers?

Sen. Poe: Siyempre it's a concerted effort by everybody to save the reputation of this institution. Of course it's sad. Sabi nga nila it's the best of times, is a worst of times to be here. Best of times kasi this is your opportunity to make those changes, to actually whatever we learn from this in make those changes through our laws. But it's sad because you have people around you that you know, but again your responsibilities, is primarily to the people who voted for you. Yung mga bumoto sa'yo, sa kanila ka may utang na loob kung tutuusin. Katulad ninyo sa media lahat naman kami kilala niyo di ba, nakikita niyo kami, palagi kong sinasabi hi, hello pero malungkot man kailangan mong tanungin ng masasakit na tanong dahil ang trabaho ninyo ay malaman ng tao kung ano ang nangyari. Kami bilang mambabatas trabaho namin na magbalangkas ng batas at siguruhin na iniimplementa yung batas na iyan sa aming oversight. So were just doing our jobs, our responsibility to the people.

San Gabriel: Since this investigation is in aid of legislation, sa mga nakalap na pong impormasyon ng Blue Ribbon Committee. Ano po sa tingin niyo ang mga batas na nais niyong suportahan o ihain from what you've found out through this investigation?

Sen. Poe: First of all kailangan natin i-evaluate yung executive branch halimbawa yung mga iba't ibang ahensya, kung papano ba sila binibigyan ng mandato na maglabas ng pera, kasi parang napakadali na magbigay lang. Pangalawa, yung whistleblower act kailangan nang maipasa yun, itong ginagawa ko yung FOI na pumasa na, na submit na natin yung ating committee report na sa tingin ko ay walang problemang maipasa ito.

News Latest News Feed