Press Release
August 8, 2013

Transcript of Interview with Sen. Grace Poe
Kalye Escalera
8 August 2013 8:00 to 9:00 am
DZRB 738 Khz/Radyo ng Bayan

Q: Senadora Grace Poe good morning!

Poe: Magandang umaga Mr. Dalisay!

Q: Kami po ay napatawag para kayo ay kumustahin bilang isang bagong senador dahil kahapon ay nagdaos na kayo ng unang pagdinig dito sa nangyaring pambobomba sa Mindanao. Ano ho ba ang initial findings na nakita dito ng komite bagamat kinapos kayo sa oras?

Poe: Una ay nais kong batiin ang inyong mga tagapakinig. Kahapon yung pinaka-unang hearing ng Senado sa pag-uumpisa ng aming session. Una ko rin pong hearing kaya medyo kabado po ako kahapon subalit ang mga nakita natin diyan ay nakakabahala talaga. Ang paggamit ng explosive materials diyan sa ibang parte ng Mindanao napag-alaman din natin hindi natin matutunton ang iilang grupo lamang maraming mga anggulo ng motibo ang nakikita dito. Subalit dahil ang trabaho namin ay para makagawa ng mga lehislasyon na makatarungan at makakatulong sa ating mga kababayan. Kami ay nag-request sa PNP na isumite sa amin ang kanilang rules at procedures sa pag-iimbestiga para makita kung ito ay talagang ginagawa nila nang tama, pangalawa humingi rin si vice chair Sen. Honasan ng kopya ng lahat ng lehislasyon na maaaring maka-apekto dito sa imbestigasyon para makita kung ito ay akma pa sa panahon.

Q: Siguro ito pong isa pang bigyan natin ng pansin sa susunod na pagdinig ng inyong komite sa usapin. Iyon pong bulto ng imported na materyales na pumapasok sa paggawa ng ganito ng mga uri ng bagay ang importation ng sangkap sa paggawa ng bomba?

Poe: Tama po kayo diyan alam niyo yung nakakatakot lalo na ngayon kahit sa Amerika kahit yung ordinary na materials isa pa na kailangan din naming bigyan ng pagbabantay at pag-iimbentaryo ang AFP lalo na sa darating na budget hearing hihingan yan ng imbentaryo kung papano babantayan yung mga materyales na ginagawang bomba. Pangalawa yung mga mining company sapagkat yan ay ginagamit yung sangkap diyan para sa kanilang negosyo. Minsan nakakalusot at binibenta sa black market na ginagamit din yang mga dinamita na yan. Para sa akin kung talagang nanaisin ng isang salbaheng tao talagang makakahanap siya kaya nga po hindi lang ito certain effort ng otoridad kundi ng ating mga kababayan dapat ay maging mapagmasid tayo sapagkat sa isang iglap lahat ng pinag-iipunan at trabaho ay nawawala dahil sa terorismong yan.

Q: Nagulat lang kami kahapon kasi all of a sudden yung mga pinag-uusapan ninyo kahapon dun sa komite tungkol dito sa mga kahandaan ng PNP at yung ginagawa nilang imbestigasyon sa dalawang magkasunod na pagsabog. Pumasok sa eksena binanggit ni Sec. Mar Roxas ng DILG yung anggulong yung mga pulbura na gamit sa mining ay dapat na isama na rin siguro sa pagtutuunan ng pansin kayo po ba ay nagulat sa isiniwalat niya?

Poe: Hindi naman sa nagulat kaya nga may mga hearing tayo sabi ko sa kanila hindi namin gustong maudlot ang imbestigasyon. Sa Senado open hearing po yan hindi katulad ng ibang korte na nakikita ng publiko nagiging accountable. Pag lumalabas yung ganyan yung idea ng mga namumuno yung ating mga haka-haka pero talagang legitimate ang concern na dapat bantayan na ang mga mining company. Hindi naman sa hindi natin sila pinagkakatiwalaan siyempre marami din silang empleyado kailangang magkaroon ng chain of command lalo na sa pagdating sa pagdi-dispense ng mga materyales na maaaring mkasama kung gagamitin sa hindi wastong paraan.

Q: Meron po bang puwang na magkakaroon ng idea ang inyong komite na ipatawag din po itong mga mining operators diyan sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog?

Poe: Hindi namin naisipang tawagin yan iniisip muna namin na tignan yung regulasyon tungkol sa mining. Isa nga po siguro ay ipatawag sila. Ang alam ko uunahin ang AFP para makita dapat sunod-sunod na nga sabi ko nga bilang isang nanay kunyari may isang shabu na tiangge may isang tao na addict na siya pero initially desisyon niya yan pumunta siya diyan apektado hindi lamang siya kundi pati pamilya niya. Pero itong pagsabog na ito parang sa tiangge rin nabibili sabi ng isang biktima. Pag bumili ka ng ganyan at gumawa ka ng ganyan mga taong walang koneksiyon hindi mo kapamilya walang kaalam-alam yung isa galing pa ng London apektado at nagiging biktima. Ito ay talagang hindi na makatarungan na at hindi na dapat nating palagpasin kaya sabi ko napakabigat ng pasanin na ito. Bagamat ang aming trabaho ay in aid of legislation lamang meron ding tutok sa kanila sapagkat lahat naman kami ang boss namin ay ang mga constituent namin na bumoto sa amin. Yung AFP at PNP ay kailangan sumagot sila sa amin yun lamang po hindi para makipag-away lahat tayo ay nalulungkot dito kaya lang yung mga salarin dito na sabi ko puwede ba manghuli na kayo. Para naman makita ng mga tao na seryoso tayo sa trabaho natin.

Q: Yun nga eh wala pang nahuhuli pero I understand parang may mga sinampahan na ng kaso. Pero ang isang criminal na sinampahan ng kaso kung nakakalaya naman siya useless pa rin hindi naman niya iintindihin yun ine-expect naman niya sa criminal act niya ay talagang sasamapahan siya ng kaso maski hindi siya mahuli?

Poe: Tama kayo diyan isa pa nga pag ang motibasyon ay pera halimbawa yun nga ay nagiging negosyo sa pagbebenta ng mga ganyan. Sabi nga ni Pres. Aquino imbes na gun for hire, bomb for hire. Nakakatakot sapagkat hindi ideology yung kanilang paniniwala bara-bara na maski na sino yun bang humanity natin huwag naman ang mga Pilipino sa tagal ng panahon kahit papano meron ding pagkalinga sa kapwa. Sana huwag mawala ang ganyang klaseng pag-uugali lahat tayo dito ay apektado sa paglago ng ekonomiya. Huwag nating kalimutan na ang pangkontra diyan ay ang isang progresibong Mindanao sapagkat pati na ang mga negosyante ayaw naman nila na magkagulo kung maayos ang kanilang pamumuhay.

Q: Meron po kaming nakukuhang impormasyon na marami din tayong kababayan ng nagfi-fillup ng public documents na natatakot mag fillup halos hindi nila maintindihan yung mga instructions lalo na sa form sa gobyerno, kayo po ba ay may ginagawa na po tungkol diyan?

Poe: Opo yung plain writing bill ibig sabihin yung payak na pagsulat na aming isinumite. Ganito yan parang sinasabi nga namin, ano ba ito nakikipag kumpitensiya ba tayo sa pagalingan sa legal na salita? Ako nga mismo kahit nakapagtapos tayo ng kolehiyo may mga dokumento ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Sabi ko ano ba meron ba tayong pinapa-impress ano ba ang kadahilanan na may dokumento tayo para i-explain sana ang ating karapatan. Tignan naman natin kung sino ang magbabasa niyan. So para sa akin simple makakabawas sa trabaho hindi na natin kailangan ng eksperto kung ano ang ibig sabihin niyan. Pangalawa maraming gumagamit ng mga dokumento mga magsasaka kahit sa salitang sa wikang Tagalog huwag naman nating masyadong gawing napakalalim. Kahit yung mga anak natin na nag-aaral ng Tagalog harapin natin ang katotohanan na ang makalumang salita bagamat proper na Tagalog hindi na masyadong ginagamit. Ngayon ganito sa salitang banyo dati ginagamit palikuran okey naman ako dun pero may mga word pa kasi sa Tagalog na talagang ano ba talaga ano to. Kahit na Pilipino ka nahihirapan ka ang ating objective ay maintindihan ang ating karapatan at ang ating obligasyon huwag naman nating babuyin ang ating salita.

Q: Tamang tama po yung sinasabi niyo dahil ngayon ay buwan ng wika. Ang tanong ko po kasi Peace and order committee ang inyong hinahawakan sa ibang isyu naman may lumalabas kasi ngayon na nagkakasubukan yung Manila govt. at LTFRB tungkol dun sa di pagpapahintulot ng pagdaan ng mga bus sa Maynila. May mga bus po kasi na naglakas ng loob na dumaan pa rin at walang sticker dahil ang katwiran nila ay sinusunod daw nila yung nakasaad sa prangkisa ng LTFRB. Pero ngayon may ordinansa si Mayor Estrada ano ang inyong masasabi tungkol dun sa pangyayaring yan?

Poe: Ako po kasi hindi ko alam kung ano yung nakasaad sa kanilang prangkisa katulad niyo sinasabi sa media. Ganito po dalawang punto sa akin siyempre nakikita natin ang pakay ni mayor gusto ko talaga na may mga leader na tatayo sa kanilang paniniwala. Ang obligasyon niya ay maging maayos ang kanyang lugar. Hanga rin ako kay mayor Erap sa ganun. Pero eto na naman ang problema diyan not so much for the bus drivers yung nakikita din nating pahirap sa ating mga kababayan. Nakikita ko yung effort ni Chairman Tolentino masipag talaga pero pag nakita mo yung ating mga kababayan na naghihintay doon para makasakay sa bus na wala man lang silong na hindi man lang organisado ang pagdaloy ng schedule ng mga bus. Para bang sinasabi mo pag mahirap ka ba wala kang karapatan na makarating sa paparoonan mo na mas mabilis? So para sa akin matagal ng pinag-uusapan yan unang taon ko pa lang sa MTRCB naririnig ko na yan na yung provincial buses dapat ay hindi na papasok sa Manila. Sa tagal ng panahon sana naman may sistema kailangan nila ng statistician para matugon kung ano yung schedule drop off, pick up points ano yung scheduling at kung meron man lang masisilungan yun lang naman po yung sa akin. Medyo nangangarag na rin yung ating mga local govt. pati na rin yung national govt. kung ano ang gagawin. Pero dapat nila dahil ang mga kababayn nating mahihirap may karapatan din naman na magkaroon konting comfort sa kanilang pagpasok sa trabaho.

Q: Kaya may mga suggestion ngayon na kinakailangang ang intervention ng Senado dahil sa issue na yan baka magbago yung mga batas na sinusunod diyan?

Poe: Kung hindi man sa mga batas na yan ang masusunod sa pag implement mag public hearing sila kasi wala kang choice lahat ng leader ay papasok talaga sila diyan. Kaya nga sinasabi nila you're wasting our time the Senate is wasting our time because we need to do our job. Hindi po yan andiyan kami kasi meron kaming responsibilidad na transparency sa ating mga kababayan ito yung forum na mapipilitan silang magpakita siguro kung sino yung sa komite diyan magpa-file ako ng resolution na magkaroon ng hearing. Pero I'm looking forward for having mayor Erap nakakahanga rin.

Q: Marami hong natuwa dun sa ginagawa niyang yan sa Maynila.

Poe: Ganun nga po kailangan ng political will hindi ko sinasabing tama lahat yun pero kailangan din minsan lakasan mo din ang loob mo kasi wala ring mangyayari.

Q: Kasi kayo po diyan sa Senate nakaka-attend na rin ng caucuses ng all senator caucus at ng all majority caucus. Ano po ang masasabi niyo sa mga pinag-uusapan nila sa loob ng caucuses na yan ma'am?

Poe: Lahat naman ng senador hindi naman mananalo yan kung wala namang people's guilt okey naman sila pag kasama personally. Pero siyempre hindi ko na rin ididiin meron din silang kanya kanyang kailangang protektahan. Siyempre iilan lang sa isang isyu ang hindi sangkot dun nao-over power nung iba. Para sa akin ang Senado naman kasi kumikilos din yan pag nagkakaroon ng public uproar tama din ang sinasabi nila sasabihin natin by logic lang kung iimbestigahan mo yung sarili mo napaka-weird naman nun pag pinawalang sala mo sasabihin kasi ibig sabihin bypass na sila. Tama rin naman ang ahensiya ang mag-iimbestiga ang sa akin lang ay kung merong irreputable proof halimbawa ang NBI at hindi na talaga yan maiisantabi sa tingin ko mapipilitan lalo na kung maglakas loob na imbestigahan na ninyo yan. Pero sa ngayon sige ipasa natin yung sinasabi nilang alangan imbestigahan natin ang sarili natin nandun na rin ako sana gawin ng NBI lahat ng mga dokumento isumite para talagang wala ng choice iba at payagan na rin ito may nag-file na diyan ng resolution.

Q: Pero ang balita ko ang nangyari sa blue ribbon committee parang first in first out una yata yung sa sex flight kaya yun ang iimbestigahan ngayon at nahuli yung sa pork barrel at sa padrino?

Poe: Pero katulad nga diyan sa pambo-bomba diyan hindi mo naman puwedeng sabihin at yan ay katugunan lamang kay Sen. Pimentel. Pero ni-refer sa komite ko yan agad-agad mag-schedule kami ng hearing.

Q: Tungkol naman sa pag-iimbestiga ayon kay speaker Belmonte ang resulta ng imbestigasyon ng COA at ng NBI naman dun sa pork barrel ay makakasama sa imahe ng mga mambabatas sa senado at kongreso naniniwala po ba kayo doon?

Poe: Siyempre kung mali yung ginawa nila talagang makakasira talaga sa imahe ang tingin ko naman siyempre andiyan si speaker Belmonte. Hindi mo maiaallis yan kung ikaw ang speaker ay parang ikaw na rin yung tatay ng isang grupo at pinoprotektahan din niya yung karapatan ng mga akusado o kung sino man ang alleged na kasama diyan. Ang gumagawa ng imahe ng isang tao yung sarili din niya kunwari ako wala akong kasalanan nag pupumiglas ako imbestigahan niyo yan alisin niyo pangalan ko wala akong ginawa diyan. Pero siyempre maraming ibang factors baka yung iba feeling nila pine-frame up sila at pag nagkaroon ng imbestigasyon lalo lang silang mapapasama hindi mo talaga maintindihan basta ako kung wala kang kasalanan you want the trial to be as fast as possible so you can clear your name.

Q: Ma'm gusto ho sana naming magtanong ng iba pang bagay-bagay kaya lang kailangan na naming magpaalam dito sa aming programa at aga-agahan ko ang pagtawag ko sa inyo next time po!

Poe: Maraming salamat po sa inyong oras.

News Latest News Feed