Press Release
September 6, 2013

Transcript of Interview of Sen. Grace Poe with Arnold Clavio &
Susan Enriquez at GMA 7's Unang Hirit on September 5, 2013

Arnold: Nasa linya po ng telepono si Sen. Grace Poe, Chairman ng Senate Public Information Committee. Good morning po Senator. Doon sa mga naging political interviews dito bago ang halalan, lagi niyong ipinapangako sa amin na tututukan niyo yung pagpasa ng FOI Bill. Anong target ninyo na ito'y maipasa sa senado. Ano po ang takbo nito sa Senado senadora?

Sen. Grace Poe: Kumpiyansa ako na ito'y maipapasa end of this year. Pero kung hindi man, alam ko kasi yung committee report namin, ihahanda ito bago matapos ang Oktubre. Ngayon, sa dami kasi na ang sabi sa akin sa senado yung ating mga kasamahan doon na sila'y suportado dito, parang sa tingin namin by the end of this year. Kung saka-sakali, at least at the very least matatapos siguro ito bago matapos itong 16th Congress.

Arnold: Buti sinabi niyo end of this year kala ko end of his term. Ito, yung kontrobersyal na probisyon on right of reply na isinusulong nila lalo na sa kongreso, ito ba'y ire-retain sa senate version?

Sen. Poe: Kasi po sa mga version namin, malaki din po yung version doon ng Right to Know, Right Now Movement, wala na po kasi yung right of reply. Hindi po nakalagay doon. Ngayon sa House version, hindi ko kasi alam kung ipaglalaban talaga nila ito, dahil sa totoo lang meron naman talagang nakikipaglaban para ilagay yung right of reply. Pero kasi ako po ay hindi talaga sang-ayon dyan at sa senado naman naiintindihan naman nila kung bakit hindi iyan kailangang ilagay dyan.

Susan: Senadora, hihilingin niyo po ba sa Pangulo na i-certify iyan gaya ng iba?

Sen. Poe: Igan, yung version naman ng Malacanang okey naman. Meron lang akong kailangan tingnan doon pagdating sa penalties. Kasi para sa akin malaking bagay talaga na may pananagutan ang mga kawani natin para naman talagang masundan itong mga batas na ito. Pero, hindi ko na po hihilingin na i-certify ito ng ating Pangulo. Sa tingin ko yung taong bayan naman mismo ang nagpapaabot nito sa kanilang mga kilos ngayon, sawa na rin sila sa kadiliman na hindi natin nakikita yung mga impormasyon na dapat natin makita agad. Kaya nagkakaroon ng mga ganitong sitwasyon.

Arnold: Maraming salamat po. Kailan po ang susunod na hearing senadora?

Sen. Poe: Next Thursday po yung hearing natin, yung susunod naman mga miyembro po ng networks ang pupunta doon.

Arnold & Susan: Salamat po senator, good morning.

News Latest News Feed