Press Release
September 6, 2013

Transcript of interview of Sen. Grace Poe's interview with Erwin Tulfo & Martin Andanar at Punto Asintado

September 5, 2013

Panukalang FOI dininig sa senado

Erwin Tulfo: Madam Senator Magandang umaga po.

Martin Andanar: Good morning Ma'am.

Sen. Grace Poe: Magandang umaga, Martin at Erwin at sa lahat ng nakikinig.

Erwin Tulfo: Kahapon nakita naman ho at balita yung tungkol sa nangyaring hearing sa senado at kayo nga po ay nangunguna dyan. Sabi niyo and you've been saying this since last week at noong maupo kayo na kailangan maipasa na itong Freedom of Information Bill. Para mailatag na at malaman ng taong bayan kung papaano ginagasta ng gobyerno at para matigil na itong mga alingasngas at hindi magdududa ang mga kababayan natin. May mga suporta na ho kayong nakuha Ma'am, hindi lamang sa media, maging sa executive branch katulad nila USec Quezon, asec ng DOJ at DND ay suportado ho ang inyong panawagan na ipasa na itong Freedom of Information Bill.

Sen. Grace Poe: Tama kayo, talaga namang natural lang na ang media na suportahan itong FOI. Pinagmamasdan talaga nila kung anong ginagawa para sa taong bayan. Ginawa ko kahapon, inimbita natin ang DND, ang DOJ pati yung mga sangay ng gobyerno na kadalasan ay mayroon reservation tungkol sa FOI at nagsabi sila mismo doon na sila naman po ay para sa FOI at aminado sila na ang FOI ay pagkakataon na natin para malaman natin kung anong nangyayari sa ating gobyerno. Yun lamang po. mayroon lamang pong ibang bagay tulad ng penalties. Kasi ako naniniwala ako na dapat talaga may penalty, kung hindi wala namang insentibo na gawin naman talaga namin ang responsibilidad sa gobyerno. Doon lang po talaga kami dapat nakatuon ngayon at yung National Security. Hindi naman po laging national security ang dahilan para hindi ilabas ang isang dokumento. Yun lang po aayusin natin.

Martin Andanar: Pwede naman pong kopyahin Sen. Grace Poe yung FOI version ng Amerika kung saan mayroong probisyon sa national security.

Sen. Poe: Opo Martin, tama ka dyan. At ang maganda rin dito ay yung Right to Know Right Now Movement na mayroon period of declassification. Halimbawa, pwedeng sabihin sa executive session, pwedeng hindi muna pag-usapan ito dahil baka masira ang isang pag-iimbestiga ng isang criminal activity. Pero sabihin siguro sa period na where arrest have been made or within 2 years pwede nang ma-declassify. Yun po siguro ang mga bagay na kailangang ilagay doon para meron tayong safeguard.

Martin Andanar: The last SONA ni PNoy, hindi naman niya nabanggit itong FOI. Well I guess, na-overtake na nga ito ng mga circumstances, ito ba'y nasa priority bill ng Pangulo?

Sen. Poe: Alam niyo po sa Pangulo hindi naman nila ito sini-certify as urgent. Pero sa Senado pop, sinabi na po ni Sen. Pres. Franklin Drilon na ito po ay priority bill ng senado. Ako po ay umaasa na ipapasa nga ito itong taon na ito. Hindi naman po kasi ito problema sa senado, naipasa na po ito noon. Ang maganda po kasing gawin namin ngayon ay makipagpulong sa Lower House para mapabilis ito. Ang dinig ko po si Cong. Leni Robredo ang magiging champion po ng FOI kasama ng iba pang mga grupo dito sa Lower House.

Erwin Tulfo: Ma'am where do we go from here? Alam naman natin na majority sa senado ay they are for the passage of FOI. Nagkakaproblema po Ma'am dito sa Lower House, mukhang nagdidili-dali yung mga mambabatas po natin sa mababang kapulungan. Paano po natin marerersolba ang isyu na ito?

Sen. Poe: Ako naman po ay kumpiyansa dahil na hiling na rin ito ng taong bayan. Nakita naman natin yung Million People March na naganap at kayo rin sa media magkakaroon na rin sila ng insentibo na ipasa yan. Bigyan naman nila ng magandang imahe ang kongreso. Sa akin po yung public opinyon malaking bagay yan para itulak yung ating mambabatas. Katulad po niyan kanina, pinag-uusapan niyo yung presyo ng bigas, lahat po yan mas madali maiimbestigahan kung bukas ang records ng gobyerno. Sabi nga po ng KBP lahat ng records ng gobyerno ay naka-upload na hindi after the fact para mas mabilis yung compliance pag may humingi ng gobyerno.

Erwin Tulfo and Martin Andanar: Maraming salamat po Sen. Grace Poe.

News Latest News Feed