Press Release
September 11, 2013

Transcript of Interview of Senate President Franklin Drilon with DWIZ

Q: Nabanggit po ninyo na ang Pangulong Noynoy na siya po ay nakapagbitaw ng salita na lalabas na soon ang isasampang kaso na Plunder laban po dito kay Janet Napoles at mukhang meron din pong mga tinutukoy na pangalan na kasama po sa Senado, Mr. Senate President?

Yun po ang nabasa ko kanina na nabanggit ng pahayagan ang tatlong kasama ko sa Senado. Siguro Rey hintayin nalang natin ang aksyon ng Department of Justice tungkol dito. Lahat naman dito at this point wala pang sigurado hanggang matapos ang pag-iimbestiga ng NBI.

Q: But klaro po ba bilang kalakaran ang kasong Plunder ay non-bailable, Mr. Senate President?

Nasa batas po 'yan. Ngunit, its too early to discuss that dahilan sa yung pagsinabi mong Plunder na non-bailable, yan po pag naisampa na sa husgado at ang evidence of guilt is strong. Ibig sabihin malakas ang ebidensya. Sa makatuwid, dalawa pong bagay ang dapat mangyari, unang una yung pagsampa ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan. Hindi po yung pagfile ng NBI sa Ombudsman. Kaso yan po ay iimbestigahin pa ng Ombudsman. Kung makakita ng sinasabi nating probable cause ang Ombudsman, pag nakita niya ang ebidensya ay may probable cause, dun palang isasampa ang kaso sa Sandiganbayan. Hindi naman automatic yung warrant of arrest na walang bail kung hindi susuriin muli ng Sandiganbayan if the evidence of guilt is strong. Kung malakas ang ebidensya, dun lang mag-iissue ng warrant. Hindi po automatic 'yan.

Q: Hindi kagaya ng mga ibang kaso pagka inakyat sa husgado, automatic po na nilalabas ang warrant of arrest.

Hindi rin. Sa ating saligang batas, kailangan po na may obligasyon ang isang huwes na tignan ang ebidensya at tignan niya na malakas ang ebidensya at dahilan dun ay mag-iissue ng warrant. Hindi po automatic 'yan in any case. Lalo na ditto pag seryosong kaso, kailangan pag-aralan ng husgado kung malakas ang ebidensya at dun lang siya mag-iissue ng warrant of arrest na walang bail.

Q: Sir, may mga nagsasabi na kapag nakasuhan na ng Plunder itong mga legislator sa Sandiganbayan, automiko daw po na masususpinde sila bilang miyembro ng Congress?

Hindi po ganun. Hindi po totoo yan. Maalala niyo ilang beses nangyari sa Kamara de Representante na merong order of preventive suspension yung husgado. Hindi po ibig sabihin na kung may order of suspension, masususpinde po yung mambabatas. Ang pagsuspinde at pagdisiplina ng isang mambabatas sang-ayon sa ating Saligang Batas ay nasa Kongreso or Senado at hindi po sa husgado. Kaya kailangan po may Ethics case na i-ffile dun po sa member ng Congress or Senate.

Q: Pero kung wala pong mag-file ng complaint sa Ethics committee, they can still perform their job as senator or congressman?

Tama po yan. They can continue to perform dahilan sa until they are convicted, they can continue their presumed innocence.

Q: Sinasabi na baka this coming Friday may makasuhan na ng Plunder. Kapag po ba may nakasuhan na itong DOJ dito sa Ombudsman, maari pa rin bang ipagpatuloy ng Blue Ribbon committee yung ginagawang pagdinig dito sa pork barrel scam?

Nakay Senator Guingona na po 'yan. Hindi ko po masagot. I cannot substitute. Alam mo naman sa amin sa Senado, ang chairman ang siyang nagbibigay ng direksyon sa kahit anumang imbestigasyon. Ayaw ko pong pangatawanan si Senator Guingona kahit po ako ang Pangulo ng Senado. Ang aming tradisyon po dito sa Senado pag ang chairman ng committee ay siyang timon sa kanyang komite.

Q: Pero Sir malulungkot po ba kayo pag may mga miyembro ng Senado na masasama sa mga makakasuhan po?

Yun naman po ay nakakalungkot at araw-araw kasama natin. Yan naman ay handa silang harapin itong mga kasong ito.

News Latest News Feed