Press Release
September 12, 2013

Transcript of Sen. Grace Poe's questions at the Blue Ribbon Hearing

Sen. Grace Poe: Magandang hapon po Sec. de Lima at Mr. Benhur Luy, maraming salamat po at kayo ay dumalo ngayong araw. Simple lang ang mga tanong ko, gusto ko lang tanungin sa inyo. Una Mr. Luy, kamusta na ang kalagayan ninyo ngayon? Okay naman po kayo na nasa proteksyon kayo ng gobyerno?

Mr. Benhur Luy: Okay naman po Madame.

Sen. Grace Poe: Kasi binabalangkas natin ang Whistleblower Protection Law, nais nating malaman kung paano nating mapapangalagaan ang kapakanan ng mga nagsasakripisyo para maitama ang sistema natin. Hindi madali ang kalagayan ninyo, marami na akong nakilalang whistle blowers na hindi nga madali at binabangga ninyo ang mga makapangyarihang tao pero huwag ninyong kakalimutan na kakampi ninyo ang taong bayan dito, so basta lang naman ilabas mo lahat iyan hindi ka naman pababayaan at lalong lalo na kung magkaanak ka in the future ang sistemang aayusin mo ngayon ay magiging benepisyo din sa kanila. Ang tanong ko sa iyo, ang nababasa natin sa diyaryo nagkaroon ng lamat ang relasyon ninyo ni Janet Napoles, kailan ba talaga at paki-linaw lang po bakit nagkaroon ng lamat ang inyong relasyon?

Mr. Benhur Luy: Kasi po Madame noong nagpa-call siya ng meeting, noong December 19 ng morning, nagpa-call siya ng meeting kasi may backlog po kami kasi collection na iyon kasi papasok na po yung Christmas. Ang Christmas party namin is December 22, Saturday. Sabi ni Ms. Napoles, kailangan magmeeting tayo ano yung mga kulang, ano yung mga backlog. Nagkataon po noong nagpatawag siya ng meeting ang present po doon si John Lim, yung pamangkin ni Ms. Napoles si Merlina Sunas, ako ho, and si Evelyn de Leon kasi kami po ang mga yung in-charge sa mga projects, itong mga PDAF. Noong nagpa-call na po siya ng meeting, mayrroon siyang..ipina-followup niya sa akin kung kamusta na yung implementation ko na naka-assign sa akin which is yung sa DA. Tinanong niya sa akin, sumama rin po kasi ako doon sa implementation sa Masbate na nauna na yung items, pupunta din po kasi yung inspector team ng DA so parang sinamahan ko lang po sila. Ang nangyari po, noong pumunta kami ng DA, pagbalik tinatanong ni Ms. Napoles kung kamusta na ang list of beneficiaries yung ganoon, nadistribute na ba? Ang sabi ko kay Ms. Napoles; 'Madame, hindi naman po ganoon kadali ang pag-distribute kasi that's almost 1,000 plus kasi from DA na 15 million ng isang lawmakers at mayroon din siyang sub agency sa NAPC na another P15-M so that's P30-M.

Sen. Grace Poe: Distribution ng ano po? particular items?

Mr. Benhur Luy: Sprayers, fertilizers ganoon po. So nandoon na po, nasa area na po ang goods kasama ko rin ang DA na nag-inspect, tinatanong ni Ms. Napoles sa akin kung kamusta na, nadistribute na ba lahat? Sabi ko nga po kay Ms. Napoles, hindi pa po ito tapos dahil ang aming nadistribute is almost 300 ganoon pa lang.

Sen. Grace Poe: 300 units? areas?

Mr. Benhur Luy: Yung goods po, sprayers, fertilizers.

Sen. Grace Poe: 300 Pieces? 300 na kahon?

Mr. Benhur Luy: package po.

Sen. Grace Poe: Yung isang package, gaano po karami? Kaya ko tinatanong kasi depende po sa buidget nga ninyo kung ilan.

Mr. Benhur Luy: Sa isang package po, isang sprayers, 16-15 liter na sprayer, 12 organic fertilizers.

Sen. Grace Poe: Pero yung actual na amount na ibinigay sa inyo, P30-M?

Mr. Benhur Luy: Sa PDAF po, 15-15 kasi yun eh.

Sen. Grace Poe: Mga P30-M? Ilan ba ang target ninyo, sabi mo mga 300 pa lang yung nadi-distribute sa inyo ni Janet?

Mr. Benhur Luy: Parang umabot po iyon ng almost 2,000. So hindi naman po namin iyon matatapos considering may mga tao din yung lawmakers na nandoon sa distribution, siyempre may mga schedules din sila so hindi din namin sila bubulabugin dahil sa kanilang mga appointments. So ang nangyari, pagbalik tinanong ni Ms. Napoles kung na-distribute na sabi ko Madame hindi pa po tapos sabi niya natatawagan mo ba yung contact person mo doon, sabi ko opo Madame nagte-text kami. Ang nangyari po tinawagan ko ang tao na iyon, hindi sumasagot dahil yung isang ka-office mate ko po nagkaroon din siya ng implementation sa livelihood training sa NLDC siya rin kasi yung ini-assign ng lawmaker so ikinompare ni Ms. Napoles ang number ko at ang number ng ka-officemate ko so tapos ang nangyari si Ms. Napoles kasi mahilig magbasa ng cellphones ng mga empleyado eh kapag naiwanan, kukunin niya iyon babasahin niya. Kinompare niya, pinagbabasa niya yung mga text messages ko po, siyempre dahil isa ako sa pinagkakatiwalaan niya sino naman ang kausap namin, yung mga chief of staff, mga lawmakers din in terms of documents, nagduda na si Ms. Napoles akala niya nagta-transact. Minura na niya ako, pinagalitan na niya ako doon.

Sen. Grace Poe: Lilinawin ko, so parang iniisip na nag-aahente na kayo? parang nagsasarili na kayo? Ngayon sinabi ninyo may mga kausap kayo, dahil natural lang mga chief of staff at mga lawmakers, sa Senado ba o Kongreso ang mga lawmakers na kausap ninyo?

Mr. Benhur Luy: Yung mga follow up po ng documents, lower and upper.

Sen. Grace Poe: So, kayo mismo may nakausap sa Senado?

Mr. Benhur Luy: Mga Chief of Staff po.

Sen. Grace Poe: Lawmakers?

Mr. Benhur Luy: Wala po.

Sen. Grace Poe: So doon nag-umpisa iyon?

Mr. Benhur Luy: Doon na, nagalit na siya. Pinag-mumura na niya ako na-witness ng kasama ako. Pero prior to that, nagtatalo na kami ni Ms. Napoles tungkol yung mga report na lumalabas at madalas kung nakikinig man din ang mga legal alam nila na pinapa-resign ako ni Ms. Napoles. Hinamon ko nga, sige aalis ako pero iniisip ko aalis ako may problema ang foundation ko, so saan ako magsusumbong o siyempre considering na very influential si Madam. Sabi ko nga sa kinumpisal kong pari lahat ng ito ay pinahintulutan ng Diyos na mangyari, nung dinitain na po ako sinabi ko sa legal na pumunta may legal kasi kami sa opisina eh, pumunta siya sabi nga siya kung inisip ni Madam na nagta-transact ka sana pabayaan ka na lang, hindi tama ang ginagawa nila sa iyo. Sinabi niya doon sa kapitn na si Reynald na huwag mo siyang i-detain, wag mo siyang ikulong kasi si Benhur marami siyang nalalaman sa transaksyon ng ate mo tapos sinabi din ng Legal kausapin niya si Madam kasi alam ko daw po ang lahat ng transaksyon kasi yung P200-M sa CARPS sa DAR may lumalabsa na rin doon, may sulat na rin doon ang...so ganoon na po.

Sen. Grace Poe: Sir, mayroon ka bang natagong text messages doon sa mga sinasabi mong Chief of Staff?

Mr. Benhur Luy: Noong idinitain po ako, lahat kinuha sa akin. Cellphones, laptop.

Sen. Grace Poe: Noong umpisa ng ating pag-uusap, pinag-uusapan natin na natural lang na ang pamilya ay tumutulong sa kapwa nilang kapamilya hindi ba para maiangat ang buhay, parang may komento kang 'ay hindi siya ganyan', so gusto ko lang maintindihan paano ang trato niya sa iyo kung okay lang sagutin mo, magkano ba ang sinusweldo mo sa kanya noon? sa bigat ng trabahong ginagawa ninyo at sa laki ng responsibilidad din na nakapatong sa iyo?

Mr. Benhur Luy: Noong una Madame, P8,000 ang sinahod niya, nag-umpisa ako P8,000, 2002. Pero ang pangako niya po, tapatan niya yung sahod na ini-offer ng drug testing. Nitong huling sahod ko po P45,000 lahat po kami officers sa opisina P45,000.

Sen. Grace Poe: Sabi mo nga, na ang mastermind at hindi ka sangayon na maging statewitness si Janet Napoles, pero dahil sa kasama ka niya palagi sa sasakyan, siguradong may nagtuturo sa kanya, sa tingin mo kung papaano ang pagpapalakad ng dokumento sa gobyerno, mayroon ba siyang tinitingalang padrino ba nagbibigay sa kanya ng advice? Kasi pagdating sa lawmakers, kilala na natin yung ibang senador pero halimbawa sa mga agency ng gobyerno tulad sa Malampaya sa fertilizer fund scam, mayroon ka bang natatandaan na mga taong palagi niyang nababanggit ang pangalan maaring nagretiro na o nandiyan pa rin? Parang padrino niya, kung may kausap siya, sige isusumbong kayo kay ganyan,parang siya ang nagpo-protekta?

Mr. Benhur Luy: Wala naman, ang naririnig ko lang sa kanya yung mga lawmakers na binabanggit niya ganoon.

Sen. Grace Poe: Hindi sa agencies?

Mr. Benhur Luy: Mayroon, may iilan din po.

Sen. Grace Poe: 2004, nandoon ka na alam naman natin na naging kontrobersyal ang fertilizer fund scam ginamit po ito sabi nila hindi umano, para mamili ng pabor sa eleksyon noong 2004. Ngayon sabi ninyo may mga deliveries ng fertilizers, bagamat may delivery ng fertilizers mayroon din pong akusasyon na ang fertilizers na ibinigay nila sa mga regular na magsasaka ay hindi para sa pagkain kung hindi para sa ornamental plants, natatandaan mo ba kung anong klaseng fertilizers? at kilala mo ba ang mga suppliers na pinaggalingan ng mga pataba na iyan?

Mr. Benhur Luy: Noong 2004, ang alam ko ang bote na sinu-suplay ni Ms. Napoles is Prime EC Foliar Fertilizer. Tapos 300mm and that's ang benta niya P800. Sa fertilizer na iyon, nakalagay sa ilalim na distributed ng JoCris Trading, binili niya itong fertilzer na ito sa ELR Trading, ang JoCris Trading siya ang nagsusuplay sa tatlong foundation ni Ms. Napoles.

Sen. Grace Poe: Bukas pa ba itong mga suppliers na ito, alam mo ba kung operational pa rin?

Mr. Benhur Luy: Hindi ko lang po alam.

Sen. Grace Poe: Panghuling tanong, kasi may nabanggit kayong forgery ng signatures with the authorization di umano nung mambabatas, pero sinabi mo pagdating sa dulo, tumatawag naman para iberipika kung yung mambabatas ba talaga na yun ang pumirma hindi ba? sino ang nagbeberipika, yung tao sa ahensya?

Mr. Benhur Luy: Hindi ko po alam. Basta si Ms. Napoles, may instruction nag-usap sila ng lawmakers pero from the endorsement sa Chief of staff sa kanilang pirma talaga iyon. Mayroon din iilang participation nila sa ilang liquidation kasi po pinapadala po namin sa kanila ang liquidation.

News Latest News Feed