Press Release
September 4, 2013

Interview after the budget hearing of the Committee on Finance

Reaction to the petition declaring pork barrel as unconstitutional

Kung pinagko-comment ng Korte Suprema ang Senado at ang Kamara obligadong magsubmit ng komento ang Senado at Kamara subalit may nauna nang pasya at desisyon ang Korte Suprema bagaman iba ang mga mahistrado na bumubuo noon ng Korte Suprema na sinasabing ayon sa batas ang CDF ang tawag noon, so nasa kamay ng Korte Suprema kung irereview nila yon at kung babaligtarin nila yon sa kaso at pagpapasya nilang ito.

Sa claim ng petitioners na unconstitutional ang PDAF

That's again, that's the same claim made by the petitioners and earlier case before nakalimutan ko lang ang pamagat ng title nong kaso, pero karapatan ng sinumang mamamayan na kuwestiyunin muli dahil baka naman magbago ang pananaw din ng korte.

Pagna-abolish ang PDAF magiging moot na yon?

Pag-inabolish naming ang PDAF hindi nagiging moot yon dahil baka gawin lamang yon para sa isang taon o sa taong ito, baka bumalik din, pero kung may desisyon na pinal, final and executory decision na nagsasabing bawal ito, hindi lamang yon bawal sa taong kasalukuyan at hindi na pwedeng ibalik yan.

Yung plunder case possible daw mai-file against senator this week or next week, anong pwedeng mangyari kung masampahan ng plunder?

Sang-ayon sa plunder law kapagka may kasong isinampa ito ay non-bailable at pangalawa automatically suspended and sinumang opisyal na masasampahan ng kaso, yon ang naaayon sa batas na ipinasa ng Kongreso kaugnay ng plunder.

Paano kung sa senate medyo marami-rami yung damay dito?

Hindi naman siguro aabot, pero the Senate would have to confront this issue both as an institution and individually and again in accordance with the provision of law, we will have to comply.

Sir would you rather than magdecide yung Supreme Court sa constitutionality ng PDAF?

Hindi, magkahiwalay na isyu yon, magdesisyon man sila pabor o kontra sa legality ng pork barrel, dapat magdesisyon din ng hiwalay ang Senado at ang Kongreso kung ia-abolish nga ba yan o hindi.

Kung makakasuhan ng plunder how would this affect the credibility of the Senate?

Well the institution would have to, again face this issue, face the situation but I hope if at all na huwag naming lahatin, hindi naman dapat siguro nilalahat na ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat, partikular isipin din natin na ito ay pagsasampa pa lamang ng kaso at wala pang conviction by final judgment. Again at the end of the day we have to presume everyone to be innocent unless and until proven guilty.

Just to clarify pagnasampahan ng kaso sir suspended na agad?

Nakalagay yon sa Section, kung hindi ako nagkakamali, ng plunder law natin.

Section 64 ng NEP 2014 pertains to requirements on CSO or civil society organizations and NGOs, pwede kayang para mawala na yung isyu ng NGO na name-misspent yung pork barrel doon alisin na yung section na yon?

Isa yan sa mga kinkokonsidera namin o maliban don iistriktuhan kung sino-sinong NGO lamang at kung ano-anong proyekto at programa na pwedeng ipatupad ng NGO. Sa dalawang aspetong yong titingnan namin at susuriin namin yan, but definitely that provision cannot and will not remain as it is.

Nakalagay din don that government should ensure that CSOs are legitimate, in past years hindi nga legitimate yung mga CSOs ...

Hindi lang yon, may implementing arm at agency tayo through the departments bakit ba kailangan ng NGO, pangalawa dapat nating tingnan bakit ba napakadaling tunawin o mahirap hanapin yung consumable goods ang palaging pinapadaan sa NGO at hindi yung mga pwede o easily verifiable na mga proyekto. Sa dalawang aspetong yon titingnan naming yun relevance at kung saka-sakali ang kahalagahan pa at papel na pwedeng gampanan ng NGO. You have to remember under our 1987 Constitution pinalaki at pinalawak ang papel ng POs at NGOs at CSOs sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan at pakikilahok sa pagdevelop at pag-craft nito.

Bibihira yung mga senator na nagpaparticipate sa hearing ng Finance Committee may kinalaman kaya ito sa pork barrel controversy?

Hindi naman siguro kasi kahit ako noon hindi naman ako nagparticipate sa committee deliberations ng finance committee nong ako ay ordinaryong miyembro lamang, sa floor na lamang ako nagpa-participate dahil dadaan naman ulit sa floor. Yung gulo sa NBI sinasabing low morale yung mga NBI agents hindi ba nakakakaba na baka maapektuhan yung inivestigation nila sa pork barrel scam considering na hindi pa nga sila tapos?

Well, ako ay may pangambang ganoon, sana maresolbahan yung isyu sa NBI, sana yung pagbibitiw ni NBI Director Rojas ay maresolbahan sa lalong medaling panahon at hindi manatiling nakabitin, tulad nang nangyayari ngayon dahil maliban sa nakabiting kalagayan ni NBI Director Rojas gayundin yung kalagayan ng mga deputy director na tila si Secretary De Lima naman ang gustong magbitiw o magsubmit man lang sila ng courtesy resignation, ang problema lang yata yung mga nagsubmit ng courtesy resignation eh yun yung mga ayaw niyang magsubmit ng courtesy resignation at yung gusto nya ay ayaw magsubmit.

Sa Supreme Court na order for Congress to explain the legality of pork ano ba yung posisyon ...?

Congress will have to respond, probably and most likely citing an earlier decision that it is constitutional, also by the Supreme Court, pero anuman ang desisyon ng Korte hiwalay na pasya ang desisyon ng Kongreso kung ia-abolish nga yan o hindi.

Pero hindi ba yan sir parang baligtad doon sa kung ano yung posisyon nyo ngayon to abolish it?

Wala pa namang opisyal na posisyon ang Senado tungkol don.

If you're going to push na legal yon pero kayo dito sa Senate you're moving to abolish it ...

Hindi rin, kasi ang problema non paghindi namin kinontrol eh di parang inamin namin na illegal ang ginagawa namin non, legal yon, kaya lang may pagpapasya kami kung ipagpapatuloy pa ba yan o hindi.

News Latest News Feed