Press Release
August 15, 2013

Interview with Sen. Cynthia Villar

On the sex-for-flight hearing

Villar: ... The intention of the hearing is for the people of the DFA and the DOLE to find out what the practices are in the field. At kung makita nila, magawan nila ng paraan na ma-reform ang system doon para hindi na mangyayari ito. Kasi parang nakikita natin na hindi masyadong knowledgeable iyong nasa head office about what's happening in the field at walang check and balance. This is a good investigation kasi makakatulong ito para matulungan natin ang ating mga OFWs sa abroad na nagkakaproblema.

Ano ang tingin ninyo sa explanation ni Labor Attache Villafuerte sa akusasyon sa kanya?

Villar: Ang tingin ko, there should be a semblance of truth kasi hindi naman mag-iimbento ang isang tao, o tatlo sila, para i-accuse ang isang tao. There must be something wrong there. Dapat talagang tingnan ng kanilang department secretaries ano ba ang mali doon bakit nagkakaganoon ang mga tao doon.

Ano po ang masasabi ninyo sa denials ni Villafuerte?

Villar: Parang nakikita ko na may pattern doon kasi baka nagbabago na ang values ng mga tao doon with regards to women. Maybe iba ang ugali ng mga tao sa Middle East na somehow naa-affect ang ating mga kababayan na iyong allowed sa Middle East ay pwede na rin nating gawin. I want to think that there is a pattern ng pag-uugali.

Aside from like of knowledge, ano pa ang nakikita nyong kailangan i-address?

Villar: I think there should be check and balance. Hindi ipauubaya sa isang labor attaché ang operasyon ng ating mga bahay kalinga at ang mga operations sa OFW. Kailangang meron ding tumitingin mula sa head office kung ginagawa talaga ng labor attaché ang kanyang responsibility. May sinasabi rin sila na the labor attaché will sign job orders para ma-employ ang mga nandoon. Ano-ano ba iyong mga job orders na iyon? Iyon ang gusto kong itanong next time. Ano ba ang power ng labor attaché to sign job orders para ma-employ ang ating mga kababayan. Hindi very clear iyon so I guess we have to continue with the investigation para makita natin ang puno't dulo ng ating mga problema.

We're here not really to condemn anybody. We are here to find out what's wrong with the system. We should reform. Kawawa naman kasi I'm sure kung nangyayari ito sa Saudi Arabia, sabi nila may 20 tayo na bahay kalinga, I'm sure kung nangyayari dito iyon, nangyayari din sa other 19 na bahay kalinga. So it's not really about Saudi Arabia only, it's about the operation of our bahay kalinga, at ang labor office natin in the whole world.

News Latest News Feed