Press Release
June 26, 2013

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR CHIZ ESCUDERO

On Ampatuan case

May civil liability, but the criminal aspect cannot be compromised.

Given the settlement it only shows mabagal yung justice system talaga natin?

Mabagal naman talaga pero we have to understand that tuloy yung criminal aspect kasi usually sa private crimes apektado yung compromise, ang testigo kasi yung biktima mismo, yung pamilya na pag naki pagcompromise eh di wala ng testigo. Pero sa kasong ito yung mga pamilya nakikipagcompromise hindi sila testigo don sa krimen eh, so yung criminal aspect magpapatuloy yon, yung civil aspect lang yung pwede nilang ipagkasundo.

So kung may pagkakasundo hindi nito maaapektuhan...

It will not affect the criminal case. Ang pagsettle ng civil aspect ng kaso ginagawa naman talaga yon eh.

The fact na nakikipagsettle indication na ng guilt yon?

Under the law every person criminally liable is also civilly liable, so yung civil liability nya sinisettle nya pero yung criminal aspect it's only government tht can compromise it.

Hindi ba lalong magpapabagal ito?

Hindi naman testigo yung mga kamag-anak nong pamilya ng biktima eh, none of them are witnesses in the case. Di ba ang testigo kapwa akusado, wala namang testigong kamag-anak ng biktima na magpapabagal sa kaso, na magpapahirap sa prosekusyon.

So para saan lang yung prosekusyon?

Civil liability.

Pero indication na parang naiinip na yung family?

Hindi naman siguro naiinip. Siguro may pangangailangan, siguro may kagustuhan sila o gustong paggastusan, hindi mo naman pwedeng alisin sa kanila yon, pero malamang pinayuhan din sila ng abogado na yung criminal aspect hiwalay talag yon. Hindi pwedeng isettle.

Ang proposal yung estado sila yung magbigay ng compensation sa family para huwag makipag-areglo sa mga Ampatuan.

Magandang panukala yon pero walang batas na nag-oauthorize non na ang estado ang magbigay ng compensation sa mga biktima o pamilya ng mga karumal-dumal na krimen.

Isa kayang factor na isa-isang may pinapatay kaya baka yung pamilya iniisip nila baka wala na ring mangyari?

Hindi ko kayang magsalita para sa kanila at hindi ko rin kayang maliitin yung naging pasya nila dahil sila yung nawalan, mahal nila sa buhay yung namatay. Anumang pasya o desisyon meron sila siguro pinakamabigat yung desisyon sa kanila, hindi sa atin na na onood lamang doon sa nangyayari.

To be clear even masettle yung civil case tuloy pa rin yung crminal aspect?

It will not affect the criminal liability of the accused. (Pero hindi ba sila tatamarin?) Hindi, pero dapat hindi tamarin ang DOJ, sila ang nagpoprosecute nyan, dapat yung prosecutors na na-aasigned dyan hindi pwedeng tamarin, dahil patuloy na nananatili yung criminal liability ng mga akusado.

On being the committee chair of justice and human rights, itutoy nyo pa ba yon?

Hindi ko pa alam, hiningian lamang kami nila ng list ng mga komite na gusto namin, isa sa mga hiniling ko education committee pero wala pang desisyon o pasya ang mayoriya kung kani-kanino nga at anong komite ang mapupunta kanino.

Given the development ngayon sa Maguindanao massacre, anong basa nyo bakit yung Ampatuan family ginagawa ito kung hindi naman apektado yung criminal liability?

Menos lang siguro sa mga nangungulit, menos siguro sa init ng kaso, init ng isyu, pagpapalamig.

Does this affect the prosecution in any way?

It should not. Kasi pinafollow up man ng kamag-anak o hindi, nandoon man sila sa kada hearing o hindi, yung trabaho ng prosekusyon nananatili pa rin na ipursige yung kaso.

Kasi sir parang mayroong ganoong effect yon kasi the mere fact na isisettle mo civilly yung family hindi na ganoon kaiinit?

Yung family pero merong ibang biktima pa at paano naman yung estado, remember kaya nga Republic of the Philippines vs XYZ, ang aggrieved party dito estado, hindi lamang yung pamilya, kaya may basehan na talaga yung kaso na magpatuloy bagamaman nasettle na yung civil aspect.

May message kayo sa mga family?

Gaya nang nasabi ko mabigat ang kanilang pinagdadaanan, kung may magpapasya kaugnay ito at may masasaktan sa desisyon na ito ay sila, bago tayo lahat. Anuman ang kanilang maging pasya sana huwag nating husgahan, unawain natin sila.

May balita na yung mga water concessionaire yung mga tax na binabayad nila sa government pinapasa sa mga consumer

Wala kasing katumbas na ERC yung utility ng tubig na kailangan nilang dumaan muna roon to justify, ipaliwanag at i-unbundle, walang ganoong counterpart pagdating sa utility ng tubig, so hindi ko alam kung ganoon nga.

So they're free to do that?

I'm not aware, I don't know, siguro kailangan na isang bagay na tingnan o pag-aralan ng Senado pagnag-resume na ang senado.

Pero makatwiran ba na ang binabayad nilang buwis nanggagaling sa atin, ipasa sa consumer?

Well to begin with dapat lahat ng natural monopolies nireregulate ng pamahalaan, kung walang competition dapat nireregulate yan ng isang government agency, hindi sila pwedeng malayang mapagsamantalahan tayo dahil sila ay natural monopolies.

So sa pag-open ng 16th Congress sa tingin nyo dapat itong tingnan?

Isa yan sa dapat tingnan lalo na kung may ganyang uri ng alegasyon dahil ang mga antural monopolies gaya nga nang nasabi ko hindi pwedeng pagsamantalahan ang kanilang mga consumers.

Pinaparegulate yung electronic cigarette kasi hazardous din daw

Sa ilang bansa bansa pinagbabawal na yan, sa Singapore alam ko bawal yan, in fact pagnahulihan ka kinokonsider nilang violation ng ordinance. Siguro panahon na para tingnan na rin yan ng ating DOH kung talagang tama, naaayon sa batas at kung yan ang mas nakakasama pa kumpara sa paninigarilyo.

Sa mga bagong senators meron bang humihingi ng guidance sa inyo?

Lahat nang tumakbo at nanalo sa pagkasenador capable, pinagkatiwalaan ng sambayanan pero kung anumang tulong, anumang paggiya n pwedeng maibigay ng kahit na sinong datihang senador siguro naman lahat kami bukas na makatulong kaninuman.

Si Grace Poe nag-uusap ba kayo?

Nag-uusap, pero wala naman (special treatment), kung nagtatanong lang.

Sabi ng ibang senador yung senado na yung lalapit sa tao like sa ibang session nyo gaganapin sa iabng lugar.

Desisyon ng senado yan bilang isang institusyon, desisyon ngsenado yan kung saka-sakali, depende rin sa kakayahan ng senado na magawa yan dahil hindi naman siguro dapat pa palakihin pa ang budget ng senado, ng Kongreso, kaugnay ng bagay na yan. Kung gugustuhin ng kinatawan, madali naman sila lumapit sa tao, hindi na kailanagng bitbitin pa ang buong tanggapan at opisina.

Some of your colleagues sabi nila hindi pa 100 percent na senate president si Drilon?

Taliwas ang pananaw ko roon, sa palagay ko saber rattling lamang yan, ikanga ingay lamang para makakuha ng puwesto at posisyon na gusto nila pero sa pananawa at palagay ko tapos na ang kuwento kaugnay ng senate presidency. Sa palagay ko si Senator Drilon na ang susunod na senate president.

(Question inaudible)

Kasama na siguro yan sa mga tsismis at intriga bago magbotohan pero hintayin na lang natin siguro yung araw ng botohan.

Maapektuhan ba yung number kung merong hindi masaya...

Well ang mahirap naman talaga kung napakarami ng mayoriya, mahirap mong mapaligaya lahat ng mayoriya kung napakarami ninyo, un-equilibrium, a balance will be reached before the vote comes sa pagpili ng senate president at ang outcome sa palagay ko yon pa rin, si Senator Drilon pa rin ang mananaig.

Bakit nyo nasabi, may numero na ba siya?

Sa palagay ko. Well to begin with ni wala namang ibang kandidatong umuusbong. May ibang kandidato? Wala namang naririnig na ibang kandidato na nag-aaspira sa pagkasenate president maliban kay Senator Drilon. Kung ni wala pang kalaban paano mo naman masasabing hindi siya sigurado.

Yung mga grupo na humihingi ng mga committee masaya na ba sila?

Hindi ko alam, hindi ako pasok sa mga negosasyon eh. Ang hinihingi ko ay committee on education.

Mababago ba yung boto nyo kung hindi maibigay?

Hindi. Preference lamang yung hiningi, hindi kondisyon yon.

Aside form education nao pa yung iba nyong?

Yon lang. (Bakit maraming senador gusto ang komite na yon?) hindi ko alam, ako ninanais ko yon dahil nais kong ipagpatuloy ang nasimulan ng Tatay ko nong siay ay nasa Kongreso na pumanaw nang nagdaang taon. bago ako pumasok sa Kongreso titser ako sa isang public school, hindi naman siguro malayo yon sa bokasyon ko, sa UP.

Are we expecting (inaudible).....

Well at least the lines are drawn. Kasi yung mga miyembro ng UNA mapupunta na sa minority, hindi tulad sa senado ngayon yung nasa minority, bahagi ng administration coalition yung kanilang partido, at least ngayon maliwanag yung linya, mas klaro din yung posisyon at paninindigan ng magkabilang grupo, majority at minority sa senado.

So ibig sabihin ba mas maraming clashes?

Hindi naman clashes ang tawag doon, mas maganda ang check and balance, mas maganda ang interaction at mas mapupulido ang mga batas na ipapasa namin dahil wala ng looking the other way ang magkabilang grupo.

Wala ng super majority?

Wala siguro tulad ngayon na dalawa lang yata, tatlo yung nasa minority, ngayon mas marami ang mapupunta sa minority.

Ano ang ini-expect nating mga panukalang-batas na mipapasa sa 16th Congress?

Sana bagaman second half ng term ni Pangulong Aquino ito magpatuloy pa rin yung trabahong ginawa ng Kongreso sa pagpasa ng mga makabuluhang panukalang-batas, at sana rin mas may kooperasyon galing sa executive branch kaugnay sa mga batas na hinuhubog namin, para naman hindi yung oo nang oo habang naghi-hearing kami tapos a dulo sila rin ang mag-oobject pala bago pirmahan ng Pangulo.

How about majority leader at pro tempore may alam na kayo?

Wala, desisyon ni Senator drilon yan, at kung saka-sakali ng mayoriya ng coalition. Hindi ako makikialam o makikipagsiksikan sa dalawang puwestong yan.

Kung magkapatid ang makakuha ng puwesto, how do you see it?

Well desisyon pa rin ng mayoriya yan, desisyon ni senator Drilon yan kung saka-sakali. Again, hindi ako makikipagsiksikan at wala kayong maririnig sa akin tungkol dyan sinuman ang mahirang.

Yung tungkol sa NIA, National Irrigatino Administration, ang pagsermon sa NIA?

Yung budget cycle kasi ng NIA ay iba eh, you have to understand,aprubahan ang budget January, mari-release yung mga pondo, lalo na ngayon eleksyon, hindi nareleased yung pondo, so maiimplement yung project after bidding period of about 30 days or 45 days, tag-ulan na. So in 2013 budget ng NIA o ng ibang agencies maiimplement yan second half of the year o kung tag-ulan malamng next year, may ganoong delay talaga.

Pero appropriate na na manermon during anniversary?

Mas pipiliin ko na may pangulong naninermon kaysa sa kualng na serbisyong binibigay ng gobyerno kaysa sa pinupuri nya kulang pa rin naman.

Paro dapat pa in public?

Pag may tinatago ang Pangulo ng mga miting miting pinupulaan din siya at pinipintasan, siguro maganda nang what you see is what you get.

News Latest News Feed