Press Release
September 25, 2013

Transcript of Sen. Grace Poe's interview
With Liza Soriano, DZIQ

September 25, 2013

On FOI BILL

Liza, Soriano: Congrats po, pasado na ang FOI Bill.

Sen. Grace Poe: Oo nga eh, salamat. Pag resume po ng ating session magkakaroon na po ng debate sa senaryo tungkol dito para matapos na rin lahat ng mga tanong tungkol sa ibat'ibang probisyon nito.

Q: Ano po ang pinagkaiba nitong inyong FOI Bill sa nakalipas na panukala ng ibang senators?

Sen. Grace Poe: Yung para sa akin po, yung FOI bill malaki naman ang pagkakapareho, ang pagkakaiba rin marami ring mga substantial or sabihin na nating malalaking pagkakaisa katulad ng unang-una, dito sa FOI Bill na pinapanukala ko, kasama po dito yung mga private corporations na mayroong transaksyon sa gobyerno. Yun nga din po yung dapat nating malaman, syempre pumapasok na sa isang kontrata yung ating gobyerno at kailangan din nating malaman kung ano ba yung sa panig noong mga pribadong korporasyon. Dapat buksan din nila ang kanilang mga libro ukol doon sa kanilang transaksyon sa gobyerno. Pangalawa, itong FOI Bill para naman maging ganap na sandata ng ating mga kababayan, dapat alam nila kung ano ito kaya mayroon tayong ini-integrate dito na dapat sa mga private at public schools ituro sa kanila ang Hekasi at sa mga Araling Panlipunan ang ibig sabihin ng FOI Bill at good governance hanggang sa high school. At pangatlo, ang manual tunkol sa FOI naiintindihan ng ating mga kababayan at hindi lamang mga abogado. Kaya sabi nila, dapat magkaroon Plain Writing position, ibig sabihin gawin madaling intindihin ang mga dokumento na maging Freedom of Information. At syempre nilagay din po natin, kailangan may ngipin ang ating batas na kapag ikaw ay isang kawani ng gobyerno at sinira mo ang isang dokumento kaya ikinubli mo at hindi mo binigay, pwede pong merong administrative liability of kaya po meron ding tungkol kung sakaling may mali sa ginawa mo.

Q: Linawin ko lang, ito po bang FOI na 'to hindi lang magiging sandata ng mamamahayag kung hindi sandata ng taong bayan. So kahit sino po pwedeng maka-hingi ng access sa anomang information?

Sen. Grace Poe: Oo naman, yung sinasabi nilang sa media lang ito, hindi naman makatarungan iyon sapagkat sinasabi ko nga, hindi mo man makain ang FOI Bill, kung ikaw ang local government ay inaatasan din na magbigay ng impormasyon. Kunwari ikaw ay tiga-baryo ay pwede kang pumunta dun sa lugar ng munisipyo at sabihin mo na pahingi nga ng kopya ng pinaglalaanan mo ninyo ng pondo at budget para sa mga magsasaka natin halimbawa. Kung hindi mo naman naiintindihan, pwede kang tumawag ng media para tulungan ka sa iyong salita. Ito po ay para sa lahat.

Q: Maganda po iyon na dapat mamamayan ang nakakaintindi. May mga provision po sa special law na hindi naman talaga binibigay ang mga dokumento katulad sa taxation. Paano po iyon tututukan madam?

Sen. Grace Poe: Ganito po 'yan, tayo ay ginagalang din natin ang karapatan ng mga pribadong mamamayan. Halimbawa yung taxes, hindi na naman 'yun kasama pero 'yung SALN, tulad po samin mga senador, cabinet o mga military, may mga provision naman po na nagsasabing ang SALN ay ipost natin. Ngayon, yung doon naman sa BIR, kung mayroon naman ebidensya at kasama sa isang kaso at hindi naman po magje-jeopardize doon sa preceedings pwede naman ding masama yun.

Q: Anong aasahan po natin kung si Napoles ay umattend sa hearing sa Senado?

Sen. Grace Poe: Marami naman tayong malalaman kahit hindi kasama si Napoles although ako personally gusto ko sanang pumunta doon.

Q: Mayroon po bang FOI Bill na ipinatutupad ngayon na iwasan ang paglutang ng PDAF Scam na ito?

Sen. Grace Poe: Ay oo naman, sa tingin ko. Kasi imagine ang COA report, 2007-2009 napaka-tagal. Pero kung ito'y napopost na ahead of time, ay baka tulungan pa sila ng taong-bayan na gumawa ng audit report. Para sa akin po, malaking bagay na mayroong trasparency para hindi lamang po kakaunting mga mata at pare-parehong mga mata ang nagbabantay ng ating mga transaksyon. Lahat tayo ay mayroong karapatan tumingin din.

Q: Ano pong nakikita nyo na pagdating sa kamara ay inuupuan lang?

Sen. Grace Poe: Iba na rin ngayon, mayroon na tayong social pressure. Dahil nga sa nangyari, kahit naman sa senado alam naman natin na maaprubahan ito. Pero bihira rin naman na sa unang taon pa lamang ng isang 16th congress, sa unang buwan pa lamang sa senado. Tapos na tayo sa commitee report, magsusubmit na so, mayroon namang progress at ako'y nagdadasal. Sa tingin ko, kung sino man ang pwede kong maka-usap sa lower house para sabihin din na madaliin na nila. Pero syempre meron din tayon kortesiya sa kanila. So, hindi din naman natin pwedeng pilitin.

Q: Medyo mabigat yung sinasabi ni Senator Jinggoy Estrada na kung saan 50-M daw po sa mga senators na pumabor para sa impeachment ni CJ Corona.

Sen. Grace Poe: Alam mo, I have to..I don't know, wala ako nung mga panahon na iyon pero iisa lang ang masasabi ko lang sa iyo, siyempre nakakahalubilo ko naman ang mga senador na iyan, nakakasama ko sila ngayon. Itong sinabi ni Sen. Jinggoy tungkol sa 50-M kitang kita ko yung reaksyon ng mga senador na parang Ha! nagulat din sila, ewan ako. Ako sa response nila perhaps wala talaga silang natanggap at hindi ko alam kung nakarating sila o talagang hindi. Ako nga rin gusto kong tanungin kung meron ba talagang nakatanggap at dapat linawin nila kung wala, kasi alam niyo hindi loko yang bagay na iyan masyado nakakagimbal yan, first of all hindi natin pera yan, pera yan ng taong bayan. Nang ako ay in-interview ng mga UP students kanina sabi ko natural lang na maghihimutok ang mga tao sapagkat ang tax base natin sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas sa buong mundo. Imagine mo 30% of what you earn, for example you're earning 1,000, 300 goes to the government, tapos ngayon although naniniwala naman ako na lahat tayo ay talagang dapat magbayad ng buwis ay talagang napuputukan itong buwis na ito ang lahat ng mga nasa middle class sapagkat tanggal na kaagad sa sweldo nila yung withholding at kung ano-ano pa. At sa professional fees, alal ko iyan dahil ang mga artistang mga nakaka-usap ko yung VAT ang laki ng binabayad, kaya talagang maiinis ka pag naiisip mo na napupunta lamang sa iba't ibang bagay na hindi naman nakakarating sa pinakamahihirap nating kababayan ang dapat na napupunta sana sa kanila.

Q: Mam, dapat bang maisama sa imgbestigasyon itong revelation ni Sen. Jinggoy para once and for all maliwanagan na talaga dahil apektado ang senado at institusyon?

Sen. Grace Poe: Oo naman kaya sinabi kanina na ire-refer yun sa Committee on rules. So dapat talagang sagutin yan point by point, not for anything, not to defend anyone reputation alone, defend the reputation of the institution. So kasi kung meron talagang nagkasala hindi naman ang institusyon lamang ang nagkasala, yan ay ginawa ng tao sa isntitusyon so dapat talagang ipatawag sila. So yun lamang kaya para sa aming mga baguhan pinagpala pa kami kasi hindi na kami makakatikim ng PDAF, walang temptasyon, walang alegasyon at kung ano pa man tungkol diyan. Kumbaga may isang batikang na senator na sinabi sa akin na at least kayo you are on the fresh start and tama yung sinasabi niya kasi para sa akin you have to learn from history, we have to learn from other peoples mistakes kasi kung hindi wala tayong improvement.

Q: Thank you very much po mam, welcome po sa aming progama sa Let's talk, Mag-usap tayo.

Sen.Grace Poe: Salamat po at magandang gabi po

Ed: Napakagaling niya partner, napakagaling niyang senador.

News Latest News Feed